Chapter Seven: It's been awhile

1 1 0
                                    

Nakangiti kong inabot sa kanya ang helmet pagkababa ko sa motor niya ng makarating kami sa apartment.

"Thank you sa paghatid." nakangiti kong sabi sa kanya.

"You're welcome." he smile back at inabot niya sa akin ang grocery bag ko. "Una na ako, pumasok ka na gabi na delikado rito sa labas."

"Ingat ka." bilin ko sa kanya.

Nakangiti siyang tumango at sinuot ang helmet pagkatapos kumaway siya sa akin at paalis na sana ng mabilis ko siyang hawakan sa kamay para pigilan kaya natigilan siya, nagtataka niya akong tiningnan at tinaas ang vizor ng helmet.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Nabasa ka kasi ng ulan baka magkasakit ka kaya pag uwi mo maligo ka agad ng warm water."

Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi sa kanya at kung pwede lang nasampal ko na ang sarili ko sa harap niya, baka kung ano kasi ang isipin niya doon sa sinabi ko, baka isipin niya na ang feeling close ko sa kanya kahit na sinabi niya naman na magkaibigan kami.

"Okay, thank you." nakangiti niyang sagot.

"At saka iyong panyo mo, pasensya na hindi ko pa kasi nalalabhan kaya ibabalik ko na lang sa susunod na magkita tayo."

"Okay lang."

"Sige, una ako. Bye! Thank you." nakangiti akong kumaway sa kanya at naglakad na ako papunta sa gate ng apartment pero bago ako tuluyang makapasok sa loob bigla niya akong tinawag. "Bakit?"

Tiningnan niya lang ako saglit bago siya kumaway sa akin.

"See you around." sabi niya.

"See you." malawak na ngiti kong sagot sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng gate.

Hindi ko alam kung bakit pero hanggang sa makapasok ako sa apartment namin nakangiti lang ako. Hindi naman siguro masama kung magkakaroon ako ng crush hindi ba? Crush lang naman.

Naging busy ang mga sumunod na araw sa amin dahil sa mga pasahan ng research paper, presentations at examination. Pagdating naman sa cafe gano'n din hindi na kami nawalan ng oras na walang customers kaya pagod na pagod kami ni Sweet sa tuwing pagkatapos namin mag close. Ilang araw ko na rin hindi nakikita si August na dumadaan sa cafe o doon sa convenient store, hindi ko tuloy maiwasan ang mag alala kung nagsakit ka ba siya?

"Hay! Salamat!" masayang sigaw ni Sweet habang naglalakad kami palabas ng school.

Ito na kasi ang last day ng examination namin kaya tapos na ang hell week, makakapagpahinga na kaming dalawa at sa wakas makakatulog na kami ng maayos.

"Gusto kong kumain." sabi niya.

"Gusto mong kumain ng ano?" nagtataka kong tanong sa kanya habang nasa phone ang tingin ko dahil nag che check ako kung may na miss akong call or text galing doon sa kenshin.

"Gusto ko ng bibimbap."

Bigla naman akong natigilan sa paglalakad dahil sa sinabi niya at nakanguso ko siyang tiningnan.

"Gusto ko rin." sabi ko sa kanya.

"Tara! Libre kita!" masigla siyang yumakap sa braso ko.

"Talaga?" nagningning naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Oo, ililibre kita kahit anong gusto mo. Don't worry may pera ako dahil pinadalhan ako ni kuya."

"Sabi mo 'yan ah! O-order ako ng marami."

"Oo, sige mag order ka lang ng kahit anong gusto mo."

"Tara na doon sa masarap na korean restaurant." aya ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One StepWhere stories live. Discover now