Chapter Two: Second encounter

1 1 0
                                    

Halos bumibigay na ang mga tuhod ko dahil buong shift kaming nakatayo ni Sweet, hindi rin kami naubusan ng customers kaya para kaming trumpo na paikot-ikot sa cafe, nagpapalitan kaming dalawa sa pagkuha ng orders at pag prepare ng orders ng mga customers. Noong palitan na ni Sweet ng close iyong signage namin para akong nakahinga ng maluwag at napaupo ako sa isang upuan na nililinis ko.

"Nakakapagod ang araw na 'to." reklamo ko habang minamasahe ang mga binti ko.

"Kaya nga e, nawala sa isip ko na ito pala ang last day ng examination week ng mga private at international school."

"Nawala rin sa isip ko."

"Ako na ang maglalabas ng mga basura."

"Hindi, ako na lang." sabi ko sa kanya.

"Sure ka ba?"

"Oo sure ako, ikaw na bahala mag inventory para makauwi na tayo agad alam mo naman na mabagal akong mag inventory."

"Sige."

Mabilis kong inayos ang mga basura at nilagay iyon sa trolley cart para hindi ako mahirapan dalhin iyon sa likod ng building kung nasaan ang malaking dumpster, pagkatapos kong maayos ang mga basura at pabalik na sana ako sa cafe napahinto ako sa paglalakad ng may nakita akong pamilyar na mukha hindi kalayuan sa pwesto ko, may kausap siyang ilang babae habang nakaupo sa isang itim at magandang motor.

Bahagyang tumaas ang kilay ko ng makita ko kung paano siya hawakan ng isang babae sa braso, iyong hawak na may kasamang motibo habang nakangiti at nakatingin sa mga mata niya. Tss. katulad lang din pala siya ng iba. Umiiling akong nagpatuloy ulit sa paglalakad at bumalik sa cafe. Tinulungan ko si Sweet sa iba pang gawain pagkatapos nagpalit na kami ng damit para makauwi na.

Hindi naman kalayuan ang apartment namin mula sa cafe at University na pinapasukan namin kaya pwede naman lakarin lang. Sana meron pa akong makitang part time na malapit lang para makatipid at hindi ako mahirapang pumasok sa cafe at sa University.

Pagdating namin sa maliit naming apartment, nagluto ako ng dinner namin ni Sweet habang naliligo siya pagkatapos niya ako naman ang naligo at siya naman ang nag ayos ng pagkain namin. Pagkatapos namin mag dinner nahiga na kami pareho dahil maaga pa kami sa school kinabukasan.

Pagdating namin sa University, normal na mga estudyante lang kami ni Sweet, nakikinig sa klase, nag aaral, nakikipag kwentuhan at tawanan sa mga kaklase, na i istress sa tuwing may quiz, surprise recitation at group activities. Lumipas ang buong maghapon namin sa school ng gano'n kabilis lang. Nagkukwentuhan kami habang naglalakad papunta sa cafe.

"Sweet una ka na, may bibilhin lang ako sa convenient store."

"Okay, sige bilisan mo ah baka dumagsa ang customer natin bigla e."

"Yep, saglit lang ako."

Dumertso na si Sweet sa cafe habang ako naman tumawid sa kabilang kalsada para pumunta sa convenient store. Palagi akong pumupunta rito kaya kilala ko na ang mga staff nila.

"Good morning, Aleck." bati ko sa staff pagpasok ko.

"Good morning, Meiah." nakangiti niya ring bati sa akin pabalik habang nag aayos siya ng pinamili ng customer sa harap niya.

Dumeretso ako sa beverages area nila at kumuha ng favorite kong dutch mill strawberry flavor at pumunta sa pila. Napatingin ako sa lalaking nakapila sa harap ko, nakasuot siya ng white t-shirt, jogging pants at white sneakers, matangkad siya, tingin ko nga hanggang dibdib niya lang ako, tapos ang bango niya rin, amoy siya masculine pero hindi masakit sa ilong, ito iyong mga amoy na pag nakasalubong mo lilingunin mo pa ulit.

"376 pesos po lahat, Sir." sabi ni Aleck.

"Ito po."

Nagulat ako ng marinig ang boses niya para kasing familiar iyon kaya mariin akong napatingin sa lalaking 'to na nasa harap ko..

One StepWhere stories live. Discover now