++

4 1 0
                                    

Bakit ba laging nagsisimula sa ganito?
Ang bibig ko ay parang saradong libro.
Hindi ko masabi ang nasa isipan ko,
Samantalang parang nakagapos ang mga kamay ko.

Iniwang nag iisa ang puso ko,
At ako'y naiwan na parang multo.
Isip at puso'y lubos na nasugatan,
Habang ika'y may iba nang minamahal sa kasalukuyan.

Ang bitak sa ating samahan,
Ay tuluyang naging lamat sa ating pagmamahalan.
Ngayon ay hindi na maibabalik sa dati,
Ang lambing at ngiti sa ating mga labi.

One Shots of SecretsWhere stories live. Discover now