9: Bravery and Fairness

583 36 0
                                    

Mia:

Mabagal ang bawat pagakyat ko sa stage. Agad na hinanap ng mga mata ko ang lalaki dahil siya ang tutugtog para sa akin. Gulat naman ako nang makita ko siya sa stage at inaayos ang gitara na bahagya pa itong tinitipa.

Ngumiti naman siya nang makita ako. Tumango na lamang ako bilang pagsagot.

"Gwen, do you know her?" tanong ng isang babae na nasa tapat ng stage at nakaupo kasama pa ang ibang member ng club. Siguro ay sila ang magj-judge kung makakapasok ba o hindi.

"Yeah, a friend," ani nito na ikinagulat ko.

"Oh, I see," sagot ng babae at nakapangalumbaba akong tinitigan.

"OOOkayyyy," anang isa namang miyembro na babae na nakasalamin at nakangiting bumaling sa akin.

"Sabihin mo ang name mo, what college, and then pwede na tayo magstart," tumango naman ako at tumingin sa kanila. Humugot ako ng hangin mula sa aking ilong at binuga iyon.

Tinapat ko ang mic sa aking bibig.

"Good evening, I'm Mia Mackenzie C. Valmorida from BS Biology," kabado kong sagot.

"What are you going to sing for us tonight?" nakangiting tanong muli ng babae.

"Hanggang Ngayon by Kyla," halos mautal utal kong sabi.

"Okay then, the stage is yours."

Nabalot ng katahimikan ang buong stage at tanging paghinga ko lamang ang naririnig ko. Tanging sakin lang nakatapat ang ilaw. Ramdam ko ang pawis na tumutulo sa noo ko pati na rin ang pagkabog ng dibdib ko.

"Hey, are you ready?" tanong ng lalaki na pangalan pala ay Gwen. Tumango lamang ako bilang pagsagot.

Narinig ko ang pagtipa niya sa gitara hudyat na nagsimula na nga ang kanta.

Natapos ang intro kaya naman iyon na ang pagkakataon ko para kumanta.

Now Playing: Hanggang Ngayon by Kyla

A/N: Please open media para sa full experience ng kanta

"Sa 'king pag-iisa
Ala ala ka
Bakit hanggang ngayon
Ay ikaw pa rin sinta

At sa hatinggabi
Sa pagtulog mo
Hanap mo ba ako
Hanggang sa paggising mo
Kailanman ika'y inibig ng tunay

'Wag mong limutin pag-ibig sa 'kin
Pintig ng puso 'wag mong itago
Sa isang kahapong sana'y magbalik
Nang mapawi ang pagluha
Ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal"

Nakapikit ang aking mga mata habang kumakanta at nakatutuwa dahil mas nakatulong iyon para mabawasan ang kaba ko. Habang hinihintay ang second verse ay napamulat ako ng mata at tinignan ng upuan ng mga audience na para bang maraming nanonood sa akin. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay para bang nawala.

"'Di makapaniwala sa nagawa mong paglisan
Oh, kay bilis namang nawala ka sa akin, hmm
Oh, ang larawan mo, kahit sandali
Aking minamasdan para bang kapiling ka

Dati'y kay ligaya mo sa piling ko

Lumingon ako kay Gwen na ngayon ay nakatitig sa akin at nakangiti habang tumutugtog sa kanyang gitara. Binalik ko ang paningin sa harapan at ganon na lang ang gulat ko nang makita si Thadeo na prenteng nakaupo sa isa sa mga upuan at walang emosyon na nakatitig sa akin. Paano siya nakapunta dito?

"'Wag mong limutin, pag-ibig sa'kin na iyong pinadama
Pintig ng puso, 'wag mong itago
Sa isang kahapong sana'y magbalik
Nang mapawi ang pagluha
Ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal? (Hmm)"

Her Golden Strings [HER Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon