Chapter 3: Boyfriend?

494 29 3
                                    

Risa's POV

Hindi ko alam ang nangyayari sakin, tila ba sinusundan ng aking dalawang mata ang lalaking patungo sa kinaroroonan ni Alice. Nakita ko itong iniabot ang dala-dala niyang bulaklak kay Alice at kaagad naman ito tinanggap ng alkalde. Bakas sa mukha ng alkalde ang saya na halos pumula ang pisnge nito.

"Boyfriend niya si Calugay?" takang tanong ni Leni. Para kaming mga chismosa na inaalam ang lahat ng pangyayari sa paligid namin. Sa bagay magagamit din namin ito sa senado sa susunod na hearing.

"But, why did she lie?" I thought to myself ng maalala ang kaniyang sagot na wala daw siyang ka-relasyon.

"Hoy tangeks, Risa yung pagkain mo, pag yan lumamig, kaldagan mo nalang para uminit ulit" saad ni Loren. I saw Leni giggling, tangina talaga nitong si Loren, ako palagi ang binabantayan eh.

"excuse, punta lang ako ng cr" pag paalam ko, at agad na tinungo ang banyo.

Tiningnan ko lang ang aking sarili sa salamin, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Tila naka ramdam ako ng selos at irita sa aking nakita.

"No, this can't be" sabi ko sa aking sarili, napa pikit ako ng aking mata para huminahon ang aking isipan.

Naka rinig ako ng pag bukas ng pintuan ng banyo, narinig ko rin ang bawat hakbang ng taong pumasok dito, ngunit ipinag sa walang bahala ko nalang kasi kailangan kumalma ng aking isip.

Napa dilat ang aking mata wala sa oras ng may biglang tumapik sa aking balikat.

"Sen. Risa, okay lang po kayo?" tinitingnan ko ang reflection ko sa salamin, nakita ko si Alice, nakatingin ito sa akin habang ang kaniyang kamay ay naka patong sa balikat ko.

"Why did you lie?" yan lamang ang lumabas sa aking bibig, hindi ko nasagot ang kaniyang tanong dahil sa pagka taranta ko.

Nagtataka ako nitong tiningnan. "Ano po ang ibig mong sabihin, Senator Risa?" her voice is soft, and she's so clueless about my question.

"Oh, I'm sorry. Forget about it, excuse me" sabi ko, dali-dali akong lumabas ng cr at iniwan siya.

"Why did i ask that question to her immediately!?" I thought, habang inis na inis na tinungo ang table kung saan ako nakaupo kanina.

"My gosh, Risa, what happened?" tanong ni Leni ng makitang naka kunot ang aking noo at magka salubong ang aking dalawang kilay.

"Loka! Wag kang gumanyan, nakaka gurang lalo" patawang sabi ni Loren, pag ito inupakan ko tatahimik to.

"Don't worry, I'm fine. May iniisip lang" palusot ko, agad namang nagka titigan ang dalawa, mga loka-loka naman talaga.

"Mag b-bar to mamaya, pustahan" sabi ni Leni tsaka tumawa silang dalawa, inaniyo talaga.

"Anyways, tumawag pala kanina sakin si Win, may meeting daw mamaya, sabay dinner na rin" sabi ni Loren tsaka sumubo ng pagkain.

"For sure,tungkol naman yan kay Mayor Alice" sambit ni Leni.

Speaking of Alice, napa tingin naman ako sa direksyon nilang dalawa ni Calugay. Nakita ko si Calugay na pinunasan ang gilid ng labi ng alkalde gamit ang kaniyang hinlalaki, nakatitig lamang si Alice sa kaniya, ng mapunasan na niya ito ay natawa na lamang silang dalawa. MGA BALIW.

Ibinalik ko ang atensyon ko kila Leni at Loren na ngayon ay nag chichikahan na naman. Mga bading nga naman talaga.

"Saan gaganapin ang meeting mamaya?" sulpot ko sa kanilang chikahan.

Make It With YouWhere stories live. Discover now