Mia:
Mabilis kaming nakarating sa villa. Bumaba ako ng sasakyan.
Dinungaw ko mula sa labas si Thadeo at hindi pa rin maalis sa mukha niya ang inis na ekspresyon. Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya. Napalingon naman ito na para bang bumalik sa ulirat. "Thank you, for taking me home," ani ko. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at sinarado ang pinto.
Pinaandar niya naman iyon atsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong naman ako ni Manang. Kinamusta ako sa naging pagtulog ko sa bahay na iyon. Nagkwento naman ako ngunit hindi ko binanggit ang tungkol sa panaginip at paghiga ko sa kama ni Thadeo.
*****
Dumaan ang weekend at gusto ko sanang puntahan si Zed pero wala rin palang maghahatid sakin. Kaya naman napagplanuhan ko na na pagdating ng Lunes ay magpapasama ako kay Thadeo dahil maaga naman ang dismissal ko.
Naging busy lang ako sa pag aaral ng mga major subjects. May mga pending reports din ako kaya naman ginugol ko ang oras sa pag handa ng mga 'yon. Patuloy pa rin ang pagtext ko paminsan minsan kay Zed. Nagbabaka sakali na sumagot siya sa kahit isa doon.
Naisipan kong magpahinga muna dahil sumasakit na rin ang likod ko kaka upo. Nagpapahinga lamang ako nang maalala ko ang papel na binigay sa akin ni Gwen. Kinuha ko iyon sa bag at tinignan.
09xxxxxxxxx
Gwen Pogi
Napangiti ako nang makita iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number nito. Tinipa ko ang keyboard ng aking cellphone.
Hello Gwen Pogi
Sent!
Bumalik ako sa pag rereview nang tumunog muli ang cellphone ko.
From: Gwen
Hello Ganda!
Napatawa naman ako sa reply nito. Tumipa ako muli sa keyboard.
Di ako nakapagtext nung nakaraan. Pasensya ka na sa kasama ko ah.
Sent!
Nakita ko naman agad ang reply niya. Ang bilis sumagot nito na akala mo ay inaabangan ang pagreply ko.
Ok lang yun. Sungit ng sundo mo. Kala ko sasaktan ka e.
Ganon lang talaga yun
Sent!
Hindi naman na nagreply si Gwen kaya naman inayos ko na rin ang mga gamit ko. Pasukan nanaman bukas at maaga ako. Naalala ko nga pala ang plano ko kaya naman kinuha ko ang cellphone.
After class, come with me sa MIU. May aasikasuhin lang ako.
Sent!
Tinext ko si Thadeo para naman may heads up siya sa plano ko at hindi na magulat bukas.
Nang maligpit ang mga gamit ay bumaba ako para kumain ng hapunan. Naabutan ko naman si Manang na kakatapos lang magluto. "Neng, halika na kumain ka na," pag aalok nito sa akin kaya naman binilisan ko ang pagbaba. Tahimik akong kumakain habang si Manang naman ay hinuhugasan ang mga pinaglutuan.
"Ineng, ang tagal ka ng hatid sundo ng mapapangasawa mo pero hindi ko pa rin siya nakikilala," nakangusong ani ni Manang kaya naman bahagya akong natawa. "Hayaan niyo Manang, bukas na bukas ay ipapakilala ko siya," sagot ko naman at tinuloy ang pagkain. Konti lang ang kinain ko dahil pakiramdam ko ay busog ako.
Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto para ihanda ang mga gamit ko sa school. Pinlantsa na rin ni Manang ang uniform ko at nakasampay iyon sa sa hawakan ng cabinet. Ginugol ko lang ang oras sa pag aayos ng mga gamit at pagligpit sa kwarto. Habang nagliligpit ay nakita ko nanaman ang librong nabili ko noon sa bookstore.
BINABASA MO ANG
Her Golden Strings [HER Series #1]
RomanceAnak ng isang mayaman, si Mia ay nanggaling sa marangyang buhay pero bumaliktad ang lahat dahil sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan. Ang pangyayaring ito ang sisira sa buhay niya at sisira sa pagmamahalan nila ni Thadeo. Kung dati ay hinangad...