♥23

0 0 0
                                    


Ella's POV

Kakatapos ko ng linisin ang dining room at diligan ang mga tanim at bulaklak sa garden. Isa nalang ang hindi ko pa naasikaso , 'yung pag-linis sa kwarto ni James.
Ayaw ko sana pero wala akung magagawa ngayong araw ako ang mag-lilinis nu'n.

Kinuha ko na ang walis at dustpan , at pwede na akung umakyat sa kwarto nya para linisin ito.

Tatlong araw , tatlong araw na lang ang titiisin ko sa bahay na'to. At pag-katapos nu'n magiging Malaya na ako. Pag-balik ko sa probinsya plano ko ay ipagpatuloy ang pangarap kung maging isang reporter o kundi naman kaya ay maging doktor. Kahit ano nalang sa dalawang pangarap ko ang sana ay matutupad man lang.

Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa harap ng kwarto nya. Bahagya'ng naka-bukas ito kaya sinilip ko ang loob , walang tao tama lang ito. Pumasok na ako at inilagay ko muna ang walis at dustpan sa gilid para linisin ang mga naka-kalat na damit at iba pang gamit.

Ibinalik kuna sa cabinet ang mga damit at inayos ko narin ang hitsura ng kama nito pati narin ang sofa at study table nya. Matapos nu'n ay nag-simula na akung mag-walis. Hindi na ganu'n ka dami ang mga basura o kalat sa kwarto nya kumpara dati , natoto din sya segurong minsan mag-linis. Pero ang mga damit ganu'n parin.

Ramdam ko ang mga pa-a nyang pumasok. Baka may-kukunin lang. Akala ko nga ganu'n lang pero..

Hindi sya umaalis sa pwesto nya o gumagalaw manlang. Kahit naka-talikod ako ramdam kung pinag-mamasdan nya ako.
Inipon ko ang lahat ng lakas na meron ako ngayon para harapin sya. Ganu'n nga ang ginawa ko tapos narin ako dito mag-papaalam lang ako.

Nag-bow ako ng kunti at binigyan sya ng pilit na ngiti.

" Mag-papaalam na po ako sir" hindi pa man ako nakaka-hakbang ng ilang beses ng maramdaman ko ang kamay nito na hawak hawak ang braso ko. Kailangan Kong maging patay malisya. Kailangan..

Humarap ako sa kanya.

" Sir? May-kailangan pa poba kayo? " Inosente kung tanong.
" Can you do me a favor? Just this one " Ani nito. Anong gagawin ko? Favor daw. Bahagya akung umubo at seryusong naka-tingin sa kanya.

" Segi.." sagot ko. Binitawan nya ako at huminga ng malalim. " Pwede ba tayong mag-usap? " Tanong nito. " Segi..sa sala nalang seguro?--".

" Please ella , gusto kung mag-usap ta'yo hindi bilang boss mo kundi bilang tayo "

" Walang tayo " nasabi ko nalang bigla ang mga bagay na'yun.

" Ella please..gusto kung mag-usap ta'yo 'yung tayo lang. Forget anything , just you and me.. please.." hindi ko kaya kapag sabihin nya ang mga katagang 'please' nakikiusap sya at nag-papabigat 'yun ng damdamin ko. Hindi ko na kaya , suko na ako. Ayuko ng mag- panggap na hindi nahihirapan , ayuko ng mag-panggap nahindi nasasaktan dahil 'yun 'yung nararamdaman ko ngayon--araw araw.

" Kung pag-uusapan natin 'yung dating tayo.. sorry..pero..kaylan man hindi na tayo babalik sa dati " seryuso kung sagot sa kanya. Hindi ko kaya ang lumalabas sa bibig ko , pero hindi ko kaya'ng makita syang umiiyak katulad ngayon. Hindi ko kaya'ng pag-masdan 'yung taong importante sa buhay ko na ngayon ay may-luha sa Mata na ako ang gumawa.

" Mahal mo parin ba ako? " Nadurog ang puso ko sa tanong nya. Gusto kung sabihin , isigaw sa mundo na 'Oo Mahal na Mahal kita ' pero hindi ko kaya. Bawat galaw ng labi nya sa katagang 'yun ang pamumu-o ng luha sa mga Mata ko.

" Hindi! " Deritsong sagot ko. Napaawang nalang ang bibig ko sa sagot ko. Tumalikod ako at tuluyan na ngang lumabas ang luha ko. Hindi ko na 'to kaya , ayuko na. Ang dami ko ng kasinungalingang nasabi , Mahal kita pero hindi ko kaya'ng ipag-tapat 'yun sa'yo dahil sa bawat pag- buka ng bibig ko may - pumipigil na saakin.

Humarap ako dito at nanlumo na ang buong katawan ko ng pag-masdan sya ngayong umiiyak. Please huwag Kang umiyak hindi ko kaya'ng pag-masdan ka. Paki-usap tama na.

Tumingala ito at pinigilan ang luha. Pag-ka-tapos ay humarap ito saakin , wala Kang mababakas na kahit ano sa mukha nya pero ramdam ko na nasasaktan sya. Napa-duko ito at pinag-masdan ko lamang sya.

" Why?.." inangat nito ang tingin saakin. " What's the reason? " Parang tanga na tanong nya kahit alam nyang alam na nya ang sagot sa tanong nya.

" Dahil 'yun 'yung tama " walang gana kung sagot. Ako naman ngayon ang napa- yuko. Masakit , subrang sakit. Dito ko na realize na mas- matindi 'yung sakit sa emosyun kesa sa physical.

" It that the only reason? " Kunwaring na tawa ito. Tama na..

" Tama na , nasasaktan na ako" pag-suko ko. " Bakit? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan? Nasasaktan ako dahil hindi ko magawang makaalis sa pag-kaka kulong ko sa pamilyang 'to. Nasasaktan ako dahil hindi ko masabi kung ano 'yung gusto ko. Nasasaktan ako dahil hindi ko magawang ipag-laban 'yung babaeng Mahal ko! " Nagulat man ako sa pag-sigaw nito ngunit hindi ko pinahalata.

Kinagat ko ang naibabang labi para hindi ako tuluyang humagolhol. Ayukong ipakita sa kanya na hindi ko kaya'ng wala sya , kahit nama toto-o. Kailangan kung ipakita na hindi ko na sya kailangan at sumama na sya Kay sapphire.

" Pwede tama na..huwag mo ng dagdagan pa ang problema ko!. Huwag mo ng dagdagan ang pagpapahirap saakin..dahil ang toto-o?..ikaw ang may- kasalanan kung bakit naging mesirable ang buhay na meron ako ngayon! " Isang sampal saakin ang Sinabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya dahil kusa na akung umalis sa loob ng kwartong 'yun.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Kaya mo 'to Ella , kayanin mo!.

MAID OF A MILLIONAIRE ( Completed )Where stories live. Discover now