Headless Biker

3 1 0
                                    

Halloween Entry #1

"Huy, Catherine. Dito ka lang malapit sa amin ha at hindi mo kabisado dito sa bundok."

Napatango na lang ako habang may bitbit na tumbler, sako, at bimpo. Napag desisyunan kasi nila Mama na pumunta kami dito sa kamag anak namin sa Bataan ngayong undas.

Ngayon naman ay isinama ako ng mga tito ko na mamitas ng mga mangga sa bundok. Medyo kinilabutan pa nga ako nung paakyat pa lang kami pero syempre ayoko namang sabihin nila na nag- iinarte ako.

Baka makurot pa 'ko ni Mama.

Nakasunod lang ako sa mga tito ko habang namimitas sila ng mga mangga. Ang bilin pa ni Mama ay damihan ko ang mga manggang makukuha o maibibigay nila Tito para makapag uwi kami sa Bulacan.

"Catherine, ilag!" Agad akong napalayo sa puno ng mangga nang marinig si Tito Joran.

Nakita kong may bumagsak na tumpok- tumpok na mangga kaya naman napatingala ako kay Tito ulit.

"Kunin mo na 'yan!" Sigaw niya mula sa puno.

Napagpasiyahan kasi nilang umakyat sa puno dahil mas marami daw bunga sa kalagitnaan ng puno.

Nagmamadali naman akong sumunod sa sinabi ni Tito at kinuha ang mga manggang nasa lupa para ilagay sa sakong bitbit ko.

Nang matapos sila Tito mamitas ng mga Mangga ay nag aya na silang umuwi at nakita naming malapit na lumubog ang araw. Bitbit ni Tito Reinold ang sako ko dahil baka daw mabigatan ako lalo na at ang liit at bata ko pa daw para magbuhat ng mabibigat.

Nauuna silang maglakad sa'kin, at ayos lang naman para makita ko sila at malamang hindi nila ako pagtataguan kung sakali. Ayoko namang maligaw dito sa bundok lalo na at first time ko dito.

Masayang nag uusap sila Tito nang may marinig akong bell ng bike. Bilang batang hindi pa nagkakaroon ng bike ay napalingon ako sa likuran ko na pinanggalingan ng tunog nito.

Nakita ko sa 'di kalayuan ang isang bike na kulay grey. May training wheels pa ito, basket sa harap, at ang naririnig ko... Ang bell.

May batang nakasakay dito pero hindi ko napagtuonan agad ng pansin ang kabuuan niya bukod sa paa niyang madumi na at ginagamit niya pang pidal nung bike niya.

Humarap ako ulit para sabihin sana kila Tito ang nakita ko pero wala na sila doon.

"H-hala.. T-tito?" Kinakabahang sabi ko.

Ano ba 'yan?!

Nasaan na sila?!

Mahigpit akong napahawak sa tumbler at bimpo ko.

Napalingon ako sa direksiyon nung nag b-bike kanina pero bigla akong napaupo sa lupa nung makita ko ang batang nakasakay dito.

WALA SIYANG ULO!!

"TITO!!!" Sigaw ko at pinilit ang sarili kong tumayo at tumakbo palayo doon sa bata.

Naiwan ko pa ang dalawang hawak ko dahil sa pagmamadali. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta o kung saan na ang narating ko pero pinilit kong tumakbo nang tumakbo. Hinihingal na ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Layo!

Kailangan kong makalayo dito!

"N- nasaan na b-ba ang d-daan p-pauwi?" Hinihingal na tanong ko sa sarili ko at halos maiyak na ako dahil hindi ko na alam kung nasaan ako.

Nababalot pa rito ng mga naglalakihang puno kaya naman mas natatakot ako.

"T-tito! Tulong po!" Napahagulgol ako matapos sumigaw. "Nasaan na po ba kayo?!"

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari dahil naramdaman ko na lang ang sarili kong nakahiga sa matigas at medyo maputik na lupa.

"Nilalagnat si Cathy, ano bang ginawa niyo? Pinag- tripan niyo ba 'yang bata?" Rinig ko ang masungit na boses ni Mama.

Ramdam ko ang malambot na unan sa ulo ko at ang banig na nakalatag sa likod ko.

"Ven, bigla nga siyang nawala tapos nakita na lang namin nakahiga na dun malapit sa mga puno ng mangga at walang malay." Rinig kong sagot ni Tito Javier.

"Hindi kaya napaglaruan 'yan sa bundok?" Sabi naman ni Lola Ermita.

"Nanay naman, hanggang ngayon ba naniniwala pa rin kayo na may nga ispirito sa bundok na 'yon?" Tanong ni Mama.

Unti- unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita silang lima dito sa kwarto ko. Ang tatlong Tito ko, si Mama, at si Lola.

"Wala namang masama kung maniniwala ka at wala rin namang mawawala." Sabi ni Lola bago lumingon sa akin.

"Magpahinga ka pa muna, mataas pa ang lagnat mo." Sambit niya bago lumabas sa kwarto.

"Sinasabi ko sa inyo. Kung pinagtripan niyo lang si Cathy, makakatikim kayo sa'kin." Banta ni Mama bago naupo sa gilid ng higaan ko. Hindi umimik ang mga tito ko at lumabas na lamang ng kwarto.

Mag- iisang linggo rin akong nilagnat dahil sa nangyari. Humingi naman ng paumanhin ang mga Tito ko sa nangyari, at sinabi sisiguraduhin nilang hindi na mauulit.

Ngayon ay nasa maliit na hardin ako ng bahay ni Lola. Uuwi na kami pabalik sa Bulacan sa makalawa.

Ayon kay Mama, nilagnat ako dahil sa pagod pero ang sabi ni Lola ay dahil napaglaruan daw ako sa bundok.

"Mama, nakita ko po talaga yung bata wala siyang ulo." Pagpupumilit ko kay Mama. Hindi kasi siya naniniwalang may bata akong nakita na nagba- bike at walang ulo.

Nagwawalis si Mama ng mga kalat dito sa hardin, at napahinto sa sinabi ko.

"Guni- guni mo lang 'yan, Cath." Sabi ni Mama at pumasok na sa loob ng bahay.

Mama, kung guni- guni ko lang yung batang 'yon.

Bakit nakasakay siya sa bike niya at nasa harap ng bakuran ni Lola ngayon?

----------
A/N: This one is based on true story.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shots of SecretsWhere stories live. Discover now