Unedited
Kane's POV
"Sorry for making you stay." He said sincerely, I sighed.
"Bakit ka nag so-sorry? Ayaw mo ba ako kasama? Kung ayaw mo ibaba mo na ako na d'yan!" Bulyaw ko sakaniya, aba dami pang arte, gusto 'din naman!
"Really? Do you want me to drop you off here?" He asked, napataas ako ng kilay at tumingin sa bintana, nasa skyway pala kami, tangina!
Wait!
Skyway? Gago saan kami pupunta? Bakit kami nandito?! Siraulo 'to ah!
"Saan mo ko dadalhin? Huh?" I asked him, he raised his eyebrows, may balak siya base sa ngisi niya.
"We are going to Zambales." Sagot niya na ikinanganga ko, huh? Seryoso siya? Tangina! Five pm na, anong oras kami makakapunta doon? Saka ano gagawin namin 'don?
"Siraulo ka ba or sadyang gago ka lang?" Tanong ko sakaniya, siraulo kasi, lakas ng trip niya! Kung trip niya mapagod, siya na lang! Dinadamay pa ako!
"Nandoon sila mom, they want us to go there," Sagot niya, I raised my eyebrows, ano namang trip 'to ni dad? Sabado bukas kaya malakas loob nila na mag set.
"How about Drei?" I asked him.
"He's on his way." Sagot niya, I rolled my eyes, kung sumabay sa'min si Andrei, hindi sana ganito ka awkward!
Mahaba-habang byahe 'to, kaya makatulog muna. Dahil sa antok at pagod ko, nakatulog agad ako. Naalimpungatan ako nang namatay yung engine.
I saw Ice talking with a guy, nagpa-gas pala siya, nakita ko na madilim na 'rin ang kalangitan.
"Good evening." Bungad ni Ice nang makita akong gising na, I just rolled my eyes.
"Malapit na ba tayo?" I asked him, halatang kanina pa kasi siya nagdri-drive, pagod na 'din mata niya.
"Yeah, I think an hour left." Sagot niya, tumingin ako sa orasan at nagulat nang mag 9 pm na pala,
"Can I play some music?" I asked him, pang matanda kasi music niya, nakakaantok pa.
Pumayag siya kaya I Bluetooth my phone, automatic Bruno Mars karamihan sa album ko, Bruno Mars fan kasi ako.
"Hindi ka ba napapagod? Gusto mo ako naman mag drive?" Tanong ko sakaniya, kahit naiinis ako sakaniya ay naaawa pa'rin ako.
"No, malapit na 'din naman, are you hungry?" He asked me. "There are foods on the backseat." Saad niya, sakto gutom ako kaya dumungaw ako at nakita yung grocery bag, kumuha ako ng snacks and chocolate.
"Hindi naman halata na ready ka, noh?" I asked him sarcastically, he chuckled napailing na lang ako, mukhang matagal na niyang alam pero hindi sa'kin sinasabi, kaya pala naka Mercedes-Benz siya dahil adventure
Tumahimik kami habang nakikinig kay Bruno Mars, nakatingin lang ako sa bintana at madami ng puno ang nadadaanan kaya alam namin na nasa Zambales na kami.
Napatitig ako sakaniya, there's something on his face, parang ang fresh niya pa'rin tignan at may effect sa'kin ang bawat pagdila niya sa labi niya.
"Do you have any questions?" He asked.
"Bakit sabi mo meeting meron kayo pero I saw you with that girl dating at the restaurant? Huh?" I asked him, napabuntong hininga ako dahil finally nailabas ko na 'din ang kanina ko pang sama ng loob.
"Oh, shit!" Mura niya na animo'y nabisto na.
"See? You're dating, right?"
"That's why you're acting like this! You're acting frustrated, especially with me! Dahil gusto mo ako kasama kumain?" Natatawang tabong niya, shocks!
YOU ARE READING
The Broken Ice (BxB) (Book 1)
Romance(B×B) (Latest and New) Soon you'll be healed, forgiven, refreshed, free from all trauma, pain, guilt and shame. Warning: Vulgar Language, R18 scenes and etc. (Read it now! Many changes in this book, but the plot and characters still the same.)