Chapter 15: Regalo from who?

384 28 27
                                    

⚠️⚠️⚠️

‼️MISSING YOU SO MUCH MY HONEYBUNCHSUGARPLUMPAMPIYAMPIYAMKIN‼️

death scene ata magagawa ko eh, hindi wild scene ಥ⁠‿⁠ಥ

eme lang...

"Risa! Pag yan talaga pumutok!" naiinis kong sabi.

Sumama pala siya sakin dito sa bahay, sabi niya ihahatid niya lang daw ako, pero ito siya ngayon- tumutulong sa paghahanda para sa birthday ko bukas.

Ewan ko ba kung may tinulong talaga siya eh, mukhang pumunta lang ata siya dito para bwesitin ako.

"Pag yan talaga pumutok!" inis kong sabi ulit, hinihipan kasi nito ang lobo para lumaki.

"Tama na yan baka pumutok" dagdag ko.

"Edi mag putukan tayo" sambit nito saka tumawa.

"Bwesit! Ako nalang mag papalobo niyan, alis!" sabi ko sabay taboy sa kaniya.

"Mayor kami nalang po riyan" sabi ni ate Marie ng mapansin na mukhang mag aaway pa kami ni Senator Risa sa ginagawa namin.

Maraming tao ang nag tutulong tulungan para sa kaarawan ko bukas at sabay nadin dito ang silebrasyon na ako'y napatunayan na inosente- ang sarap panoorin ng mga taong nagmamahal sa akin at hindi ako iniwan sa aking laban, lalong lalo na sa mga pagsubok na dumarating sa aking buhay. Abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa habang ito naman ang isa puro pambu-bwesit lang ginawa.

Inabot ni Senator Risa ang lobo kay ate Marie at hinatak ako nito papasok sa loob ng bahay.

"Sandali," sabi ko ng maka akyat na kami sa hagdan.

"Hoy ano gagawin natin dito?" natatarantang tanong ko ng bigla ako nitong ipinasok sa loob ng kwarto ko saka ni-lock ang pinto.

"Ayaw mo akong papuntahin bukas dito diba? Ngayon ko nalang ibibigay ang regalo"

"Tamang tama dahil abala ang mga tao sa paghahanda sa kaarawan mo. Soundproof ba to?" dagdag niya saka inikot ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto ko.

"Soundproof to, gusto mo try natin?" mapag larong sambit ko.

Nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ko. "May itak at baril ako sa ilalim ng kwarto ko, tara na para ma try natin kung soundproof nga talaga" dagdag ko.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko kaya natawa nalang ako. Lalapit na sana siya sa akin ng may biglang kumatok sa pintuan ng aking kwarto, naagaw nito ang aming atensyon kaya nag tungo na ako sa pintuan at saka ito binuksan.

"Hi, are you busy ba?" bungad na tanong ni Samara.

"Yes she is" sagot ni Senator Risa, aba sumingit talaga.

"Hindi ho ikaw ang tinatanong ko" sabat naman ni Samara.

"So? She's busy because we're doing something" sarkastikong sabi nito sabay tingin sa kaniyang mga kuko.

"Huwag mong pansinin yan, hindi ako busy, ano ba yun?" saad ko, nag salita na ako kasi baka kung ano pa ipagsasabi ng dalawang ito.

"Pwedeng sa baba muna tayo?" malamig na pagkakasabi nito.

"Bakit doon pa kung pwede rin naman dito? Mag sasayang pa ng oras" singit ulit ni Senator Risa.

"Shh, hindi naman ikaw ang pinapababa eh. Diyan ka nalang kung gusto mo, tara sa baba Samara" sambit ko. Singit kasi ng singit hindi naman siya ang kinakausap.

Make It With YouWhere stories live. Discover now