ABR 5: Saviour

21 0 0
                                    

KC's POV

Sa ngayon ay nagdidiscuss ang teacher namin. Chemistry, hay nako nakakadugo ng utak. Hindi ko na pinakinggan kasi naaral ko na yan. Di naman sa ayaw ko makinig dahil sa wala akong pake. Mas gusto ko kasing wala ng gumugulo sa utak ko dahil magkaiba yung pagkakaintindi ko at ni Sir. Mahirap malaman kung anong tama. Pero yes! Malapit na uwian!

Naalala ko yung kanina.

FLASHBACK

12:47 na at wala pa rin si Gei. At nagkukwentuhan lang kami ni Neil. Madami-dami na rin akong nalaman about him. Teka, nasaan na nga ba si Gei? Baka mamaya di yun naka--

Di ko natuloy yung nasa isip ko nang may nagsalita sa harap namin ni Neil. "Guys, hi. Anong oras na ba? Baka late na ako." Si Geika pala. Mukhang hingal na hingal siya. Pawis na pawis pa.

"12:48. Teka nga Gei, ano bang nangyari sayo at parang hingal na hingal ka?" Tanong ko.

"Teka, o, maupo ka muna." Sinserong saad ni Neil at tumayo sa kinauupuan niya para makaupo si Gei. I smell something talaga eh.

"Salamat." Nakangiting sabi niya habang nakatingala. Nakatayo kasi si Neil sa harap namin na mukhang worried din.

"Ano nga nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ko ulit kay Gei.

"Ah eh. Wala 'to. Hehe." Weirdo niya pang sagot. Huh?

"Ano ba Gei. Ano ba kasi talaga iyon... MOAOB?" Kahit corny, ito lang ang alam kong dahilan para sabihin niya ang totoo.

Nakita ko namang medyo nagliwanag ang mukha niya. Huminga siya ng malalim at nagsalita.

A Big RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon