KC's POV
We're now inside Neil's car. Una naming ihahatid si Geika since yung bahay niya ay nasa pinakabungad among sa aming tatlo.
No one's talking and let me say it's awkward.
Napatingin ako kay Neil habang nagdadrive. Nasa passenger's seat ako while si Gei ay nasa likod. Pagkatingin ko kay Neil, nakatingin lang siya ng diretso sa daan habang nagdadrive. He's so serious now and he's not even smiling. Ang layo sa Neil na una naming nakilala na napaka joyful person.
"N-neil, sa--" tila ba di niya napansin ang sasabihin ko at bigla siyang nagsalita.
"Geika san ba dito bahay niyo?" Tanong niya without even looking at Geika.
"Ahmm... Ehhh... M-malapit na. Konti na lang. Ahmmmm... There oh! Y-yung plum-colored house na yun d-diyan sa left!" Halata na kabado siya. Ang dark ng bahay nila no? Favorite color ni Tita Chynna, her mom. At si Tito Joel naman favorite niyang color is anything dark. That things are what my bestfriend told me. That's why I know.
Without even saying anything, hininto na ni Neil yung kotse sa tapat ng bahay nila Geika.
Lumabas na si Geika sa kotse at bago niya isarado ang pinto nun, nagsalita muna siya. "T-Thank you N-Neil! I've been h-happy meeting a n-new f-friend! T-thank you again sa r-ride! See you t-tomorrow! Night guys!" At pagkatapos nun ay sinarado na niya ang pinto ng kotse. Nakita na rin namin siyang pumasok sa bahay nila. And I think that's the sign for Neil to drive again. Medyo malayo pa nga pala bahay namin. Mga 7 minutes pa siguro.
Nang makaandar na kami, wala pa ring nagsasalita. And, after I think one and a half minute ay nagsalita na siya, finally.
"Look, Kristelle." He said but still he was focusing on driving. Di nako sumagot at inintay ko na lang ang mga susunod niyang sasabihin. "I may sound overacting but you are my friend. So... can I ask you a thing?" He asked. Huh?
"Huh? Bakit ka naman magiging OA. E, magtatanong ka lang naman pala. Sure. Ano yun?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Does that bastard... always bully you?" He asked sincerely. Now, he is already looking at me.
"Neil pwede bang magfocus ka sa pagdadrive muna. Baka maaksidente tayo." At saka siya tumingun ulit sa daan. "Tiyaka yung tinutukoy mo, si Miles ba yun?" At nakita ko siyang tumango. "Well, sort of. Pero hayaan mo na. Sanay naman na ako e. And nga pala, thank you dun sa kanina. Nakalimutan ko na magpasalamat sa kaba ko kanina. Natakot kasi ako sayo e at sobrang seryoso mo. And, sorry din na dahil sakin nagkagalos ka sa mukha. Gusto mo, tuloy ka muna sa bahay namin tapos gagamutin ko yan?" Tanong ko sa kanya. Para naman makabawi man lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Big Revenge
Teen FictionWhat if a nerd turned into a goddess? What if an ugly duckling turned into a swan? Back then.. There are many things that make her ask 'what if?' Back then.. There is a guy that is always making fun of her and doesn't really care if she got hurt in...