Prologue
Tatlong taon na ang nakalipas simula nang makulong si Acantha, ang prinsesang pumatay sa kaniyang sariling lola at ama. Ang kulungang kinalalagyan ni Acantha ay ibang-iba sa karaniwang mga kulungan sa bansa. Malinis at maayos ito, malayo sa madilim at maruming mga selda na naiisip ng karamihan. Ang pasilidad ay napakagara, ang mga sahig ay kumikislap sa ilalim ng fluorescent lights at mga pader na pininturahan ng kalmadong kulay. Ito ay isang lugar na hindi lang para ikulong kundi para rin magpabago.
Despite its cleanliness and order, it remained a prison—a constant reminder of the outside world she could no longer touch.
Tatlong taon na si Acantha dito. Bawat araw ay tila paulit-ulit na ritwal ng routine at pagninilay, malayo sa kaguluhan ng kaniyang nakaraan. Nasanay na siya sa sterile na kapaligiran, sa katahimikan na paminsan-minsan lang napuputol ng mga yabag o mahinang ugong ng security systems, talagang tinanggap niya na ang parusang hindi naman talaga para sa kaniya. Ang ibang mga bilanggo namang kasama niya ay parang mga anino, bawat isa ay nakalubog sa kanilang tahimik na penitensya.
As she sat in the visitor's room, her mind wandered back to the events that had led her here. The memories were like a dark cloud, always looming. Jeanry, her former colleague, had arranged to see her again. But today was unexpected, and Acantha felt a mix of anticipation and dread. The mere thought of seeing Jeanry again made her blood boil, and that's the reason why she couldn't face this bitch. Their last encounter had ended in betrayal, and Agasher couldn’t help but wonder what she wanted now.
"Jeanry," Acantha greeted coldly, her voice dripping with resentment. "What brings you here?"
"It's been a while, Agasher. I have a news!" saglit siyang tumigil at inayos ang upo. "Sandro and I are now married, your majesty, look!" Jean showed the two rings on her ring finger to Acantha. Walang emosyong tumingin sa kaniya ang dalaga na para bang naiinip ito at walang pakialam sa balitang dinala ng kaniyang dating kinakasama sa trabaho.
Acantha leaned back in her chair, crossing her arms defensively. "I have nothing to say to you. If you're here to continue to gloat, you can save your breath. What do you want now, Jeanry? Alam ba ni Sandro na nagpunta ka dito?"
"Of course, he knows and save my breath? No way. I came to tell you something important. Tsaka 3 years kana rito kaya gusto kitang kumustahin at pasalamatan. Sa halos tatlong taon kong sinusubukan kang puntahan ay palagi na lang na bawal at ayaw mo pero mabuti naman ngayon ay pumayag kana. Thank you kase nandito kana at kung hindi dahil sayo ay hindi ko mapapakasalan si Sandro at hindi kami magkakaanak. Huwag ka ng umasa pang darating pa sayo si Sandro dahil magiging busy na siya sa anak namin," tumayo si Jean mula sa kaniyang upuan at hinihimas-himas niya ang kaniyang tiyan sa harap ni Acantha, pinakita niya ang tiyan niyang nasa limang buwan na mahigit.
Napalunok si Acantha at pinipigilan ang nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa tiyan ngayon ni Jeanry. Gusto niyang murahin ang babae pero hindi niya magawa, napakuyom na lamang ito ng kamay.
Nakangiti sa kaniya ang dating kinakatrabaho at inimbitahan sa magiging binyag ng anak kung sakaling lumabas na ito. As if naman pupuntahan ko sila kahit mag-request pa silang palabasin ako at bumisita.
Nasasaktan siya sa nabalitaan at ito na nga ba ang kaniyang sinasabi. Sa tatlong taon niyang nakakulong ay hindi siya pumapayag na magpabisita o kaya naman ay kung mayro'n man ay hindi siya lumalabas sa kaniyang selda dahil ayaw niyang malaman kung ano na ang nangyayari sa mga taong iniwan niya sa labas pero heto ngayon siya, wala sa sariling tinanggap ang bisita ni Jean.
Bakit walang binabanggit si Rseyine dito?
Kahit naguguluhan man at nasasaktan ay pinatatag niya pa rin ang loob niya, hindi niya hinayahan ang nagbabadyang mga luha na tumulo sa harapan mismo ng isa sa mga kinamumuhian niya ring babae.
YOU ARE READING
Hunting Assault (SOAM Sequel)
Narrativa generaleYears have passed since Princess Acantha Myrtle Persopolous of France and Greece was imprisoned, what has happened to the people she left behind? Following the tragedy, a mysterious figure emerged from the Main Arena and ventured beyond its confines...