Chapter 27

54.7K 2.2K 3.7K
                                    

Sorry. I've been too busy studying for weekly recits, exams, readings, and tons of requirements for major subjects (event preparations, interviews with notable public leaders, debates, case studies, etc).

I suggest everyone to reread. Thank you.

𖡎

Chapter 27

#wrewp

Hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ako. Pero ngayon ay aminado akong hindi ako straight. I might be gay, bisexual, pansexual, or anything in between. At ano man sa mga iyon ay tatanggapin ko nang buong buo. I know that it would take time to fully label my identity, but just like Kuya Matthew said, I didn't need to rush.

At aaminin kong may bahid pa rin ako ng takot. Regardless of the reassurance of my friends and my brother, it was still inevitable to feel the crippling fears.

Hindi naman kasi madali iyon at hindi rin dapat minamadali. Hindi agad-agad.

Bumali ang ulo ko. My chin rested on my knuckle as Gabe and Lorie talked feverishly about the upcoming prom.

"Grabe, excited na ako," ani Gabe, parang tangang pumapalakpak pa.

"Ako medyo lang," sagot naman ni Lorie.

Kumunot ang noo ni Gabe nang lingunin niya ang kausap. "Bakit medyo lang?"

"Ikaw partner ko, e."

"Ayos ah? Sa dami ng nag-aya sa akin maging prom date nila?" pagyayabang ni Gabe.

I chuckled. "Marami, dude? Mga ilan?"

"Dami bads. Mga isa," aniya, taas pa ang noo.

"Dami nga." Humalakhak kami ni Lorie.

"Tss! Bakit ikaw, Matienne? Ilan?"

I tried to recall how many promposal I got. Ilan lang ang nagtanong sa 'kin personally pero lahat iyon ay sinabi kong pag-iisipan ko pa. Karamihan, nag-iwan lang ng letter sa upuan ko at sa locker. May mga bulaklak pa. Sinubukan kong bilangin sa utak ko. I pursed my lips and looked up on the ceiling.

"Thirteen?" sabi ko, hindi sigurado.

Pero baka nga lagpas pa riyan. Hindi ko na kasi maalala. Bago pa kasi ako makatanggap ng mga proposal ay alam kong si Eloris na ang aayain ko.

Suminghap si Gabe. "Thirteen!"

Lorie only smiled. "Hindi na nakakagulat. Matienne na 'yan, e."

"Thirteen!" hindi pa rin makapaniwalang usal ni Gabe. "Magkano bayad mo, bads?"

I raised my middle finger. "Gago. Hindi ko sila binayaran."

"Igagaya mo pa sa 'yo, kupal. Siguro 'yang isa mo, binayaran mo pa?" si Lorie.

I chuckled and shifted my weight. I stretched my right arm to Gabe's chair to be comfortable.

"Bawi ka na lang sa college, bro," biro ko.

Sumimangot si Gabe, hindi pa rin makapaniwalang marami akong nakuhang imbitasyon. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami talaga akong nakuha. Kahit siguro si Grant ay marami ring natanggap pero ayos lang 'yon. Hindi naman paramihan.

Bumaling ang tingin ko sa pintuan nang biglang pumasok si Grant. Mabilis na nagtama ang mata naming dalawa kaya bahagyang nanlaki ang mata ko. My brows furrowed as I bit my lip hard. I could feel my neck and my ears turning hot.

Maybe it was just me or time slowed down for a second? Kahit noong binati siya ni Gabe dahilan para ngumisi siya at apiran ito, naiwan ang tingin ko sa kaniya.

Where Rainbow Ends (Butterfly Club #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon