CHAPTER THREE

31 0 0
                                    

Chapter 3 - Regrets

It's been a week since nagtungong Russia si Sandro at nag-stay sa isa sa kaniyang mga penthouse rito, isang linggo na rin siyang lunod sa alak. Araw-araw itong nagiinom sa bar na pagmamay-ari ng kaniyang nakakabatang kapatid na si Severino habang hinihintay ang balita kay Rhys. One week na and still there is no sign of her.

Hindi niya alam kung bakit ito naeexcite makita ang pinagkakaguluhang Assault na ito. Is she that good? Magaling din kaya siya sa kama? Napapilig ng ulo si Sandro nang maisip niya 'yon.

Fuck! Dapat hindi na siya nagiisip ng gano'ng bagay lalo na ay may asawa't anak na siya at nananatili pa ring linulukob ng konsensiya ang katawan niya sa pagkamatay ng babaeng minamahal niya.

"Hey there, Tarzan!" nananatiling nakayuko si Sandro sa island table at sinisimsim ang alak na nasa baso niyang hawak, hindi niya liningon ang taong tumapik sa kaniyang kaliwang balikat. It's just Severino.

"Twin. Halos ubusin mo na alak ko rito sa bar ko ah. Sarado pa ako pero nandito ka agad sinisimsim ang bawat simot ng mga bote ko." tinapik nito ang hawak ng kapatid sa kaniyang balikat pero may pumalit naman sa kanan, inis niyang binalingan ito. Nangaasar ba sila? "Ano naman kaya ang kinalalasing mo? No'ng nasa puder ka ni Jeanry halos hindi ka makatapak sa mga bar do'n tapos ngayon— ah, sinusulit." tumatawang sabi ng isa pang boses at ang taong humawak sa kaniyang kanang balikat. Isa lang din ito sa kambal niya and it's Spade. Ano naman kaya ang ginagawa nito rito?

"Shut the fuck up, Lucas." mariing sabi ni Sandro sa kaniyang ikalawang pangalan at alam niyang hindi nito magugustuhan ang pagtawag niya sa kaniya. "Ano ba, Kuya? Parang tanga naman!" naiinis na tinakpan ni Spade ang bibig ng nakakatandang kapatid nitong si Sandro na para bang ayaw niyang iparinig sa iba na binanggit nito ang ikalawang palayaw.

"Call me Spade or Harvey. Ayaw kong may makarinig sa pangalan niyan dito."

"Oo-kay, Harbeh." gatong naman ni Severino.

"Nagsalita si Achelous." diin namang tawag sa kaniya ni Spade, sinamaan siya ng tingin nito at kumuha ng isang baso sa tabi ng mga alak. "Tama 'yan. Inom na lang kayong dalawa." napapailing na sabi ni Sandro sa dalawa.

"Kaya nga. Kaya itikom mo 'yang bibig mo nang sabihin ko sa mga babae mong anak ka ni Gonzalo, Spade."

Inirapan naman siya ni Spade dahil sa banta nito sa kaniyang kapatid.

"We already have Salvador in our names, sapat na 'yon para malaman nila."

"Hindi naman nila alam na si Gonzalo ang tatay mo. Alam lang nila ay anak ka ng isa sa maimpluwensiyang tao sa Asya."

"Ah, right. Vico pala pangalan ni Dad."

Hindi na lang pinansin ni Sandro ang bangayan ng dalawa tungkol sa kanilang ama at itinuon ang atensyon sa kaniyang iniinom na alak. Wala siyang gana makipagasaran at sapawan sa dalawa dahil ang isip niya ngayon na kay Acantha.

God, I miss Acantha. Hindi niya lubusang maisip na wala na talaga siya sa mundo, parang kalahati na ng buhay niya wala na at napakahirap magpatuloy. Kahit nasa tabi niya si Jeanry, hindi pa rin niya maisip na sumaya. Ano na lang kaya kung si Tremaine ang napakasalan niya? Ganito kaya ang mangyayari?

"HELLO, EARTH TO SANDRO." masamang tingin ang ipinukol niya kay Rhys ng kawayan nito sa harapan. Kanina matapos maubos ng isang boteng vodka ay agad siyang umuwi para magpahinga, nang makarating na siya sa kaniyang penthouse ay naabutan niyang nanonood ng Tom & Jerry sa sala niya si Rhys. Mukhang inip na inip ito nang madatnan.

Hunting Assault (SOAM Sequel)Where stories live. Discover now