Chapter Four: Rescue

1 1 0
                                    

Nasa malapit na mall kami ni Sweet dahil napag utusan kaming bumili ng mga materials na gagamitin para sa pag de decorate ng room namin para sa nalalapit na school fair. Dahil si Sweet ang room president namin siya ang na assign mag asikaso ng lahat at dahil best friend niya ako kung nasaan siya nandoon din ako, kaya nandito ako sa mall bitbit ang mabigat na mga plastik bag habang nararamdaman ang pagpatak ng pawis sa katawan ko. Parang walang aircon dito sa mall, nagtitipid ba kayo?

"Gusto ko ng ice cream." nagmamaktol kong pabulong na pagpaparinig.

"Oo na ililibre kita." nakangiting sagot naman ni Sweet.

"Dapat lang, ang dami naman ng binili natin kailangan ba 'to lahat.?

"Binili ko lang iyong nasa listana ni Mrs. Victorino." sabi niya at ipinakita sa akin ang hawak niyang listahan na binigay sa kanya ng adviser namin.

"Parang pang buong school na 'tong binili natin e."

"Huwag kang OA d'yan."

Ngumuso lang ako sa kanya at ipinagpatuloy na namin ang paglalakad pero napahinto ako ng mapadaan kami sa isang restaurant na may nakapaskil na hiring announcement.

"Wait lang muna!" tawag ko kay Sweet at itinuro ko iyong hiring announcement.

"Bakit mag a apply ka na?"

"Magtatanong muna ako, wait lang."

"Sige hintayin kita rito sa labas."

Nakangiti akong tumango sa kanya at nagmamadaling pumasok sa loob ng restaurant para magtanong, saglit akong tumingin sa paligid para maghanap kung kanino ako pwede magtanong ng makita ko na lumabas galing sa kusina siguro nila iyong isang babaeng mukhang manager nila.

"Excuse me po." mabilis akong lumapit sa kanya at tingin ko bahagya pa siyang nagulat sa biglang pagsulpot ko.

"Oh, yes?" tanong niya at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Nakita ko pong hiring kayo ng service crew."

"Ah, oo hiring nga kami."

"Pwede po ba akong mag apply?"

"Huh? Eh mukhang estudyante ka pa lang e."

"Opo, nag aaral pa po ako, okay lang po kaya ang part time?" nag aalala kong tanong.

"Hindi ko alam kung pwede pero pwede mo naman itanong."

"Saan po kaya ako pwede magpasa ng resume?"

"Kailangan mong ipasa ang resume mo sa main branch namin tapos diretso na ang interview mo niyan."

"Saan po ang main branch niyo?"

"Wait lang bibigyan kita ng application form. Hintayin mo ko rito ah." nakangiti siyang nagpaalam sa akin at pumunta sa counter nila maya-maya bumalik siya at inabot niya sa akin ang hawak niyang papel.

"Dalhin mo 'to pagpunta mo doon sa main branch tapos nand'yan na rin iyong address na pupuntahan mo."

"Thank you po." nakangiti kong sagot habang nakatingin sa papel na hawak ko.

"You're welcome. Una na ako marami pa akong gagawin." paalam niya sa akin bago siya umalis para puntahan ang isang table na may customer.

Nakangiti akong lumabas ng restaurant nila at excited akong lumapit kay Sweet na naghihintay sa akin.

"Oh, anong sabi nila?" tanong niya agad.

"Kailangan ko daw pumunta sa main branch nila, doon daw ako magpapasa ng resume at doon din daw ang interview nila."

One StepDonde viven las historias. Descúbrelo ahora