Chapter One : That Smile

1 1 0
                                    

Napabuga ako ng malalim na hininga ng maalala ko na naman ang sinabi sa akin ng doctor ni Mama kanina tungkol sa mga changes na gagawin nila sa treatment at mga medicine niya. Kailangan kong paghandaan ang tungkol doon dahil magkakaroon ng increase sa medical bill niya, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipangdaragdag ko sa bill ni Mama dahil ang sahod ko rito sa cafe sakto lang para sa ngayong medical bill niya at pang araw-araw ko.

"Meiah, Hoy!" napaigtad ako ng mahina akong alugin ni Sweet sa braso.

"Oh, bakit?" gulat kong tanong.

"Kanina pa ako nagsasalita rito, ano ba iniisip mo?"

Napayuko ako at bagsak balikat na tumingin sa kawalan.

"Tinawagan ako ng ospital kanina." I sigh. "Sabi sa akin kailangan daw nila bigyan si Mama ng bagong treatment at kailangan nilang baguhin ang ibang medicine niya."

"Huh? Bakit naman biglaan?"

"Recently kasi napapadalas ang episodes ni Mama."

"So, hindi na effective ang mga gamot niya ngayon sa kanya?"

"Hindi naman sa hindi effective pero kailangan nilang taasan ng dosage."

"Magkano naman ang increase ng hospital bill niya ngayon?"

"Almost 3,000 pesos."

"What! Ang taas naman?"

"Kaya nga e. Hindi ko alam kung saan kukuha ng ganoon kalaking pera every month, hindi naman sapat ang sahod ko rito sa cafe para doon."

"So, ano ang plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam, baka kailangan kong humanap ng isa pang trabaho."

"Paano mo pa gagawin? May pasok ka pa sa school."

"Wala naman akong choice kung hindi pilitin na magkaroon ng oras para makakuha pa ng isang trabaho."

"Hindi kaya katawan mo naman ang bumigay niyan?" nag aalala niyang tanong.

"Batak na ako, kaya alam kong hindi susuko ang katawan ko sa mga ganito, at saka saglit na lang naman summer break na natin kaya kahit pa-paano magkakaroon na ako ng oras at pahinga."

*Cling*

Natigil kami sa kwentuhan ng marinig naming bumukas ang pinto ng cafe kaya sabay pa kaming napatayo ng maayos at nakangiting binati ang customer.

"Good afternoon, welcome po." sabay naming bati ni Sweet sa customer..

Bahagya pa akong natigilan ng ngumiti iyong lalaking customer sa amin. Ang ganda ng ngiti niya meron siyang dimple sa gilid ng lips niya tapos iyong mga mata niya parang ngumi-ngiti rin, para siyang model ng toothpaste commercial.

"Good afternoon." nakangiti niyang bati sa amin ng makalapit na siya sa counter.

"Hi, Sir. Ano pong order niyo?" tanong sa kanya ni Sweet.

"Hmm." sabi niya at tumingin siya sa menu board namin habang nag iisip. "Hindi ko alam kung ano ang masarap, meron ba kayong recommendation?" tanong niya.

"You can try our best seller po." sagot ni Sweet sa kanya.

"Ayaw ko ng may coffee at tea." nahihiyang sabi niya at humawak pa sa batok niya.

"Ang bestseller po namin dito is winter melon at oreo cheesecake."

Saglit na nagsalubong ang kilay niya at bahagya pa siyang ngumuso siguro hindi niya gusto ang mga iyon dahil nakatingin pa rin siya sa menu board namin.

"Ikaw Miss, meron ka bang ma re recommend?" nanlaki ang mga mata ko ng tingnan niya ako.

"Ho? Ako po?"

One StepHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin