CHAPTER 5: BOYFRIEND

1 1 0
                                        

Napapahiya nyang binawi ang kanyang kamay at tumawa ng mahina, sobra siguro itong napahiya sa ginawa kong pagtingin lang sa kamay nya.

"Jessi, kilala mo na ba si Carson?" tanong ni Carol sa gilid ko habang pinupunasan ang kanyang mga pisnge.

Tumango ako sa kanya. "Yes, pinakilala nya sarili nya sakin."

"Ate Lilly, can you bring them sa magiging kwarto nila?" I asked ate Lilly, at tumango naman sya sakin.

Hinatid na sila ni ate Lilly sa kanilang magiging kwarto at ako naman ay nakatingin lang sa kanilang likod.

Bakit ang dami naman atang dumadating na bagong mukha ngayon? Is it because this is the sign na may kinalaman sila sa pagkamatay ni Lara?

Or maybe, I was just overthinking and being paranoid. Simula nung nawala si Lara, lahat nalang sila ginagawa kong suspect at hindi na ako marunong magbigay ng tiwala sa kahit na sino.

And then Carson came. I don't know pero I have a strong urge na gawin syang suspect, dahil siguro sa presensyang hatid nya. When I look at him for the first time ay parang may kakaiba sa kanya, and I can't even say it kung ano iyon.

"Jessi, wag mo namang gawing suspect ang kambal ko. I know that you're suspecting everyone na makikita mong bago sa paningin mo, pero hindi mamatay tao ang kambal ko," mahinahon na saad ni Carol sakin.

Nandito kami ngayon sa kusina, naghuhugas ng mga pinggan at mga baso na gagamitin mamaya.

"You can't blame me, Carol. I can't trust anyone sa ngayon."

"Even me?" malungkot na saad nito habang tinuro ang sarili.

Napabuntong hininga ako. "I trust you, Carol, and I know na hindi mo kayang patayin ang kaibigan natin, but I don't trust your twin." seryoso kong saad at napatingin pa sa kapatid nyang busy sa cellphone.

"Wala na nga siguro akong magagawa," saad pa ni Carol, bakas sa boses ang disappointed. "Suspect him all you want. Basta, I already told you that he's innocent."

Napatitig muna ako sa mga mata nya ng ilang sigundo bago ipinagpatuloy ang paghuhugas ng mga pinggan at baso. Natapos din naman kami agad ni Carol sa paghuhugas pero after our conversation, hindi na kami nag-imikan pa.

Maybe I cross the line now, and Carol is so disappointed at me dahil ngayon ko lang nakilala si Carson pero ginawa ko ng suspect at hindi nag-iisip na baka ay hindi din ito kilala ni Lara nung nabubuhay pa sya.

Palagi akong napapasulyap kay Carol sa kung saan man sya pupunta o uupo, hindi na kase nya ako kinakausap. Kakarating nya lang dito pero inaway ko kaagad sya. Kung nandito siguro ngayon si Lara, pinagsabihan na ako non sa maling ginawa ko, pero wala na sya. Wala ng mag-aadvice sakin at wala na ding taong magiging tulay para magkaayos kani ni Carol.

I should decide now. I should decide on my own, kailangan ko ng sanayin ang sarili na wala na si Lara para pagsabihan at bigyan ako ng advices.

Buong araw talaga akong hindi kinausap ni Carol. Ganun na siguro sya kagalit sakin dahil natitiis nyang hindi nya ako kausapin ng buong araw.

When the dinner came, ako na ang lumapit sa kanya at binigyan sya ng pagkain. Napatingin pa sya sakin at ngumiti naman ako ng maliit sa kanya.

"I'm sorry, Carol." paunang sabi ko.

"No, it's okay. I can't blame you naman na wala ka ng tiwala sa ibang tao," she said at kinuha ang pinggan na puno ng pagkain. "matagal mo ng nakasama si Lara and I know how valuable she is to you, hindi na nga kayo ma paghihiwalay diba? I know na dahil sa nangyari, dahil sa pagkawala ng taong pinaka-iingatan and most trusted friend, ay sobra kang nasaktan.... pero sana.... marunong kang maglimit, wag mong lahatin." she continued.

The Red BoxWhere stories live. Discover now