22:

567 12 7
                                    

Mia:

"Mia, nakikinig ka ba?" tanong ni Zed na nakaupo sa kanyang kama.

"Oo naman," aniko kahit ang totoo ay lumilipad ang isipan ko. Agad na tumaas ang kilay ni Zed at pinagkatitigan ako.

"Yung totoo, Mia." Kinuha niya sa kamay ko ang orange na kanina lang ay hawak ko.

"Kanina mo pa 'to binabalatan. Wala naman ng balat," aniya na sinusuri iyon. Hinablot ko ang prutas atsaka iyon hinimay at nilagay sa platito.

"M-may mga iniisip lang." Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa paghimay. Halos dalawang buwan na rin noong una kaming pinakilala ni Thadeo sa isa't isa at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi ang balita kay Zed na ako ay ikakasal na.

Abala ako sa paghimay ng orange nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Thadeo:

What time will you go home?

Tinipa ko naman ang keypad.

Later, I'll text you.

Message Sent!

Binulsa ko ang cellphone atsaka binalik ang atensyon kay Zed. Inabot ko sa kanya ang platito na may orange at ngumiti naman ito.

"Thank you, best friend." Kumuha siya ng isa at sinubo iyon. Para siyang bata habang masayang nginunguya ang prutas na binigay ko.

"Are you okay now?" biglaan kong tanong. Napatigil sa paggalaw si Zed. Ibinaba niya ang kamay niyang may hawak na orange atsaka tumingin sa akin.

"I am trying to be okay, Mia," aniya at mapait na ngumiti.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang ikwento ang lahat." Tinignan niya ang kamay niyang nakabenda. "Can you wait for me until I'm fully healed?" tinignan ako ni Zed at tanaw ko sa mga mata niya ang mga nagbabadyang luha.

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. "I'll wait for you. Even if it takes years." Niyakap ko siya nang mahigpit at ganon din siya sa akin.

Marahil ay malala ang nangyari sakanya na hindi niya pa kayang sabihin sa akin ang lahat.

"Kumusta ka nitong mga nakaraan?" tanong ni Zed sa akin. Nilaro ko naman ang aking mga daliri. Pinag-iisipan kung ano ang sasabihin sa kanya.

"I made new friends, exceeded in my classes and I'm also going to perform on our foundation week," aniko at ganoon na lamang ang tuwa sa mukha ni Zed.

"I'm so proud of you Mia, nagawa mo iyon lahat." Mapait na ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko. "Nakakatampo tuloy, pakiramdam ko kaya mo ng mabuhay na wala ako," saad niya na bahagya pang natawa.

Napakunot ang aking noo. Tila binabasa ang mukha niya sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

"I hope they could be there for you while I'm gone," gustuhin ko mang hindi paniwalaan ang naririnig ko ngunit huli na dahil alam ko na kung ano ang ibig sabihin ni Zed.

"Y-you're leaving?" tanong ko kay Zed. Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata dahil sa mga nagbabadyang luha.

"Just for a while, Mia." Hinawakan niya ang balikat ko. "Mommy says I have to be rehabilitated."

"K-kailan kayo aalis?" parang bata ako kung itanong iyon. Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari. Ang matalik kong kaibigan ay mawawalay sa akin.

"Tomorrow." Mapait muli ang ginawad niyang ngiti. "Huwag ka ng pumunta ha, baka hindi ako makaalis agad e," pagbibiro pa nito.

Hindi ko na napigilang maluha atsaka siya niyakap nang napakahigpit. "I'm going to miss you, my ray of sunshine." Ramdam kong humigpit din ang yakap niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Golden Strings [HER Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon