Chapter 9: First Kiss

571 33 14
                                    

Risa's POV

Nagising ako ng walang dahilan, inabot ko ang aking telepono upang tingnan kung anong oras na.

"4:23 pa lang?" I thought.

Pinatay ko na ang aking telepono at inilagay ito sa aking gilid, papikit na sana ang aking mga mata subalit nagulat ako ng may naramdaman akong mga kamay na naka yakap sa akin.

I glanced at her. I checked if she was still asleep, I admired the beauty of her face na kahit tulog ito ay maganda parin.

I just started at her while admiring her innocent face.

Napaka inosente ng kaniyang mukha, kung ito ay iyong titingnan, ito yung tipong akala mo banal pero may tinatago palang katarantaduhan.

"Jusko, ano bang pagsubok ito" saad ko sa aking sarili ng bigla nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Hinayaan ko itong yumakap sakin, buti at hindi siya malikot ngayon habang natutulog pero nakayakap naman, hayst.

✯✯✯✯✯✯

"S-senator Risa?" dahan-dahan kong dinidilat ang aking mga mata ng marinig ang mga boses na iyon.

"Good morning po" bati nito sa akin, napansin ko ang aking kamay na nakayakap sa kaniya kaya dali-dali akong kumalas.

Nakita kong ngumiti ito dahil sa aking ginawa. "Mukhang napasarap po ata ang tulog niyo dahil yakap-yakap niyo ako?" pang aasar nito.

"Ang aga-aga Mayor, ang ingay mo" reklamo ko dahil inaantok pa ako.

"Ikaw ang unang yumakap sakin kagabi, gumanti lang ako" dagdag ko tsaka kinuha ang unan at niyakap ito.

"Hoy! Hindi kita niyakap kagabi" katwiran nito.

"Mamatay man?"

"Ah basta sa pagkakaalam ko ang sarap ng tulog ko"

"Syempre, naka yakap ka sakin eh"

"Wala akong pake"

"Wala kang trabaho ngayon?" pag iiba nito sa usapan. Hindi ako sumagot dahil antok na antok pa talaga ako.

"Tsk! Ano ba yan inaantok pa ako eh" reklamo ko ng bigla ako nitong yugyugin.

"Baka nakakalimutan mong sendora ka?"

"Nakakalimutan ko talaga yan pag ikaw ang kasama ko"

"Bumangon kana diyan, kailangan mong dalhin yung mga evidences ko sa senado" sambit nito, tinaas ko ang unan at tinakpan ang aking mukha at tenga.

"Ayan ganiyan dapat, takpan mo mukha mo, naiinis ako pag nakikita ko yan eh"

"Kawawa magiging asawa mo sa susunod, napaka ingay mo" reklamo ko.

"Kawawa talaga, tingnan mo nagdudusa siya ngayon" rinig kong bulong nito.

Kinuha ko ang unan na naka takip sa aking mukha. "May sinasabi ka?" tanong ko.

"Hala, ano to kisame? katwiran nito sabay turo sa kisame.

"Aray!" inis na sabi nito, hinampas ko kasi ng unan hehe.

Make It With YouWhere stories live. Discover now