---Ken POV---
Kinabukasan nagising ako na kalat ang bumungad sa paningin ko
Magulong sala
Basag na mga vase at natuyong dugo sa kamao ko ang nakita koMaghapon akong nasa bahay
May hawak na alak
Nag papakalunod ako sa sakit at alakIlang araw akong ganun hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa loob ng kotse ko at nakatanaw sa bintana ng kwarto nya
"Bakit kailangang ganito kakomplikado?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa din sa kwarto nya
Ala una na yun ng madaling araw kaya alam kong tulog na sya
Aalis na sana ako sa tapat ng bahay nila ng biglang may humintong sasakyan sa tapat ng gate
Nakita kong may lumabas na dalawang babae at may akay sila
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan kong si stell ang akay nila
Parang lasing na lasing ito
Pinagtulungan nilang dalawa na alalayan ito saka sila nagdoorbell.
Ilang minuto lang ay lumabas si Tita para papasukin silaIlang minuto pa ang lumipas at lumiwanag na ang kwarto nya
Ilang minuto akong naghintay hanggang sa makaalis ang dalawang babaeng naghatid sa kanya
Kung kanina ay nag aalangan akong panikin sya sa kwarto nya ngayon ay hindi na
Sobra akong nag aalala sa itsura nya kanina kaya naman bumaba ako ng sasakyan
"Bahala na" Sabi ko sa sarili ko saka ako nagumpisang pumanik sa balcony ng kwarto nya
Nang makaakyat ako ay napansin kong bukas ang slidding door kaya dire-diretso akong naglakad papasok
Napapikit ako ng masamyo ko ang natural na amoy nya na nagkalat sa kanyang kwarto
Halos isang buwan akong nauhaw sa amoy na iyon
Napamulat ako ng marining ko na nagsasalita sya
"Kennn kenn" Paulit ulit nyang tinatawag ang pangalan ko
May kirot ang puso ko dahil ramdam ko ang sakit sa tono ng boses nya
Lumapit ako at hinaplos ang pisngi nya, Nagulat ako ng mag mulat sya ng mata " ken? Ken ikaw ba yan?" Tanong nya
Hindi ako sumagot
Nakatingin lang ako sa kanyaNgumiti sya ngunit may luhang pumatak sa maganda nyang mga mata
"Ken ang sakit sakit na" Sabi nya habang nakalapat ang palad nya sa pisngi ko "Ang sakit sakit mong mahalin pero hindi ko alam kung bakit ikaw pa rin ang gusto nito!" itinuro nya ang parte ng puso nya
Hindi ako nagsalita
Nanatiling tikom ang bibig ko"Ken! Ken!" Sigaw na naman nya sa pangalan ko
Pigil ko ang luha ko habang nakatingin sa kanya
"Ang sakit sakit naa kenn please bumalik ka na sakin ulit please"
Dire diretso ang pag agos ng hula nyaSobrang sakit para sakin na makita syang ganun kaya hinaplos ko ulit ang pisngi nya
"Kasing init ng palad mo ang palad ng mahal ko" Hinawakan nya ang kamay ko saka sya pumikit
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa maramdaman kong bumibigat na ang pag hinga nya
Nang tuluyan syang makatulog ay doon ako tahimik na umiyak
Halos maliwanag na ang kalangitan ng tumigil ako sa tahimik kong pag hikbi
YOU ARE READING
Shootout for Love - A Mafia Romance
FanficA KenTell Fan Fiction Siguradong mapupuno na naman ng katatawanan at pag-ibig ang storyang to! Authors Reminders: ✔️KENTELL FANFICTION ✔️BL ROMCOM ✔️GRAMMATICAL ERROR ✔️ALL THE SCENARIOS OR CONVERSATION IS FULLY AUTHOR'S IMAGINATIONS SO PLEASE WAG S...