♥13

0 0 0
                                    


Ella's POV

Buong gabi akong hindi nakatulog ng maayos. Iniisip ko parin ang mga pwedeng mangyari pagbalik namin. Gusto ko si James at alam kung ganun din sya saakin pero ano nalang kaya ang sasabihin ng mommy nya?.

Kinaumagahan noon lutang ang isipan ko hanggang sa makasakay na kami ng eroplano pauwi. Ngayon papasok na ang sasakyan namin sa gate ng mansion nila. Masyado akong kinabahan ng makita ko ang iba pang mga maid na nakalinya para salubungin kami. Napatingin ako Kay James ng hawakan nito ang kamay ko saka ngumiti na parang sinasabing magiging ok lang ang lahat.

Bumaba kami at alam kung nanginginig na ang kamay ko.

" Maligayang pagbabalik senyorito " sabay-sabay nilang pagsasalita. Tumango lang si James saka pumasok sa pintuan at sumunod naman ako.

" My son... welcome home " nakangiting bati ni Madam Veronica.
" I miss you, mom " sagot naman ni James saka hinalikan ang pisngi ng mommy nito. Napatingin saakin si Madam Veronica at alam kung may kakaiba roon ngunit hindi ko mawari.

" And I believe inalagaan ka talaga ni Ella sa probinsya" pagsasalita nito. " Yeah, mom. She's the best of all the maids you hired for me " sagot naman ni James at halos gusto ko itong pingutin dahil ang dami-dami nitong sinasabi na mukhang hindi nagustuhan ni Madam Veronica.

" Is that so?. Well, does she deserve some prize? " Makahulugang ani ni Madam Veronica saakin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. " Dadalhin ko na po ang mga gamit nyo sa taas , sir James " pag-iiba ko ng usapan.

" Ok. Mom, magpapahinga lang ako sa taas " paalam ni James saka sumunod saakin. Ramdam ko ang matalim na titig saakin ni Madam Veronica pero minabuti ko nalang na hindi pansinin.

" I'm so tired " kaagad na reklamo ni James ng makapasok na kami sa kwarto nya. Kaagad itong humiga sa kama. " Magpahinga kana muna. Bababa na ak---" nabigla ako ng higitin nito ako kaya ngayon ay nakapatong ako sa kanya.

" Anong ginagawa mo!? " Gulat kung tanong. " I said I'm tired " Sabi nya.
" So?. Anong kinalama--" Hindi na Ako nakapalag pa ng yakapin ako nito ng sobrang higpit. " Let me recharge a bit " Sabi nya tsaka naramdaman ko nalang na bumagsak na ang kamay nito. Luh?. Tulog na?. Napatingin ako sa maamo nyang mukha. At sa tuwing makikita ko iyon mas lalo akong natatakot.

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago umalis ng masegurong tulog na ito. Inayos ko ang mga gamit nya tsaka umalis at pumunta ng kwarto ko para ayusin naman ang mga damit ko. Madami akong lalabhan ngayon. Hayst.

" Knock knock! Ella? " Napatingin ako sa pintuan ng sumilip doon si ate Pin. Isa din sya sa katulong dito kaso mas màtagal na sya kesa saakin. " Bakit ate pin? " Tanong ko. " Busy ka?. Pinapatawag ka kasi ni Madam sa library" Sabi nya. " Segi. Susunod na ako" Sabi ko nalang. Tumango naman ito saka umalis. Mabilis kung tinapos ang ginagawa saka pumunta ng Library.

Hinanap ko si Madam Veronica pero wala sya Doon. Naglibot muna ako nagbabasakaling makita ko sya pero naagaw ang atensyon ko ng isang picture sa mesa ni Madam Veronica.
Hindi ako nakagalaw ng makita iyon. Dahil picture iyon ni James na may kasama syang babae. Sobrang Ganda nito at sobrang tangkad. Hawak- hawak ni James ang bewang nya habang hinahalikan sya nito sa pisngi. Sobrang saya nila sa litratong ito.

" They look perfect for each other, isn't it? " Nabigla ako ng dumating si Madam Veronica. " Madam. Pinapatawag nyo daw ako? " Pagsasalita ko. Umupo ito sa desk nya. " Alam mo ba kung bakit Ikaw ang tinanggap ko sa trabahong ito? " Tanong nya. Natahimik naman ako.
" Because you are the most suitable for this job. You're smart, witty and I like your personality" dugtong nya pa.

" Pero alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa lahat?. I hate it when people disobey my order. Ikaw ba?. May nilabag kaba sa mga utos ko? " Tanong nya ulit saakin.

" Ano pong ibig nyong sabihin? " Kinakabahan kung tanong. Ngumiwi ito. " Look at the woman in the picture. She's beautiful, elegant, and most importantly she's rich. Her dad owns a top-notch five star hotel in LA. And... she's my son's first love " Ani nya. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. Pakiramdam ko mas lalong lumubog ang pagkatao ko.

" You're not born yesterday, Ms. Balona. You know what I'm talking about "

" Madam..."

" I know everything, Ella. So bago mo ka pa makaapak sa buhay ng anak ko. I am warning you , if you love and need this job. Stay away from my son ".

Halos pigilan ko ang hininga ng marinig ko iyon. Alam na nya?. Itinago ko ang kamay kung nanginginig.

" I know you're a smart girl. Pag-isipan mo ang sinabi ko " tumayo ito at pumunta sa likuran ko. Halos magsitayuan ang balahibo ko ng hawakan nito ang dalawa kung balikat.

" Now. Go go. Fix yourself and be a good maid "

MAID OF A MILLIONAIRE ( Completed )Where stories live. Discover now