PROLOGUE

3 0 0
                                    

° Ella's POV °

" Ma'am!  Ma'am gising po " nagising ako sa  yug-yug nang kung sino .  Minulat ko ang mga ata ko at tumambad saakin ang mukha ni manong driver.

" Nandito na po ba Tayo? " Tanong ko , at nag-kusot ng Mata. " Hindi pa po. Nasiraan po tayo kaya bumaba po muna kayo! " Wika nito. Ah ganu'n!?.

Tumango nalang ako at binitbit ang gamit ko at bumaba na ng Bus.

Marami pala'ng Tao na nag-hihintay dito , katulad ko. Naiinip na ako dalawang oras na hindi parin natatapos Yan!? Hayst.

Bigla nalang naka-ramdam ako na puputok na talaga , kaya dali-dali akung tumakbo sa talahiban at doon inalabas ang ginto ko. Solve!. Tumayo na ako . Nagulat ako ng sumulpot ang isang lalake sa kabilang side ng talahiban.

Sinilipan nya ba ako? My ghad!!!.

" Hoy! " Bulyaw ko.

" Yes? " Wika nito. Aba't may- pa English-english pa ah. 

" Bastos ka ah! . Sinilipan mo'ko! " Sambit ko , na may- hawak pang stik na pang-hampas ko sa kanya.

" I'm sorry? What? " Inosenteng tanong nito. Hindi talaga Ito titigil sa pag-e- englis nya eh. " Don't what , what me ha! You... you ah---"Hindi ko alam ang susunod na sasabihin. " Ah Basta umain ka! You silip-silip me no? " Ani ko , na ikina-tawa nya.

" Marunong kaba talagang mag- english? Miss whoareyou! " Saad nya. Ako? Oo marunong ako mag- English 'no. " Hoy! For more information , congratulations! Marunong akung mag- English. Che!! " Taray ko at nag- lakad na paalis.

" At...Hindi whoareyou ang pangalan ko! " habol ko at tumalikod na.

Pag- balik ko doon sakto naman na papaalis na Yung Bus. Papasok na Sana ako nang pumasok rin yung lalake kanina. Hindi ko nalang ito pinansin, sa halip ay sumakay narin ako at umalis na nga yung Bus.

Nakarating ako sa bahay ng Amo ko . Isa akung katulong na lumuwas Lang ng maynila para mag-trabaho dahil narin sa kahirapan sa probinsya. Kaya eto Ako ngayon magbabasakali dito sa maynila.

Pinindot ko na ang doorbell mag- hihintay nalang na buksan ang gate nila nang makita kung naka- sunod saakin yung lalake kanina. Teka , Teka sumusubra na 'to ah malapitan nga.

" Hoy! Kanina kapa sunod ng sunod saakin ah! . Mag-nanakaw ka 'no? Nanakawan mo bahay ng Amo ko? " Saad ko , habang naka-taas ang kilay.

" Tsk. Excuse me! " Wika nito , at binunggo pa ako. Bumukas Yung gate at pumasok sya?. Luh. Pumasok narin ako..wala talaga akung tiwala sa lalakeng 'yun , may-balak syang masama sa bahay ng Amo ko.

Pag pasok ko sa loob , biglang nawala nalang sa paningin ko ang lalake kanina. Sandali i- describe ko , matangkad na medyo payat , at medyo Pareho Lang kami ng Age , at may- itsura I mean lahat ng Tao may-mukha ang ibig kung sabihin gwapo sya , tapos parang may - lahing American o Ano! Ah basta!.

Umupo ako sa sofa habang hinihintay ang Amo ko. Ngayon ko Lang sya ma- me- meet kaya dapat maganda ako syempre. Kinuha ko ang aking powder at perfume sa bag ko at ang maliit kung salamin. Sinuklay ko ang curly hair ko at nag-paganda.
Ng makuntento na ako , ibinalik ko na Ito sa bag.

" Ella? Ella balona? " Napa- angat ang aking tingin sa babaeng naka- pula. Ang ganda nya. " Opo! Ako nga Po! . The one and only.. queen of probinsya! " Pag- papakilala ko. Pasensya na , Wala akung hiya eh.

" Haha..how very nice!. Please take a sit! " Yaya nya , na agad kung sinunod. Pinag- usapan namin ang tungkol sa aking sweldo , at ang kailangan Kung gawin dito. Huwag kayong mag- ala-lala , madali Lang naman ang trabaho ko.. mag-babantay Lang naman ako Ng kasing edad ko Rin. Ang hirap talaga sa mga mayaman..kahit malaki na pina-babantayan parin.

" Mom!? " Nabaling ang atensyon ko sa lalakeng nag- lalakad papunta saamin. Teka...

" Ah. Ella , I like you to meet..my son James David Lauren . Son , this is Ella balona! " Saad nito.

Hindi ako maka-paniwala. Sya?. Kunot no-o at inis na tinitigan ko itong lalakeng'to. Naka-taas pa ang kilay nya na at naka-evil smile pa , iniinis nya ako. Ngayon palang sasabihin ko na...hindi magiging maganda ang bawat araw ko.

***

🍁 Kindly vote and leave your thoughts in the comment section, Tysm♥

MAID OF A MILLIONAIRE ( Completed )Where stories live. Discover now