CHAPTER FIVE

14 0 0
                                    

Chapter 5 - Separate

Marahas na napahampas ng manebela habang kasalukuyang nagmamaneho sa highway si Assault dahil sa inis na mararamdaman nito. Natalo siya! Ito ang unang pagkakataong natalo si Assault at hindi niya iyon matanggap. Bakit ba kasi nagpaka-distract siya? Sino ba iyong si Sandro sa buhay niya? Putragis!

Habang nilalabas niya ang kaniyang inis sa kaniyang manebela ay biglang tumunog ang radyo ng kaniyang kotse hudyat no'n ay mayroong tumatawag sa kaniya. It's Aklys and Cinco her comrads. Fuck! They already knew!

Una niyang sinagot ang tawag ni Aklys. "Yes, hello?"

"Report to the headquarters now, Assault. I don't want what happened." malamig at puno ng awtoridad na sabi nito sa kabilang linya sabay patay ng tawag. Sumunod namang sinagot ni Assault ang tawag ni Cinco.

"What the fuck, man? Did you just lose to Spencer? How will you feed those kids now?" mapang-asar na bungad ni Cinco sa tawag habang tumatawa pa. "Shut the fuck up, Cinco. I didn't expect him na he's the one you guys were talking about pala. He's fucking strong and he almost broke my ribs." iritang sagot ni Assault habang ipinapaharurot ang kaniyang kotse patungong headquarters nila.

"But what happened nga? We saw the clip and you seem like lost in the woods or whatsoever. Did you recognize him?" puno ng kuryosidad na tanong ni Cinco sa kaniya na ikinakunot ng noo nito. Recognize him? They knew about him and I didn't know?

"Oh, so I do really have past with him, huh."

"May sinabi ba ako? Tinatanong ko kung nakilala mo ba siya? Ilang years na siyang pinapasilip sayo ni Aklys kaya siguro gano'n kako ang reaksyon mo sa laban niyo kanin—" napaangat na lang ng tingin si Assault at ipinatay ang tawag nang makarating sa parking area ng headquarters nila. Tiyak niyang tumatawa na ng malakas si Cinco dahil sa pagpatay niya sa tawag. I need to know more about this guy named Sandro or Spencer. He's getting into my nerves!

Pagkarating ni Assault sa headquarters, mabilis siyang bumaba sa kotse. Nag-aalab ang kaniyang damdamin, hindi lang dahil sa pagkatalo kundi dahil sa mga hindi niya maipaliwanag na tanong na bumabagabag sa isip niya. Sino ba talaga si Sandro? At bakit tila lahat sila ay alam ito maliban sa kaniya?

Mabilis niyang tinahak ang pasilyo patungo sa opisina ni Aklys, ngunit hindi pa man siya nakakapasok ay sinalubong na siya nito sa pinto. Nakatayo si Aklys, matalim ang tingin, tila ba pinipigilan ang galit na kanina pa gustong sumabog.

"Assault!" Sigaw ni Aklys, tinig na may halong panunumbat. "Ano'ng nangyari? Hindi ako makapaniwala na natalo ka! You were sloppy, unfocused. Do you even realize the consequences of your failure?"

Sumiklab ang galit ni Assault dahil sa sinabi nito. Nakipaglaban siya hanggang sa huling hininga, pero ang dahil lang sa unang pagkatalo niya at marinig ang mga salitang iyon mula kay Aklys ay tila mas mahapdi pa sa sugat na natamo niya sa laban. Potcha! Natalo na nga mapapagalitan pa!

"Akala mo ba hindi ko alam iyon?" sagot ni Assault na puno ng inis, "Alam kong natalo ako but I won't stop there. Hindi mo ako pwedeng sisihin dahil sa isang pagkatalo. Kung hindi dahil sa distraction na 'yon, matagal na sana siyang bagsak."

"Distraction? Are you saying this is someone else's fault? You failed, Assault. Own it. The orphanage, the kids—how will you provide for them now?" bulyaw ni Aklys, isang tanong na tumama sa kaniya ng mas malalim pa. Ito ang laging masakit na katotohanan—lahat ng ginagawa niya ay para sa mga batang umaasa sa kaniya. Hindi siya maaaring mabigo. Ako ang inaasahan ng mga batang iyon. All these things that I am doing is for them.

"Don't you dare talk about the orphanage!" Pasigaw na sagot ni Assault, kasabay ng paglapat ng kanyang kamao sa mesa sa tabi. "I will find another way. Gagawa ako ng paraan para makuha ang pera, at gagawin ko 'to kahit wala kayo!" Nanginig ang boses niya sa galit. Nakatingin siya kay Aklys ng buong tapang, hindi magpapaalipusta. They are just my backups.

Tumahimik saglit si Aklys, tila ba pinag-aaralan ang bawat salita ni Assault. "Make sure you do," malamig na sabi nito bago siya talikuran. "We can't afford another mistake."

Habang pinagmamasdan ang papalayong si Aklys, nagpasya si Assault sa sarili niya. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para sa mga bata. Lalaban siya ng mas matindi, kahit sino pa ang kalaban.

Nakatayo pa rin si Assault sa gitna ng silid, hawak ang nakatikom niyang kamao, habang ang huling mga salita ni Aklys ay nag-echo sa kaniyang isipan. "We can't afford another mistake." Para bang walang tiwala si Aklys sa kakayahan niya, at parang bawat pagkilos niya ay nagiging isang pagkakamali sa mata nito.

Tumigas ang mukha ni Assault, matindi ang galit na namuo sa kaniyang dibdib. Hindi na siya maaaring magpabulag sa ganitong klaseng kontrol. Ang buhay niya ay hindi laging nakatali sa utos ni Aklys o sa mga plano nito. Oo, sila nga ang tumulong sa kaniya nang magising siya sa ospital at walang alaala, pinaalala ang kaniyang mga gawain pero hindi rin ibig sabihin no'n ay kokontrolin siya ng mga ito. Marami pa siyang ibang paraan para matulungan ang mga bata, at hindi na siya maaaring magpaalipin sa mga pamantayan at panunumbat ni Aklys.

Bigla siyang humakbang pasugod, ang boses niya ay puno ng rebelde. "You know what, Aklys? I'm done. I've had enough of your orders, your demands, your constant criticism. Alam kong hindi ako perpekto, pero ginagawa ko 'to para sa mga bata, hindi para sa'yo!"

Biglang huminto si Aklys sa gitna ng paglabas, dahan-dahang lumingon pabalik kay Assault. May bahid ng pag-aalinlangan at pagka-irita sa mga mata nito. "What the hell are you saying, Assault? You're going to walk away just like that?"

"Yes, that's exactly what I'm saying," matapang na sagot ni Assault, hindi na nagdalawang-isip. "Hindi ko kailangan ang pamumuno mo para gawin ang nararapat. Ako na ang bahala sa sarili ko. Hindi ko kailangan ang grupo ninyo o ang mga plano mo para kumita ng pera. Marami akong ibang paraan, at kung hindi ka naniniwala sa akin, mas mabuti pang maghiwalay na tayo ng landas."

Hindi makapaniwala si Aklys sa narinig. "You're being reckless, Assault. Wala kang makakamtan sa labas ng grupong ito. Do you think you can handle everything on your own?"

Pinakawalan ni Assault ang isang mapaklang tawa, puno ng galit at pagkadismaya. "Watch me," sabi niya, puno ng determinasyon. "Hindi kita kailangan. And I definitely don't need this bullshit anymore."

Humakbang si Assault palabas ng headquarters, hindi lumilingon kahit pa nagsimula nang magsalita ulit si Aklys. Alam niyang hindi na niya ito kailangan pang marinig. Wala na siyang utang na loob sa kahit sino. Lilisan siya, gagawa ng sariling paraan, at gagampanan ang pangako niya sa mga bata—kahit pa ito'y mangahulugang pansamantalang pagbitiw sa grupo ni Aklys.

Napabuntong hininga na lamang din si Aklys dahil sa ikinilos ni Assault at wala siyang nagawa kung hindi ay pagmasdan ang pagalis nito. She knew this day will come that's why she did that. They didn't expect na mas mapapaaga ang lahat.

Habang naglalakad palabas ng building si Assault, pakiramdam niya ay para siyang nakawala sa isang kulungan. Oo, wala siyang malinaw na plano ngayon, pero isang bagay ang sigurado, hindi niya kailangan ang sinuman para matupad ang misyon niyang protektahan ang mga batang nangangailangan ng tulong. Lalaban siya mag-isa, sa sarili niyang paraan.

Without backup from Aklys, she needs to make sure na may babalikan pa siyang laban sa susunod na mga araw. Huwag lang talaga nilang gawing rason ang pagkatalo ko para hindi nila ako bigyan ng laban. Humanda talaga iyong Spencer na 'yon.

Napangisi na lang din si Assault nang makasakay siya muli sa kaniyang kotse at inangat ang hawak niyang itim na card. Mula ito sa mesa ni Aklys kanina matapos niyang patamaan ang mesa nito. Skills talaga.

"This can feed the kids right now." titig niya sa card bago hinagis sa passenger seat. I'm sorry, Aklys but I need to do this.

"ASSAULT!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hunting Assault (SOAM Sequel)Where stories live. Discover now