21:

642 13 7
                                    

Mia:

Hinihintay na lamang namin na makabalik sina tito Anton at tita Zara. Nakaupo ako sa tabi ni Zed at nakaupo naman si Gwen sa mahabang sofa.  

Tahimik ang buong ward nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon sa bulsa. Hindi ko na tinignan kung sino iyon at sinagot ang tawag. Lumayo ako sa kama upang hindi maistorbo ang pagpapahinga ni Zed. 

"Hello?"

"Where are you?"

Alam ko na agad na si Thadeo iyon. Hindi ko namalayan na anong oras na pala at hindi rin ako nakapagpaalam kay Mr. Lee.

"Why are you not answering?" mahihimigan ang pagkainis sa tono ng boses niya.

"Mia, gising na ata siya," ani ni Gwen. Napalingon naman ako dito at nakita ko ngang gumalaw nang bahagya si Zed. 

"You're with HIM?"

"What?" ani ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. 

"Hello? Naririnig mo ba ako?" anang ni Gwen na kinakausap si Zed.

"I'll call you later," binaba ko ang tawag atsaka lumapit sa kama. "Zed?.." pagtawag ko dito. Napapadilat si Zed pero hindi iyon tuluyang dumidilat para bang naliliyo ito at hindi makatingin nang diretso.

"Tatawag ako ng nurse," pagpresenta ni Gwen. Tumango naman ako at inilalayan lang si Zed. 

"M-Mia.." lumapit ako dito at hinawakan ang kamay niya. "Yes Zed, It's me... Nandito ako.."

"I-I'm so..." nais niyang magsalita ngunit bilang lamang ang mga letrang lumalabas sa bibig niya. Agad namang nakarating ang mga nurse at doctor kaya naman binigyan ko sila ng pagkakataon na suriin si Zed. 

Tumabi ako kay Gwen habang tintignan nila ang lagay ni Zed.

"Check the vitals," ani ng doctor at tumango naman ang nurse na katabi nito. Abala sila sa pag-suri kay Zed nang biglang dumating din si tita Zara at tito Anton. 

"What happened, iha?" lumapit ako kay tita at hinawakan ang kamay niya. "Gising na po si Zed," napatakip ng bibig si tita Zara atsaka bahagyang sinilip ang kama. "Salamat.. Salamat naman.." mahinang usal niya.

Kinausap muna ni tita at tito ang doktor habang nasa sofa naman kami ni Gwen. 

Abala sila sa paguusap nang tumunog muli ang cellphone ko. Agad akong lumabas ng ward atsaka iyon sinagot.

"Where are you?" mariin na tanong sa kabilang linya.

"Nasa ospital ako. Malapit sa Trinity--" hindi agad ako nakatapos sa sasabihin nang ibaba niya ang tawag. Saktong papasok ay lumabas na rin ang mga nurse at ang doctor. Agad ko silang tinanguan atsaka pumasok sa loob ng ward.

Agad na lumapit sa akin si tita Zara at yumakap. Humiwalay ako sa yakap atsaka tinignan ang kalagayan ni Zed. "She's conscious pero ang sabi ng doctor, it might take time for her to regain her strength," hinawak niya ang balikat ko.

"Thank you, iha. For being here for our Anita," hinawakan ko ang kamay ni Zed at ramdam ko ang paglapat ng dulo ng daliri niya na para bang hinahawakan niya rin ang kamay ko.

Bahagya akong napangiti atsaka muli siyang ginawaran ng halik sa noo. "Thank you so much iha, we've caused you enough trouble. We'll take it from here."

"Okay lang po tita. Basta si Zed, nandito lang ako palagi para sa kanya," ani ko at  nakipagbeso kay tita Zara at tito Anton.

"Salamat iho," baling ni tita kay Gwen. Ngumiti naman ang lalaking nasa likod ko. "Wala ho 'yon. Kung kaibigan ni Mia, kaibigan ko na rin," hindi naman na sumagot si tita at nakipagbeso rin.

Her Golden Strings [HER Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon