My Girl

11 1 3
                                    

"Look at that kid, she's been staring at you since we've arrived earlier."

Napalingon ako sa tinuro ni Kuya Kreion. It was a little girl wearing a cute pink dress that reaches above her knees and a red doll shoes. It suits her because she looks like a living doll. Her hair was tied in a high pony tail and her facial features looks soft. I think she's around six or seven years old.

I'm with my family here at the Rivoen Church located in a far-away province, because my parents are doing charity works every weekends at ngayon ang napili nilang simbahan na tulungan is actually an orphanage. Nakatambay naman kami ng isa sa mga nakatatandang kapatid ko sa hardin ng simbahan.

"That's impossible, baka napalingon lang. Assuming ka talaga, Kuya. Kaya ka iniiwan eh." Iling ko kay Kuya at iniwan itong mag- isa.

Simula nang makita ko ang batang 'yon, kada nagpupunta kami sa simbahan ng Rivoen ay hinahanap siya ng paningin ko sa 'di malamang dahilan.

"Ay naku, Sir Kirsken. Maraming salamat ho sa mga pinamili niyo para sa simbahan. Siguradong matutuwa ang mga bata lalo na si Tehn-Tehn." Nakangiting sambit sa'kin ni Sister Belen.

"Tehn-Tehn? Sino po 'yon, Sister?" Takang tanong ko dahil ngayon ko lang narinig ang palayaw na 'yon sa nakalipas na labing-siyam na taon kong bumibisita sa simbahan na ito.

"Ay, mabait na bata iyong si Tehn-Tehn. Sa katunayan ay kaarawan niya ngayon kaso ayaw ng batang iyon na maghanda kami o mag celebrate man lang." Sabi ni Sister habang inaayos ang mga binigay kong grocecy.

"Oh, ayun siya, Ser." Turo ni Sister sa labas ng bintana ng kusina kung nasaan kami. Sa labas ng bintana ay kita ang malawak na hardin ng simbahan na sinamahan pa ng ilog malapit dito

Sa hardin ay nakita ko ang isang babaeng hindi masiyadong katangkaran at mahaba ang buhok. Her natural brown hair is shining because of the sunlight and it's waving because of the warm breeze of summer.

She was playing with the children outside wearing a yellow flowy-floral dress at nakapaa lamang.

I was really enjoying watching her pero bigla kaming nakarinig ng sigaw at tilian ng mga bata sa labas kaya naman nabalik ako sa katinuan. Nakita ko na lamang na may batang nagsusubok humingi ng tulong galing sa ilog kaya naman napatakbo ako sa labas at pumunta agad sa hardin kung saan malapit ang ilog.

Pagkadating ko ay wala ang babaeng tinawag na "Tehn-Tehn" ni Sister Belen kaya naman napamura ako sa isip ko dahil ang sabi ni Sister ay mabait ito pero bakit hindi niya man lang tinulungan ang bata?

Saktong patalon na ako sa ilog para sagipin ang bata ay biglang may umangat na ulo ng bata na sinundan naman ng ulo nung babae. Parehas silang naghahabol ng hininga habang sinusubukang lumangoy ng babae papunta sa kung saan ako nakatayo ngayon.

Tinulungan ko silang makaangat sa lupa sa pamamagitan ng pag abot ng kamay ko sa kanila. Agad na iniabot ni Tehn-Tehn sa'kin yung batang lalaki kaya naman tinulungan ko agad ito at sunod na inakay paangat si Tehn-Tehn pero pagkaangat nito ay agad ako nitong hinawi para tignan ang lagay ng batang sinagip niya.

"Chris, ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo kay Ate kung anong nararamdaman mo. Giniginaw ka ba?" Sunod- sunod na sambit nito habang hawak sa magkabilang balikat ang batang lalaki na nakatingin sa kaniya kaso biglang umiyak ng malakas ang batang lalaki kaya naman niyakap siya ni Tehn- Tehn.

"Sh, okay ka na. Naabot ka ni Ate, hm? 'Wag ka na umiyak." Pagpapatahan niya sa bata at tila hindi pa rin ako napapansin dahil binuhat niya na lamang ang bata at tinawag pa ang ibang batang nag aalalang nakapalibot sa kanilang dalawa.

One Shots of SecretsWhere stories live. Discover now