CHAPTER 6: DIARY

2 1 0
                                    

Hindi agad ako nakatulog sa gabing iyon dahil sa kakaisip kung sino si Ivan, o kung sya ba ang dahilan kung bakit nag away ang dalawa, o kung ano ang sekreto na sinasabi ni Carol sa sulat.

Why is she saying sorry? Bakit sa sulat galit na galit sya pero ngayon ay umiiyak sya ng makitang nakahiga na sa kabaong si Lara? Acting lang ba iyon para hindi ko sya gawing suspect?

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi, Jessi?" nag-aalalang tanong ni Carol sakin.

Napatingin ako sa kanya, sa mga mata nya, at puno ito ng pag-aalala habang nakatingin sakin. Ang galing nya palang magpanggap, at sa sobrang galing nya, hindi ko na namalayan na may nagawa na pala syang mali.

"Yes, ikaw? Nakatulog ka ba ng maayo kagabi?" walang emosyon kong tanong sa kanya.

"Yes," maikli nyang sagot.

Napatango-tango pa ako at inikutan sya ng mga mata na hindi nya naman nakita.

"Buti at hindi ka dinalaw ni Lara kagabi." bulong ko sa sarili.

Nakita ko pang napasulyap si Zeph sa gawi ko kaya tinaasan ko sya ng kilay. Napailing nalang si Zeph sa ginawa ko. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kabaong ni Lara.

Tama nga si Zeph, I should trust no one, kahit na best best ko pa ito o kapatid ng best friend ko. All of them is a suspect, but this twin is my one and only super suspect matapos ng nalaman ko.

Carol is angry at Lara dahil ibinunyag ni Lara ang secreto ni Carol, but I still need to know if Lara really did expose Carol's secret. And if Lara did that, may chance na si Carol ang pumatay kay Lara... but the question is, ano ba talaga ang sikretong iyon?

Gustong gusto kong malaman kung ano ba talaga ang sikreto ni Carol, but I don't know how.

My eye's lit up when I remembered Lara's diary. Kung hindi ito kayang sabihin ni Lara sakin, ilalagay nya ito sa diary nya para maging peaceful ang utak nya.

Babalik na sana ako sa kwarto ni Lara upang basahin ang diary nya ng bigla akong pinigilan ni ate Lilly.

"Wag ka ng umalis, magsisimula na ang questioning mo kasama sila Carol," napatingin ako kay ate Lilly at huminga ng malalim bago tumango sa kanya.

I just bit my lip to let my irritation out. I can solve this problem naman kahit ako lang ang mag-iimbistiga, I don't need anyone to help me. Lalong-lalo na't sa taong hindi ko alam kung may license ba ito bilang isang detective.

Umupo nalang ako ulit at ilang minuto pa ay dumating na si Zeph. Umupo sya sa kaharap na upuan samin ni Carol at may inilabas na notebook. Wow, professional. That's a sarcastic though.

"Carol, nasaan ka nung araw na pinatay si Lara?" paunang tanong ni Zeph.

I rolled ny eye's annoyingly. Same question, wala na bang bagong tanong? I side eyed Carol, waiting for her answer.

"Nasa bahay ako nung time na iyon, dun sa Laguna." maikli nitong sagot kay Zeph, and she's serious.

"May galit ka ba sa biktima?" seryoso ding tanong ni Zeph habang nakatingin sa mga mata ni Carol.

Bigla akong nabuhayan sa tanong nito kay Carol. Napatingin din ako kay Carol, naghihintay sa kung ano ang isasagot nya, kahit na alam kong magsisinungaling sya. Like, sino bang magsasabi ng totoo sa mga imbestigador na galit ka sa taong iyon? Edi, gagawin ka pa nilang suspect at babantayan ka nila 24/7, hindi mo na maitutuloy ang mga plano mong pumatay pa ng iba.

"Wala, she's too good para pagtaniman ko ng galit," she lied. Pinatuyan nya lang sakin na isa syang sinungalang, and guess what? She answered it with a serious face. Hindi ko mabasa ang kanyang mga mata dahil wala itong emosyong nakatingin kay Zeph.

The Red BoxWhere stories live. Discover now