EPILOGUE

0 0 0
                                    


                   ☬ EPILOGUE ☬

3 years later...

Ella's POV

Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng umalis ako sa Bahay naiyon. Marami na ang nangyari sa Buhay ko. Umuwi ako ng probinsya at doon nalang nagtrabaho. Nalaman ko narin na naging ok na ang kalagayan ni James simula ng pag-alis ko. Pero hindi na daw ito umuwi pagkatapos. Walang nakaka-alam kung nasaan ito ngayon.

" Alam mo Ella..bata kapa naman at paniguradong may makukuha kang trabaho sa manila " Ani ni tita Jessy ng sabihin kung bumababa na ang sweldo ko sa pinagtratrabahuhan ko. Bigla akong hindi mapakali ng banggitin nya ang manila.

" Ayaw ko na dun. Tsaka pagtya-tyagaan ko nalang segurong mamuhay dito tsaka malaki narin yang kapatid ko " pagdadahilan ko. " Ay Ewan ko nalang Sayo...dapat ngang maghanap kana ng mas malaking sweldo na trabaho kasi magko- kolehiyo na yang kapatid mo. Mas madami ang gagastusin " Sabi nya pa.

Hindi Ako naka-sagot dahil sa sinabi nya. Tama din naman kasi sya magko-kolehiyo na ang kapatid ko at kulang talaga ang pangtustus namin sa Araw-araw.

" Ano na?. Sasama kaba saakin sa Maynila o hindi? " Tanong nya. Napatingin ako dito tsaka napahinga nalang ng malalim. Wala na akong choice. " Segi " Sabi ko nalang.

Kinagabihan ay inayos ko na ang mga gamit ko tsaka natulog ng maaga. Pagkagising ko hinihintay na ako ni Tita Jessy sa baba. Sabay kaming nag book ng flight at sumakay ng eroplano papunta ng Maynila. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

Iniisip ko Kasi kung baka magkita kami. Pero sa laki ba naman ng Maynila , imposible namang magkita kami at Isa pa baka nasa ibang bansa nayun. Pagkarating namin sa Maynila , pinatuloy ako ni Tita Jessy sa apartment nya.

" Oh.. matulog kana at bukas na bukas rin ay maghahanap kana ng trabaho" utos nito na sinunod ko naman. Inayos ko muna ang mga gamit ko tsaka ako natulog. Kinaumagahan noon hindi na ako nagpasama Kay tita na maghanap ng trabaho dahil alam kung busy rin ito.

Gamay ko narin naman ang manila at hindi naman ako basta-bastang maliligaw rito.

Una kung pinuntahan ang bakery na may naghahanap Yata ng katulong basi sa naka sulat sa kanilang harapan ng tindahan.

" Magandang Umaga po " bati ko sa matandang lalake na nasa tindahan. Nagulat ito ng makita ako. " Bakit , hija? " Tanong nya. " Ah..kasi po balak ko sa nang kunin iyong trabaho na nakalagay rito " Sabi ko saka ipinakita iyong papel ba Nakita ko.

" Ay pasensya na. Nakakuha na kami ng utusan eh" Sabi nya. " Ah..ganun po ba. Segi po salamat nalang po " Sabi ko at akmang tatalikod pero pinigilan ako nito. " Sandali lang hija..nalaman ko kasing naghahanap daw ng mga workers iyong Dee Company. Pumunta ka doon at mag apply " suhestyon nya.

" Ano ba ang hinahanap nilang workers? " Tanong ko. Napaisip naman ito. " Yung sa factory daw nagtratrabaho eh " sagot naman ito at tumango nalang ako. Nagpaalam na ako at naghanap pa ng ibang trabaho balak kung ipahuli yung trabaho daw sa Dee Company para kung wala talaga akong mahanap eh doon ako pupunta.

Pero ganun nalang ang pagtataka ko dahil lahat ng inapplyan ko eh ayaw akong tanggapin at sabing pumunta nalang ako ng Dee Company.

" Ay hija...sa Dee Company may trabaho roon "

" Sa Dee Company hija naghahanap sila ng workers roon "

" Sa Dee Company nalang..."

Ilang ulit ko ng naririnig ang pangalan ng company sa bawat sambit nila. Pinagtataka ko tuloy kung bakit lahat sila ay tinuturo ang kompanyang iyon pero hinayaan ko nalang.

Pero katulad nga ng inaasahan ko. Wala akong nakitang trabaho kaya no choice ako para pumunta ng Dee Company na sinasabi nila. Ngayon nasa harapan na ako ng kompanya at iniisip ba kung papasok ako o hindi.

" Bahala na nga " Sabi ko na Lang tsaka naglakad papasok. Ang gara naman Pala ng kompanyang ito. Ang laki at ang lawak ng paligid. Ang Ganda sa mata. Masungit kaya ang may-ari nito?.

Pumasok na ako ng elevator at mabuti nalang at nag-iisa lang ako na sakay noon. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin tsaka inayos ang damit. Medyo ok naman na ang hitsura ko. Bahala na nga pagmatanggap edi ok, pag hindi eh wala na akong magagawa dun.

Bumukas ang elevator at hinanap ko kaagad kung saan sila nag e- interview. Madami ang nakapila at halatang nagbabakasakali rin.

" Patay..." Nasapo ko nalang ang sariling bibig ng mapagtantong Wala nga pala akong kahit na anong dalang requirements manlang. Kaso sa factory naman daw nagtratrabaho dapat ba may requirements pa?. Babalik nalang kaya ako?. Baka kasi hindi ako matanggap.

Pero minabuti ko nalang na mag-stay at umupo sa gilid habang naghihintay. Sa pagod ko sa paghahanap ng trabaho ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

" Miss..Miss! Gising! "

Napamulat ako ng may tumalik saakin at bumungad saakin ang mukha ng kalbong bakla. " Ay... pasensya na po..may a-apply po sana ako..." Napatigil ako ng mapansing Wala ng katao-tao sa paligid.

" Tapos na? " Tanong ko sa sarili. Ano bayan. " Ah..manong..tapos na po ba? Baka naman po tanggapin nyo na ako kailangan ko kasi talaga ng trabaho kasi yung kapatid ko--" naputol Ang sasabihin ko ng idikit nito ang daliri nya sa bibig ko senyas na pinatatahimik ako.

" Huminahon ka nga mo na. Una , hindi ako manong..hay! Sa Ganda kung ito? " Kunwaring inis nyang sambit na ikinatawa ko. " Pasensya na po " Sabi ko nalang ng kunin nya na ang daliri sa bibig ko. " Pangalawa.. pumasok kana roon at may naghihintay na trabaho sa'yo" excited nyang ani. Tumayo naman ako at inayos ang sarili ko.

" Salamat po "

" Gora na! Bilis! " Nakangiting Ani nito. Inayos ko mo na ang suot ko tsaka dumeritso sa pinto na itinuro nya.
Pagbukas ko doon may Isa pang bakla na masungit ang tingin saakin na nasa table at halatang hinihintay ako.

" Good afternoon po.." bati ko. " Upo! " Masungit nyang utos na kaagad ko nalang ginagawa. " Pangalan? " Tanong nito habang may tinitingnan sa papel. Nakataas pa ang kilay nito. Nakakatakot tuloy sumagot.

" Ella Balona po " sagot ko. Tumingin ito saakin at sinipat ako mula ulo hanggang paa. Tsaka tumango. " Edad? " Tanong nya ulit. " 23 po " sagot ko. " Status? " Tanong nya. Kumunot naman ang noo ko. Kailangan pa bang malaman yung status kapag nagtratrabaho sa factory?.

" Ano na? " Inis nyang ani bigla.

" Ah... single po " nahihiya kung sagot. Ngumiwi naman ito. " May tiningnan pa sya sa papel na hawak nya sabay irap pa saakin. Ano bang problema nito?.

" Congratulations...Ms. Balona.. you're hired " Sabi nya sabay Tayo. Lumawak kaagad ang ngiti ko tsaka napatayo narin. " Maraming salamat po! " Yumuko pa Ako bilang pasasalamat.
" Maraming salamat po talaga " Sabi ko pa.

" Oo na " ngiwi nya pa.

" Ano..ano po palang trabaho ko? " Tanong ko. Tumingin naman ito sa likuran ko tsaka ngumiti na ikinataka ko.

" Maging Asawa ko..."

Bigla akong napalingon ng may pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko. At ganun nalang kabilis magbago ang ekspresyon ko ng makilala ito. Wala itong emosyun habang nakatingin saakin.

" It's been a long time...Ella " Sabi nya. Hindi ako nakagalaw ng lumapit ito saakin. Yumuko ito at pumantay sa Tenga ko. " This time...you can't escape from me " bulong nya.

Nagtubig ang ilalim ng mga mata ko ng bigkasin ko ang pangalan nya.

" James...."




                         - WAKAS -

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAID OF A MILLIONAIRE ( Completed )Where stories live. Discover now