/14/ Uneasy

598 52 25
                                    


Jael's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jael's POV

"ISA, dalawa, tatlo..." Kanina ko pa binibilang ang bawat butiking mahagip ng paningin ko. Napabuntong-hininga at napahilot ako sa sentido.

Hindi ko sukat akalaing aabot ako sa pagbibilang ng butiki para lang maibsan ang boredom ko sa ospital.

In fairness, effective naman dahil imbis na magbabad ako sa social media at i-stalk ang ex ko, mas mainam na lang na magbilang ng butiki.

It had been a week since I arrived in this sleepy little town, and the nights felt longer than the days. I was transferred in St. Lazarus Hospital, located at the edge of the road like some forgotten relic, surrounded by tall trees and fog. Sa sobrang tahimik nga ay madalas marinig tuwing gabi ang mga kuliglig at naghihingalong fluorescent lights. Pribado naman ang ospital pero tila nalipasan na ng matagal na panahon ang pintura at itsura nito.

Tumayo ako at lumabas ng on call room. Humikab ako habang naglalakad sa walang katao-taong hallway. Kasingbagal ng oras kung kumilos ang mga staff na animo'y nag-i-sleep walk, karamihan kasi'y matatanda na at pinamumunuan pa ng isang masungit na matandang head nurse.

Natigilan ako nang madaanan ko ang isang silid at narinig ko ang pamilyar na matinis na boses sa loob. Sumilip ako nakita si Nurse Piper, ang natatanging kikay ng ospital, nahihirapan sa pagsusuwero. Nakanguso ang kulay pink niyang labi, as if naman mareresolba no'n ang problema niya.

"Wait lang, Sir, isang try na lang talaga," anito at halos umikot ang mga mata ko nang makita ang kumikinang na nail art sa mga kuko.

"Anong problema?" hindi ko natiis at pumasok na ako sa loob. Kaagad na tumaas ang kilay ko.

"Hi, doc! Slightly struggling lang," palusot nito. "Bakit ba hindi sila mag-imbento ng app or something para madali mahanap ang ugat. Ugh."

Of course, a Gen Z like her would suggest an app for IV insertions.

"Ganito," sabi ko at nangialam na. Parang nakahinga nang maluwag ang pasyente nang mabilis at swabe kong naitusok ang karayom. "See? Gano'n lang kadali." At parang bata lang siyang napanganga at pumalakpak pa.

Nang makalabas ako ng silid ay hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sa'kin.

"Doc Jael, thank you! You're my hero!" dumikit siya sa'kin at huli ko na napigilan ang kamay niyang mabilis na hinagip ako ng camera.

"Hey, no phones during your duty," saway ko sa kanya. "Gusto mo bang matulad do'n sa nag-trending na flat line queen?" Narinig ko lang na pinag-uusapan ng mga kasamahan ko kaya ko nalaman ang tungkol sa isang nursing student na naglabas ng video na may nag-flat line na pasyente.

"Ugh. No way," sabi niya at mukhang natakot naman sa sinabi ko nang itago ang hawak na cell phone. "I still have my brain, duh."

"Pero pagsu-swero hanggang ngayon hirap ka pa rin?"

A Numinous Affair (Salvation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon