Mia:
Ilang araw na ang lumipas simula nung huling pagkikita namin ni Thadeo. Hindi niya na rin ako hinatid-sundo dahil kinabukasan ng araw na iyon ay nakauwi na ang Daddy.
Naging abala rin ako sa mga sumunod na araw dahil sa mga reports sa minor subjects. Ang mga major subjects naman ay puro laboratory works kaya naman nawala rin sa isip ko ang mga problemang naiisip ko katulad na lang ng pagiging MIA ni Zed, ang biglaang pagbago ng mood ni Thadeo ng araw na iyon at ang Birthday Party ng kapatid niyang si Benjamin.
Sabado ngayon at ngayong araw ang orientation sa glee club. Ang sabi ni Gwen ay 9 AM ang start kaya naman 8 AM pa lang ay nandito na ako sa Music Hall. Naisipan ko rin na pagkatapos nito ay pupunta ako sa bahay nila Zed. Nagbabakasakali na nandoon siya.
Umupo ako sa gilid ng hall dahil wala namang upuan doon at habang naghihintay sa iba ay nakinig muna ako ng music. Dala ang music player, ipinasak ko ang headphones sa aking tenga.
Taimtim akong nakikinig sa music nang biglang may kumalabit sa akin. Tinanggal ko naman ang headphones ko at nilingon kung sino iyon.
"Hi," bati ni Gwen. Casual ang suot niya ngayon at nakasukbit ang ID sa leeg niya. Sa likod niya naman ay bitbit niya ang gitara at bag niya.
"Hello, ang aga mo ah," ani ko.
"Psh, e ano ka pa?" natatawang sagot niya naman. Bahagya rin naman akong natawa. Kinuha niya ang susi sa kanyang bag at binuksan ang pintuan ng music stadium. Maliit lang naman iyon pero dahil nasa loob ito ng school ay masasabi mo na rin na malawak at malaki.
"Maaga talaga ako kasi ako ang may hawak ng susi," ani niya at pinaikot ikot pa ang susi sa hintuturo niya. Sumunod naman ako sa pagpasok at inilapag ang bag sa gilid ng stage.
"Excited ka na ba?" tanong niya sa akin habang inaayos ang mga upuan.
"Konti," sagot ko at natawa naman siya. Nakakapagtaka na kapag palagi ko siyang kasama ay halos mapunit na ang bibig niya kakangiti. Siguro ay ganon lang talaga siya.
"Kailan ka pa naging President dito?" pagiiba ko ng pinaguusapan.
"Last year, nung 3rd year ako," natapos na siya sa pag aayos ng upuan kaya naman lumapit siya sa akin. Hindi naman ako sumagot at nagpatuloy siya sa pagkwento.
"Mahal ko talaga ang musika, mahilig din ako sa arts pero eto ako at nasa Psychology," tumawa siyang muli.
"Maganda nga ang nakuha mo. Maiintindihan mo kung anong tumatakbo sa isipan ng isang tao. Isa pa, mas lalawak ang panguunawa mo lalo sa mga taong kailangan 'non," ani ko habang nakatingin sa kawalan.
"Siguro nga tama ka, ang pinakadahilan kung bakit ko kinuha ang Psych ay dahil sa Dad ko," nilingon ko siya nang sabihin iyon. Para bang napukaw niya ang interes ko.
"Why?" nagtatakang tanong ko.
"Let's just say, he wanted to rest earlier than we were expecting," mapait siyang ngumiti. Sa tingin ko ay sobrang malapit sila ng Daddy niya.
"I'm sorry," iyon na lamang ang naisagot ko.
"Alam ko naman na okay na siya ngayon. Siguro yun na rin ang paraan niya para mas maintindihan ko ang pinagdadaanan niya at ng iba pa na nangangailangan ng tulong katulad niya," tumingin siya sa akin. Kitang kita ko sa mata niya ang tuwa nang sinasabi niya iyon. Na para bang alam niya na agad ang purpose niya sa mundo.
"Pero bukod doon, gusto ko rin maging architect," dagdag niya.
"Kung iyon ang gusto mo, tuparin mo Gwen. I know that you will reach all of them," ani ko at tinapik siya sa balikat. Hindi naman na siya sumagot.
BINABASA MO ANG
Her Golden Strings [HER Series #1]
RomanceAnak ng isang mayaman, si Mia ay nanggaling sa marangyang buhay pero bumaliktad ang lahat dahil sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan. Ang pangyayaring ito ang sisira sa buhay niya at sisira sa pagmamahalan nila ni Thadeo. Kung dati ay hinangad...