Chapter 2

540 23 14
                                    

Chapter 2

Stell

Wala naman akong balak na sumama sa kanila dito sa bar

Pero mapilit ang mga kaklase ko kaya naman wala na din akong nagawa kundi ang sumama

Habang nasa loob kami ng bar ay sumasakit ang ulo ko dahil sa usok at ingay kaya naman napag pasyahan kong lumabas at mag pahangin

"hayyyy mas ayos dito sa labas kesa sa loob"

umupo lang ako sa gilid, Nakatingin sa mga dumadaan

Maya maya ay naisipan kong mag lakad lakad

Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin

"Ang sarap talaga sa pakiramdam ng dampi ng preskong hangin"

Palakad lakad lang ako ng may biglang humila sakin

Nagulat ako kaya hindi agad ako naka pag react sa ginawa nyang paghila

Nang mapagtanto kong masama syang tao ay sisigaw na sana ako pero tinakpan nya ang bibig ko gamit ang kamay nya

Dinala nya ako sa may bandang likuran ng bar

Tinanggal nya ang kamay nya sa bibig ko

"Bigyan mo ko ng pera"

"Dahil sa pera gaganituhin mo ko?!"

Kita kong namumula ang mata nya

"Kailangan ko ng pera o papatayin kita!!!"

Malakas na sigaw nya sakin
Naamoy ko ang amoy ng alak sa hininga nya

Alam kong swerte na kung may mapadaan sa parteng to ng bar kaya naman pinakiusapan ko sya ng maayos

Tumingin ako sa kanya

"Nasa loob ng bar ang bag ko, kung gusto mo ay kukunin ko tapos ay ibibigay ko sayo wala kasi akong perang dala dito"

"Hindi ako naniniwala!! Kung hindi mo ko bibigyan ng pera ay papatayin na lang kita!!!"

"Maniwala ka nasa loob talaga ang pitaka ko"

Pinakita ko pa sa kanya ang bulsa kong walang laman

Pero imbes na maniwala ay mukhang mas lalo syang nagalit

Namumulagat ang mata nya habang sinisigawan ako

"Ako pa lolokohin mo?! Hindi ako tanga! Papatayin na lang kita kung wala kang maibibigay na pera sakin ngayon!!"

"Wala ka namang patago sakin! Kaya nga kukunin ko sa loob ang pera--ahhhhh"

Sinakal na nya ako
Nanlalaban ako pero malakas sya

Habang pinipigilan ko ang kamay nya sa pagsakal sakin ay nakakita ako na may taong naglalakad

Hindi na ko nag aksaya ng panahon at buong lakas ko syang tinawag

"Hoy! Tulungan mo ko!"

Lumingon sya at nagtama ang aming mga mata

Hindi ko alam kung bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko

Nakatingin lang sya sakin
Wala akong napapabakas na emosyon sa kayang mukha

Dahil sa tagpong yun ay nawala ang pokus ko sa kamay ng taong gustomg sumakal sakin kaya mas naidiin nya ang kamay nya sa leeg ko

"Wag kang tumunganga dyan! Help me"

Sigaw ko sakanya

Pero nakatayo pa din sya

Dahil desperado na ko ay nakapagsabi ako ng mga salitang sa huli ay pinagsisihan ko

Walang pakundangan nyang binaril sa ulo ang lalaki

Shootout for Love - A Mafia RomanceWhere stories live. Discover now