KABANATA 14

10 7 0
                                    

Tiffany's POV,

"T-teka teka! Bakit silang tatlo? Tiff, isama mo ako! Tsaka sabi ni Syra magaling. Wala naman yatang alam sa pakikipag-laban 'yang tatlo na'yan!" Reklamo ni Jayden na ikinataas ko ng kilay.

"Sila nalang ang isasama namin. Kailangan niyong mag-bantay dito sa Academy."

"Pero kailangan kong bantayan si Janese! Paano pag may masamang mangyari sa kanya 'don?!" Sigaw ni Jayden. Sinisigawan niya ko?!

Hay, protective brother talaga siya. Kahit na minsan inaaway niya lang si Janese pero sobrang mahal niya ang kakambal.

Hindi ko din naman kase siya masisisi, alam ko ang past nilang magkapatid. Ayaw niyang sinasaktan ang kakambal niya.

Sana all! Yung kuya ko kase eh halos hilingin na na mamatay ako para Wala ng mang-asar sa kaniya.

"Kaya ko na ang sarili ko, malaki na'ko." Ngiting sambit ni Janese habang naka taas pa ang kamay.

"Hindi mo pa kaya ang sarili mo! Oo, malaki ka'na. Malaking Tanga!" Sigaw ni Jayden na ikinanguso ni Janese.

Heto nanaman sila.

"Ang sakit mo naman!"
"Muka mo!!"

"Jayden. Bawal ka. Sampo lang ang kailangan at kayo naman, kailangan niyong mag bantay at may imbistiga dito sa academy. Hindi sapat ang information na binigay ni at---ni Syra." Mahabang paliwanag ko.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jayden.

"Oo na! Pero Oras na may mangyaring masama sa kapatid ko, hindi ko kayo mapapatawad." Matapos magbanta ay walang pasabing lumabas si Jayden.

"Anyare don? Nag walk out,"

"He's still a protective brother, huh?" Tumango-tango si ate Syra.

Dating member ng PDTC si Syra kaya kilala na niya ang mga member ng DTC. Pero sila Wendy at ate Carla at kakasali lang bago umalis si Syra kaya hindi pa sila masyadong magkakilala.

"Pagpasensyahan niyo na si Unggoy, sinumbong nanaman yata." Ngiwing ani ni Janese.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang buong paligid na agad nabasag ni Syra.

"Namiss ko kayo." Ngiti niya.

"Namiss ka 'din namin," Ngiting tugon ko sa kaniya.

"Ako, hindi kita namiss." Wala sa sariling usal ni Syro, dahilan para masapo ko ang sarili ko'ng noo.

Siraulo talaga toh, hindi manlang inisip ang nararamdaman ng ate niya.

"Walang nagtatanong," Pambabara ni Haviena kay Syro.

"Ah, talaga ba? Tanginamo,"

Dtc... Pangako, habambuhay ko kayong papangalagaan.

~~~~~~~~~~~

NANDITO na kami ngayon sa harap ng isang malaking building na nasa likod ng Haminuz academy.

Dito pala ang hideout na...pero bakit dito?

Nandito lang pala sila...bakit hindi agad nalaman ni Mr. Hazuwe at humingi pa siya ng tulong sa amin?

Kasama namin ngayon dito si Syra at itatakas na namin ang mga magulang nila.

"Syro, Haviena, Janese, Polca, Zarkhus. Maiwan muna kayo diro. Kaya ang magiging back-up namin. Si Tiffany, Sarah, Fiona, Traiden, Zeenco, at Zank naman ang isasama ko. Tiff, Sarah at Fiona. Kilala kayo ni Syra so you should wear a mask and cap. Magpa-panggap kayo na kasamahan namin." Mahabang paliwanag ni Syra.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DTC's filesWhere stories live. Discover now