KINABUKASAN
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatagos mula sa bintana. Itinaas ko ang kamay ko para matakpan ang nakakasilaw na araw. Napahikab at nakapagunat pa ako bago naisipang bumangon.
Dumiretso ako sa C.R. para makapaghilamos atsaka pumunta pababa. Amoy ko kaagad ang bango ng niluluto na batid ko ay si Manang Cora ang naghahanda. Napatingin pa ako sa sofa at nandoon si Zed na tulog pa rin.
"Oh Neng, good morneng," nakangiting bungad sa akin ni Manang at inilapag sa hapag ang plato na may hotdogs at sa kabila namang kamay ay isang pitsel ng orange juice.
"Good morning, Manang. Ang dami naman nito?" namamanghang tanong ko nang makita sa lamesa ang samu't saring pagkain.
"Oo naman at may bisita ka. Aba e gisingin mo na para makakain na rin kayo," tinulak niya ako papuntang sofa at bahagya naman akong natuwa.
Lumapit ako sa kung saan nakahiga si Zed atsaka ko hinimas ang kanyang balikat. "Zed, wake up.." mahinahon kong paggising sa kanya. Niyugyog ko pa siya mang bahagya para mas lalong magising. "Zed, it's time to wake up.." dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at napatingin sa akin. Walang emosyon ang kanyang mga mata na ipinagtaka ko.
"Hey, good morning. Tara, kain na muna tayo," hindi siya sumagot at bumangon sa pagkakahiga. Bahagya pa siyang nakayuko kaya dinungaw ko siya sa pagitan ng kanyang mga buhok.
"Hindi ako nakapagpaalam kila Mommy.." ani niya at kinuha ang cellphone. Pinigilan ko siya at hinawakan sa braso. " Pinagpaalam na kita kagabi, Zed. Halika muna, magbreakfast muna tayo," alok ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya na para bang walang choice kundi sumunod sa akin.
Nang nasa hapag kainan, ay puro tuwaan ang ganap sa amin ni Manang. Sige rin ang tanong niya kay Zed tungkol sa aming dalawa. Sumasagot paminsan minsan si Zed pero batid ko ang pananahimik niya. Kahit ipagkaila ko, alam kong ang dahilan non ay ang mga nangyari kagabi.
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si Manang magligpit ganon din si Zed. Pasimple ko siyang sinisilip at pinapakiramdaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Habang nagpupunas ng lamesa ay biglang nagring ang cellphone niya kaya naman lumayo siya para sagutin ito.
Nang makabalik ay bumaling siya sa akin. "Mia, I'm going home na, nandiyan na raw sa labas ng villa sila mommy. Thank you.. sa breakfast," hindi naman ako nakasagot. Akma na siyang aalis nang tawagin ko siya.
"Zed.. kung ano man nangyari kagabi, pwedeng pwede mong sabihin sa akin. Nandito lang ako, okay?" ngumiti naman siya. "I will, Mia. I have to go now," lumapit ako sa kanya at yinakap siya. Ganon na lang ang gulat ko nang bigla siyang mapaluha.
"H-hindi ko kakayaning magkwento sa ngayon.. Mia.." tinapik tapik ko ang likod niya at niyakap siya mang mas mahigpit.
"Kung kailan ka handang magkwento, Zed. I'll always be here for you,a text me when you get home okay?" tumango siya at kumawala sa yakap ko. Nagpaalam siya kay Manang atsaka tuluyang lumabas ng bahay namin.
Sana lang ay maging okay na si Zed dahil nag aalala ako sa kanya. Kung ano mang pangyayari iyon ay nagawa non na baguhin bigla si Zed. Siguraduhin lamang nila na wala silang nagawang masama sa kanya dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at tinuon ang atensyon sa iba pang mga bagay.
Nagpakabusy ako sa studies ko. Nagadvance reading din ako sa mga major subjects habang nakikinig ng tugtugin. Nakaearphones ako at pinapakinggan ko ang mga recent pop songs. Napapasabay pa ang ulo ko sa music habang nagsusulat sa aking notebook.Now Playing: Unwritten by Natasha Bedingfield
"I am unwritten
Can't read my mind, I'm undefined
I'm just beginning
The pen's in my hand, ending unplanned"
BINABASA MO ANG
Her Golden Strings [HER Series #1]
DragosteAnak ng isang mayaman, si Mia ay nanggaling sa marangyang buhay pero bumaliktad ang lahat dahil sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan. Ang pangyayaring ito ang sisira sa buhay niya at sisira sa pagmamahalan nila ni Thadeo. Kung dati ay hinangad...