Chapter 1 - Assault
Kasalukuyang nagkakagulo ngayon sa Osnovnaya Arena, Russia dahil sa isang pusta na umaabot ng mahigit bilyon. Ang lugar na ito ay hindi lamang basta-basta Arena, it was an underground empire where violence and ambition collided. Sa loob nito ay ang ingay ng libu-libong tinig ng mga nagkakahalong sigawan ng kababaihan at kalalakihan na tila ba sabik na sabik sa nakikita.
Sa lawak ng Arena ay may isa itong entablado sa gitna, kung saan ang kongkerong sahig ay puno ng mga gasgas na talsik ng dugo mula sa hindi mabilang na mga laban. The air was thick with the smell of sweat and blood, mingling with the acrid smoke that curled from the back rooms where deals and bets were whispered in hushed tones. Every night, this Arena turned into a battlefield where fortunes were won and lost, and lives were forever changed. Ngayong gabi, ang Arena ay nagkakagulo dahil sa isang espesyal na okasyon. The lights focused on a woman dressed entirely in black leather, her face hidden behind a dark mask that blended with the shadows.
Known as Assault, pangalan pa lang ay napapaisip kana talaga kung anong klaseng tao ang makakasalamuha mo, she was fighting for the fifth time against three opponents. Ang kaniyang mga galaw ay matindi at makapangyarihan, bawat sipa at suntok ay nagpapakita ng kaniyang lakas. The crowd watched in anticipation, their cheers echoing through the space.
Sa gitna ng kaguluhan, naroon si Assault, pinagmamasdan ang eksena na may halong pananabik. She was not here as a spectator but as a participant in the dangerous game. The Osnovnaya Arena was about to witness a new chapter in its dark history, and Assault was ready to make her mark.
"You're so arrogant! We will defeat you, and all your money will be ours!" sigaw ng isang lalaki at mabilis na tumakbo patungong pwesto ni Assault habang may hawak na itong gutting knife, para bang gusto na nito tapusin si Assault sa gigil na hindi pa ito natatalo kahit doble na sa kaniya ang kaniyang mga kalaban. Agad na umiwas si Assault, lumundag ng mabilis upang makaiwas sa pag-atake, at malakas na sinipa sa dibdib ang lalaki, na nagpadapa sa sahig. Ang mga mata ng kalaban niya ay naglalagablab ng galit, ngunit si Assault ay tila walang pakialam sa kanilang mga banta.
Lahat sila ay halos malalaki ang armas na hawak habang itong si Assault ay dalawang karambit lang ang pinanghahawakan at hindi pa ito lumalagpas sa mga kamay ng kaniyang kalaban. Ito na ang gamit niya magmula nang mag-umpisa siya, pinagbigyan man na magpalit ay hindi niya ginawa marahil ang dahilan ay komportable ito.
"After your five fights, we will be the reason for your defeat HA! HA! HA!"
Masamang napatingin sa kanila si Assault bago inayos ang kaniyang mask na nakatakip sa kalahati ng kaniyang mukha. "Neknek mo defeat. Ulol!"
Naguguluhan man ay malakas na tumawa ang isang lalaki na napakalaki ang katawan at may hawak itong patalim na kung tawagin ay kukri, nakipagtitigan si Assault sa kanila ngunit hindi nagtagal, ang tatlong kalaban ay sabay-sabay na lumusob sa kaniya. Ang isang lalaki na may malaki at mabigat na katawan na may hawak na kukri, ay naglatag ng pag-atake mula sa kaliwa. Ang isa namang kalaban ay naglatag ng mga suntok mula sa kanan, habang ang isa ay nagtakbo upang magbigay ng malakas na sipa.
Sa isang kilig ng kamay, si Assault ay agad na gumalaw, ang kaniyang karambit ay kumikislap sa ilalim ng ilaw ng Arena habang tinatanggap ang mga atake. She maneuvered with agility and precision, her movements a blend of strategy and strength. She exploited the openings between her attackers, striking back fiercely.
Ang unang lalaki na nagdala ng kukri ay sinubukang magtagumpay sa pamamagitan ng malakas pagpalo, ngunit si Assault ay nagkaroon ng isang matalim na paggalaw, pinaikot ang kaniyang katawan at ginamit ang kaniyang karambit upang pigilan ang atake, at pagkatapos ay sinipa ang lalaki sa tagiliran na nagpatumba sa kaniya sa sahig. Para sayo 'yan, mayabang!
YOU ARE READING
Hunting Assault (SOAM Sequel)
General FictionYears have passed since Princess Acantha Myrtle Persopolous of France and Greece was imprisoned, what has happened to the people she left behind? Following the tragedy, a mysterious figure emerged from the Main Arena and ventured beyond its confines...