Chapter 1

324 15 0
                                    


Anon Kenjiro Santiago, a talented sketch artist, enters into a relationship with the heiress of a prominent family in the country. However, their relationship is deeply challenged by their individual dreams, new people who influence them, and revelations that lead them to realize what a true relationship means.

What will happen to their love? This is an intersex x girl love story.

Disclaimer: All content in this story is purely fictional and not associated with any real person, living or dead. Any resemblance to actual events or persons is entirely coincidental. Additionally, all songs, images, and other media used in this story are credited to their rightful owners. No copyright infringement is intended. Please note that this content contains adult scenes and is not suitable for children. There may also be grammatical errors and misspellings. Some parts, such as technical conversations, are AI-generated.

Chapter 1

Kenj's POV

"Will you marry me, Athena Zobel?"

Nakaluhod ako ngayon sa harap nya.

---

Ilang taon din ako nagsumikap para may mukang maiharap sa pamilya ng girlfriend ko. We have been together for four years. Naging kami around 3rd year in college kami. We met first when one time I became an exchange student sa Harvard.

I did not know that time that she is the heiress of the Zobel Family sa Pilipinas. Nalaman ko lang nung sinabihan ako ng tatay niya na layuan ang anak nila when he saw us together when she visited her daughter.

Nagaway pa ang mag-ama dahil sa akin. Athena fought for me until her dad gave me a chance to prove myself. Nagka LDR kami ni Athena when my exchange student program ended, and I went back home to finish my course in Fine Arts - but our relationship remained strong as ever.

After I graduate, nagsumikap talaga ako para magkaroon ng stable job at makapag-ipon. Sobrang saya ko din nung tinanggap na ako ng pamilya ni Athena.

Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na yayain magpakasal ang girlfriend ko. Alam kong medyo maaga pa, pero I really want her to become my fiancé. Babakuran ko na kasi ang daming umaaligid na nagkakagusto sa kanya. Hindi ko kaya na makita siyang may kasama na iba.

Naaalala ko pa na kaya ako tinanggap ng pamilya ni Athena dahil nakuha ko rin ang loob nila, lalo na ang mama niya. Pinatunayan ko din na mahal ko siya at hindi pera o kung anong material na bagay ang habol ko sa kanya. Finally, they saw my determination, love, and loyalty sa anak nila.

---

Nakatingala ako sa girlfriend ko.

Nakikita ko ang mamula-mula niyang mga mata. Nakakabahan rin ako kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ng girlfriend ko.

Nandito rin ang pamilya niya, ang mga magulang niya at isang nakababatang lalaking kapatid na si Sander. Nagpaalam ako sa kanila and they all want to witness it. Nandito kami sa garden ng mansion nila. They supported me all the way.

...

"Will you marry me, Athena Zobel?" Inulit ko ang sinabi ko kanina. Matagal kasi ang dead air na nangyari sa pagitan namin.

...

Hinawakan ni Athena ang kamay ko at hinila ako patayo. Halos sumabog na sa dibdib ko ang kaba dahil hindi pa sumasagot si Athena. Parang namumula na rin ang mga mata ko dahil sa mga actions niya, parang may ideya na ako sa gagawin niya.

...

...

...

"Kenj...Babe...so-sorry."

Cool OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon