Chapter 35

774 58 20
                                    

---Stell POV---

Hinalikan ko sya at wala na kong pakialam sa mga susunod na mangyayari

Ramdam kong nabato sya kaya naman iniyakap ko ang braso ko sa bewang nya

Mas lalo kong idiniin ang sarili ko sa katawan nya

"Hanggat't kaya ko pang mag pigil please tumigil ka na" Pakiusap sakin ni Ken

"Sino may sabi sayong magpigil ka" Mapang akit ang boses ko

"Please stop, lasing ka" Inalis nya ang pagkakayakap ko sa bewang nya

"Im not drunk! Alam ko ang ginagawa ko"  Sigaw ko

Lumayo sya sakin tinanggal nya ang kamay ko na nakayakap sa kanya
Doon ako nasaktan dahil pakiramdam ko ay wala na talaga syang interes sakin

Tuluyan na akong napaupo sa sahig
Yumuko ako at pinunasan ang luha ko
"Ayaw mo na ba talaga sakin?" mahinang tanong ko sakanya

Tumingala ako para magtama ang mga mata namin "Ako kasi kahit sobrang sakit na gusto pa rin kita"
Para akong batang inapi sa itsura ko pero wala na kong pakialam

Alam kong napaka desperado ko
pero gusto kong subukang isalba bago ako sumuko.

"Tell me ken anong nagawa ko at bigla kang nagbago?"
Nakatingin ako, Hinihintay ang sagot nya

"Nagsinungaling ka sakin, Bakit ka nagsinungaling sakin" Tanong nya sakin na ikinabigla ko

"A-anong--"

"sinabi mong may amnesia ka kahit wala! How could you lie to me!?" sigaw nya sakin

Napalunok ako dahil parang nawala ang lasing ko

"ka-kaya ka ba bi-biglang nawala!? Dahil nalaman mo?" Tanong ko

Tumingin sya sakin ng masama
"so it's true? Tama si Pablo! Sinungaling ka!"

nagpanting ang tenga ko ng sigawan nya ko

"Siguro nga nagsinungaling ako dahil natakot ako-- putangina natakot akong masaktan ulit at maiwan sa ere! Pero eto ka na naman---" huminga ako ng malalim "eto ka na naman iniiwan ako sa ere" mahinang sabi ko

Hindi sya nagsalita

"Sa dami ng kasalanan mo sakin sinumbatan ba kita!? Lahat binigay ko. Oo nagsinungaling ako pero lahat ng naramdaman mo totoo! Tangina naman--- Mas mahalaga pa ba sayo yung katiting na kasalanan ko kesa ang mahalin ako!?" Paos na ang boses ko

"but you lied"

"Yes! Yes i fucking lied! I lied just to make a fresh start with youu!!! Alam mo ba kung bakit ko ginawa yun ha! Alam mo!" Sigaw na tanong ko sa kanya "I do that para makalimutan ko lahat ng pambababoy na ginawa mo sakin dahil-- dahil gusto kitang mahalin" umiiyak na sabi ko"Gusto kitang mahalin ng buo" Patuloy na umaagos ang luha ko

Samantalang sya ay tahimik lang na nakatingin sakin

"if that's the only reason you have para iwan ako i guess hindi mo ko mahal" Malamig na sabi ko

"Mahal kita---"

"Mahal? Kung mahal mo ko bakit bigla kang nawala. Ganun lang ba para sayo ang lahat? Kasi sakin" Huminto ako pinipigilan kong pumiyok "Kasi ako kahit masakit na nandito pa din nagbabakasakali na baka-- na baka pwede pa"  tuluyan na kong humagulgol dahil sa totoo lang sa buong buhay ki ngayon lang ako nagmakaaawa sa tao

Shootout for Love - A Mafia RomanceWhere stories live. Discover now