♥25

0 0 0
                                    


° Ella's POV °

Alam mo 'yung feeling na para Kang nasasakal dahil feeling mo walang hangin , 'yung feeling na katapusan mo na at wala ng tutulong sa'yo. Akala ko katapusan kona. Akala ko huling sandali ko nalang ang natitira. Akala ko hindi ko na masisilayan pa ang liwanag.

Pero lahat ng akalang 'yun ay napalitan. Napalitan ng pag-asa ng masilayan ko muli ang liwanag at marinig ang mga boses na akala ko hindi Kuna muli pang maririnig.

" James..James.. please wake up.. please..son.. I'm so sorry "

Iba't Ibang klaseng boses ang naririnig ko. Merong umiiyak , merong nangangamba , at meron ding mga hingal na hingal.

" 1.2.3!. Clear? Clear!. One more..1.2.3. Clear.."

Hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko , parang ang kaya ko nalang at makarinig ng iba't Ibang klaseng tunog , at makaramdam. Maka-ramdam na parang isang mainit na bultahe ang pinapaso sa dibdib ko. At ang masakit na kung anong naka-baon sa balat ko , para silang karayom na subrang dami na naka-kabit saakin.

Subrang saya ko ng masilayan ang pag-asa--ang liwanag. Bumangon ako sa pag-kakahiga at sinundan ang walang katapusang liwanag. Malayo na ang nalakad ko pero hindi ko parin naabot ang liwanag.

Kumaliwa ako at meron akung nakitang dalawang pinto. Itim at puti. Hindi ko alam kung nasaan ako pero feeling ko may- naiwan ako na kailangan kung balikan. Humarap ako sa pinanggalingan ko pero wala na ang daan na tinahak ko kanina.

" Anak! " Humarap ulit ako sa harap ng marinig ang boses ng isang lalake. " Anak! " Dito ko lang namalayan na nasa lilod ko lang pala sya--ang hindi ko inaasahang tao--Itay!.

" T-tay? " Ngumiti ito at binuka ang braso na nag-aamba ng yakap. Agad akung yumakap sa kanya ng Napa-ka higpit. Ilang taon kung hinintay ang makasama ang tatay ko at ngayon nandito na sya.

" Tay!..na- miss kita " halos maunahan na ako ng hagulhol sa pag-kabigkas ko ng mga katagang 'yun. Pareho kami'ng bumitaw sa pag-kakayakap . Naka-ngiti lang sya na pinag-mamasdan ako.

" Tay..makakasama na ulit kita.. magiging masaya si nanay kapag nag-kita Kayo " Ani ko. Pero naka-ngiti parin ito at hindi sumasagot saakin. Napa-tingin ako sa dalawang pinto. " Saan sa dalawang pinto ang daan pa uwi 'tay? . Gusto ko ng umuwi..na Kasama ka.." dugtong ko.

Hahatakin ko na sana sya ng mag-salita ito.

" Wala sa dalawang 'yan ang daan pabalik anak..bumalik kalang sa pinanggalingan mo kanina at makaka- balik kana "

" Kung ganu'n..sumama na kayo saakin pabalik para maging kumpleto narin tayo "

" Pasensya na ..hindi na ako pwedeng sumama sa'yo pabalik anak. Pero lagi kitag babantayan "

" Pero 'tay..hindi ako aalis hanggang hindi kita Kasama.." umiyak na nga ako. Ano bang Ibig nyang sabihin?. Naguguluhan ako.

Ngumiti lang ulit sya saakin. Pinunasan nito ang luha ko.

" Anak..wala na ako hindi nyo na pwede akung Kasama..pero ikaw? Marami kapang babalikan..umaasa sila sa'yo ...kaya bumalik kana anak.." niyakap ko sya ng Napa-ka higpit. Hinalikan nya ang no-o ko hanggang sa pumikit nalang ako at tuluyan na ngang nandilim ang paligid.

" Maayos na ang pasyente , mabuti nalang at tumibok ulit ang puso nya. At mabuti nalang din at nadala sya agad sa hospital kung hindi baka..nahuli na ang lahat "

" Ano po bang rason bakit matagal sya bago magising? "

" Sa ilang oras nya sa lamig , pansamantalang tumigil ang tibok ng puso nito at kung hindi nyo kaagad na idala dito..it may cause death. Pero ngayon she's ok..pero 'yung kasama nya hindi pa namin sure..I have to go "

MAID OF A MILLIONAIRE ( Completed )Where stories live. Discover now