Chapter 32

899 56 24
                                    

----Stell POV----

Hindi ko alam kung bakit halos isang linggo ng walang paramdam si Ken

Para na kong mababaliw kakaisip ng dahilan dahil ni "Ha" ni "Ho" ay wala man lang akong narinig mula sakanya

"Nasan ka na ba ken?" Tanong ko sa kawalan habang nakaupo sa balcony ng kwarto ko

Hindi ko alam kung saan ko sya pwedeng puntahan dahil hindi ko alam kung saan ang bahay nya kahit ang selpon number nya ay hindi ko alam

Ayoko namang tanungin si Kuya Josh dahil for sure aasarin lang ako nun

Bumuntong hininga ako
Naiiyak na ko

Ganito ba talaga sya?
Sabi nya nung nasa farm kami mahal na mahal daw nya ko tapos ngayon kahit anino nya di ko makita.

Minsan tuloy naiisip ko na hindi totoo lahat ng pinaramdam nya

Muli akong bumuntong hininga saka tumayo para matulog

Kinabukasan bumaba ako sa kitchen na parang zombie dahil sa kapal ng eyebags ko

"Good Morni---- ohh my gosh anak anong nangyari sayo?" Nilapitan ako ni mommya at hinawakan ang mukha ko "Ang laki na ng eyebags mong bata ka! Kakaselpon mo yan!"

Tinanggal ko ang kamay ni mommy saka umupo sa table. Sinundan ako ni mommy at umupo sya sa tabi ko
"Ano ba kasing pinagpupuyatan mo?"

"Ma may ginawa lang po ako kagabi"

"Ginawa? Anong ginawa mo?"

"Basta ma ako---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng dumating si Kuya Josh kasama si Kuya Justin

"Good Morning Peop---" Tulad ni mommy ay napahinto si Kuya ng makita nya ang itsura ko

Lumapit ito at inangat ang mukha ko
Pakaliwa at pakanan
"Ang pangit mo bunso" Pang aasar nya

Tinapik ko ang kamay nya
"pwede ba! Ang aga kuya" Reklamo ko

"Kaya nga e, ang aga mong pangit" Pang aasar ulit ni kuya

"Oyyyy josh tigilan mo ang baby ko at puyat yan kaka "ungaw" kagabi" Dagdag ni mommy na ikinatawa ni Kuya Josh

Buong almusal ay ang itsura ko ang pulutan sa lamesa. Hinayaan ko na lang sila at tahimik akong kumain
Wala akong lakas makipag asaran sa kanila ngayon

After naming mag almusal ay tinulungan ko si Mommy na mag ayos ng kusina habang si Kuya Josh at Kuya Justin ay dumiretso sa taas

Nang matapos ako ay nag paalam ako kay mommy na papanik na sa kwarto ko.

"Ma, kwarto lang po ako"

"Sige anak"

Habang binabaybay ko ang hallway papunta sa kwarto ay nakita kong bahagyang nakabukas ang kwarto ni Kuya Josh at naguusap sila ni Kuya Justin.

Dahil chismoso ako dahan dahan akong lumapit para maintindihan ko ang pinag uusapan nila

"Nag aalala na ko kay ken, halos isang linggo na kong walang balita sakanya"
Rinig kong sabi ni Kuya Justin

"Oo nga eh, Mamaya nga puntahan na natin sa bahay nya" suhestyon ni Kuya

"Oo mabuti pa nga" Sang ayon ni Kuya Justin.

Nang marinig ko yun ay nagkaroon ako ng ideya sa utak

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko
Nag ayos ako ng sarili at nag paalam kay mommy na aalis

"Mommy aalis lang po ako" Paalam ko

"Saan ka pupunta tey?" tanong nya

"Ah eh ano po niyaya ako nila lea na lumabas po" Pag sisinungaling ko

"Ahh ganun ba? sige update mo ko anak huh para di ako nag aalala"

Hinalikan ko si mommy sa noo saka ako umalis

Nang makalabas na ko ng garahe ay nag tago ako sa hindi gaanong kalayuan sa bahay dahil ang balak ko ay sundan sila Kuya papunta kila Ken

Halos isang oras akong nasa sasakyan naghihintay sa pagalis nila Kuya ng makita kong bumukas ang gate namin

Medyo kinakabahan ako sa gagawin ko pero buo na ang pasya kong sundan sila para makita si Ken

Nilayuan ko ang distansya ng kotse ko sa kanila para hindi nila mahalata na may sumusunod sa kanila

Makalipas ang halos isang oras ay lumiko sila sa isang liblib na lugar
Hindi na ako sumunod papasok dahil baka mabisto nila ko

Muli akong naghintay sa malayo
dahil ang plano ko ay saka lang ako papasok sa pinasukan nila kapag nakalabas na sila Kuya

Matyaga akong naghintay
Halos apat oras sila doon ng makita kong lumabas sila

Madilim na ang paligid dahil halos Ala sais na ng gabi ng mga oras na yun

Nang matiyak kong malayo na sila Kuya ay pinaandar ko na ang kotse papasok.

Parang tinatambol ang puso ko
Kinakabahan ako pero wala ng atrasan to sabi ko sa isip ko

Halos sampung minuto pa ang itinakbo ng sasakyan ko ng matunton ko ang malaking bahay
May naka engrave sa gate na "Suson"

Kaya sigurado akong ito na ang bahay na sinabsabi nila Kuya

Nag park ako sa gilid saka bumaba ng sasakyan.

Dahan dahan akong naglakad
dahil nakabukas ang gate ay dumiretso na ko papasok

Kumatok ako
Sa pangatlong katok ko ay bumukas ito at bumungad sakin ang lalaking ilang araw ng hinahanap ng paningin ko.

Kita ko ang gulat sa mukha nya
"Stell?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

Nakatingin lang ako sa kanya
Gusto ko syang yakapin dahil miss na miss ko na sya pero pinigilan ko ang sarili ko

Nagulat ako sa sunod na sinabi nya "Anong ginagawa mo dito stell?"

Nasaktan ako dahil hindi iyon ang salitang inaasahang kong lalabas sa bibig nya

Nangingilid na ang mga luha ko pero pinigilan ko ang mga luhang gustong kumawala

Nilabanan ko ang tingin nya at matapang na sumagot

"Nandito lang ako para makita kung buhay ka pa" May galit ang boses ko
Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa " Mukhang buhay ka pa naman kaya aalis na ko"

Wala na kasi akong maisip na dahilan.
Kaya iyon na lang ang sinabi ko

Nag umpisa akong humakbang palayo
Napaka bigat ng mga hakbang ko

Habang naglalakad ay nananalangin ako na sana--- sana habulin nya ko

Pero hindi nangyari

Isa isang nagpatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo

Parang nadurog ako
Nadurog ang puso ko dahil parang ibang tao na sya

Nawala na ang kislap ng mga mata nya sa tuwing titingnan nya ko

Mabilis akong sumakay ng sasakyan at umalis sa lugar na yun

Habang nasa daan ay iyak ako ng iyak
Hindi ko akalain na mararamdaman ko ulit ang sakit na to.

Pag dating ko sa bahay ay dire-diretso ako sa kwarto hindi ko na pinansin ang tawag ni mommy

Humiga ako saka ko ibinuhos lahat ng iyak ko

"Akala ko, akala ko mahal talaga nya ko pero sa pangalawang pagkakataon sinaktan nya ko" Panay ang tulo ng luha ko

Shootout for Love - A Mafia RomanceWhere stories live. Discover now