Chapter Three: Rainy Day

2 1 0
                                    

Habang inihahanda ko ang order ni Xavion napalingon ako sa pinto ng cafe nang tumunog iyon ulit, akala ko bagong customer pero hindi pala, si kuyang cutie pala ang pumasok. Nakangiti siyang binati ni Sweet at nakangiti rin siyang bumati sa kanya pabalik, tapos saglit kaming nagkatinginan bago ako unang nag iwas ng tingin at binalik sa ginagawa ang atensyon ko.

"Saan ka pa ba galing?" rinig namin na sabi ni Xavion sa kanya pag upo niya.

"Dumaan lang ako sa group meeting namin para sa presentation bukas."

"E, bakit pinauna mo ko rito?"

"Baka kasi maraming customers tapos maubusan tayo ng table rito."

Hindi ko alam kung ngi-ngiti ba ako sa sinabi niya at hindi ko rin alam kung tama bang nakikinig ako sa usapan ng iba pero hindi ko rin kasi maiwasan. Pagkatapos kong maayos ang mga order ni Xavion dinala ko na ito sa table nila.

"Here is your order po, enjoy." nakangiti akong nag slightly bow sa kanila.

"Thank you." sabay nilang sabi bago ako tuluyang umalis.

Bumalik ako sa counter at ipinagpatuloy ang pag aayos ng mga pastries.

"Meiah." pabulong na tawag ni Sweet sa akin.

"Oh?" nagtataka kong sagot sa kanya.

"Nandito rin sila kahapon, hindi ba?"

"Oo. Bakit?"

"Tingin mo bakit sila nandito ulit?"

"Huh? Syempre dahil na satisfy sila sa order nila kahapon at saka maganda naman ang ambience ng cafe natin."

"Oo nga pero hindi pa naman ako nakakakita ng taga Eastwood na pumunta rito ng magkasunod na araw."

Oo nga may point siya. May mga taga international school na pumupunta din dito pero hindi sila pumupunta ng magkasunod na araw usually every other day or once a week lang.

"Tingin mo babalik sila ulit bukas?"

"Hindi na."

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Kasi magsasawa rin sila sa order nila."

"Hay." buntong hininga ni Sweet at sumandal siya sa counter habang nakatingin sa akin kaya napahinto ako sa ginagawa ko at nagtataka ko siyang tiningnan. "Kung may kasing gwapo at cute tayo na customers tulad nila for sure hindi ako makakaramdam ng pagod the whole shift."

"Baliw, makakaramdam ka pa rin ng pagod dahil hindi naman sila tumatambay dito buong araw."

"Kahit na, iyong makita ko lang sila rito masaya na ako."

"Alam mo, mag trabaho na lang tayo kaysa kung anu ano ang iniisip mo d'yan. Check mo ang mga stock natin doon sa stockroom habang wala pa tayong customers."

"Sige na nga." nakanguso siyang pumasok sa stockroom, napailing na lang ako at ipinagpatuloy na rin ang ginagawa ko.

"Excuse me." napatigil ako sa ginagawa ko at mabilis na lumingon doon sa nagsalita. "Hi!" awkward siyang ngumiti at kumaway sa akin.

Nagsalubong naman ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Sorry to disturb you pero pwede ba kaming makahiram ng pen and paper?" tanong ni kuyang cutie.

"Pen and paper?"

"Yes, please? Ibabalik ko agad after."

Saglit akong tumingin sa paligid kung may pen and paper ba kami pero wala.

"Sure, wait lang kukuha lang ako." paalam ko sa kanya at pumunta ako sa staff room para kumuha ng pen sa pencil case ko at iyong spare notebook na binili ko noong isang araw. "Sorry ito lang meron ako." sabi ko at inabot ko sa kanya ang pen at notebook kong may design na strawberry.

One Stepحيث تعيش القصص. اكتشف الآن