Kinuha ko ang red box na iyon at tiningnan ito ng maigi. Umupo pa ako sa kama at bubuksan ko na sana ito ng makitang may lock pala ito. Kaya inilagay ko ang red box sa kama at lumapit ulit sa closet ni Lara saka hinanap ang susi, pero wala akong makita.
Napahinto lang ako sa paghahanap ng may nahawakan akong isang papel. Kinuha ko ito at umupo muna sa kama bago ito binuksan.
To: Jessica
Hello, baby girl. Alam ko na sa oras na mabasa mo ang letter na ito ay wala na ako, that I'm already dead. Wag ka ng umiyak, okay? I already know my faith and I accept it, but I won't tell you kung bakit alam ko na mamamatay ako, and I know that you already saw the red box by now. That red box is for you, Jessi, but I still don't have the courage to gave it to you. I am planning pa nga na ibigay ito sayo when you turned 25 na, but I guess, the person killed me so early. I don't know if when you turned 25 is the right time for you to have this red box, I just don't know.
Paghindi ko pa ito naibigay sayo habang buhay pa ako, gusto kong hanapin mo ang susi. Find the key, Jessi, find it, if want to know kung ano ang laman ng kahon na ito. But let me tell you that, when feel that this is the right time, then feel free to open this.... and when you found out kung ano ang nasa loob nito, wag kang magalit sakin ha.
Your bbf,
LaraTumutulo lang ang mga luha ko habang binabasa ang letter na ito. Her handwritten is so amazing, but, should I find the key?
Of course hahanapin ko ang susi. Gusto kong malaman kung ano ang laman ng kahon na ito, I will do everything just to open this box. Susi ang kailangan? Hahanapin ko.... but how?
Biglang sumagi sa isip ko na baka may naisulat si Lara sa diary nya na tungkol sa red box na ito. Lara love's to write on her diary when she's bored and when something is happening in her life na ayaw nyang ikwento sakin. But the question is... saan nya ito inilagay?
Inisip ko pa ng maigi kung saan nya ito inilagay.
"Kung ako ang magtatago ng diary, saan ko ito ilalagay?" tanong ko sa sarili.
Napatingin pa ako sa itaas ng closet ni Lara and my eye's widen ng maisip na pwedeng itinago ni Lara ang diary nya sa itaas ng closet nya.
Kinuha ko ang mga boxes sa taas ng closet nya. Napapaubo pa ako dahil sa sobrang daming alikabok, Iblow the dust away pero may naiiwan pa rin. I open the one box at sapatos lang ang laman nito, the shoe's that I gave on her birthday. Binuksan ko ang isang box at napasinghap nalang ako when I saw a lot of letters in it.
I still don't have time to read those. Ang diary ang gusto kong basahin, kaya I open the last box, bitting my lower lip, umaasa na sana ay nandito ang diary nya.... pero wala. It's just an empty box. Ibabalik ko na sana ang mga box na ito pero napansin kong parang may kakaiba sa isang box na puno ng letters.
Inalis ko lahat ng letter's na nasa isang box and there it is, Lara's diary. Nakangiti akong nakatingin dito at bubuksan na sana ng biglang may kumatok sa kwarto, kaya dali-dali kong inilagay ang mga boxes sa ilalim ng kama kasama ang diary at red box ni Lara, saka humiga sa kama at nagkunwaring natutulog.
"Honey, wake up. Pupunta na tayo sa police station," mahinahon na paggising sakin ni mommy.
Nagkunwari akong inaantok na tiningnan si mommy at tumango bilang sagot. Tumayo na ako sa kama at lumapit kay mommy, ibinigay nya sakin ang isang bag na puno ng damit at nagbihis na din ako. Pagkatapos kong magbihis ay napatingin pa ako sa ilalim ng kama bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Lara.
Kasama ko sila mommy at daddy papuntang police station, nasa school kase ang kapatid ko ngayon. Napabuntong hininga nalang ako ng tinawag na ng police ang pangalan ko, kaya pumasok na ako sa room sa kung saan nila ako tatanongin ng kahit ano.
YOU ARE READING
The Red Box
Mystery / ThrillerMy First Mystery-Thriller Story After the mysterious death of Jessica's best friend, she found a mysterious red box on her best friend's closet that turned her peaceful life into a worst nightmare.