Kenji's POV
Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa inuman kagabi. Wala rin akong masyadong maalala after I played and sang a song I dedicate for Athena.
Habang hawak ko ang sentido ko, bigla naman bumukas ang tent namin.
"Anon, you okay? Nagprepare na kami ng breakfast and hangover soup sa inyo. Sobrang lasing mo kagabi." I heard Amara. I saw care from her eyes.
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. May panaginip kasi ako na Amara is singing a song for me yung "eternal flame" and I saw the bonfire's reflection in her face. I did not only feel a normal warmth in that dream, but a kind of warmth that will melt your heart. Warmth that makes you feel like home, secured, and happy. But why does it feel so true kahit panaginip lang?
"Hoy, tulala ka diyan. Halika na!" Dagdag ni Amara at marahan niya akong hinila palabas sa tent.
-----
"Mahal, ako na. Nakakahiya na, tinatawanan na ako ng tropa oh!"
Panay ang asikaso sa akin ni Amara. Nilagyan niya ako ng hangover soup at susubuan pa sana ako.
Ang cute din ng kulay ng sabaw dahil it is orange. Kahit kailan talada, adik ata sa kuhay kahel si Amara.
"Alam mo ba Kenji, ang daming babae na disappoint nung malaman na taken kana." Sabi ni Carol.
"Ha? Break naman kami ni Athena ah."
"Si Amara. Akala ng lahat kagabi, siya ang girlfriend mo, sinabi mo ba naman habang ang host malapit sa atin ay "mahallll, uwiii na tayo plishhh".
Nagtawanan naman sila dahil ginaya pa ni Carol ang lasing ko na boses.
Namula naman ako at malamang namula nanaman ang tenga ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko sa pag asar nila sa amin ni Amara.
Agad ko naman niwaksi ang naisip dahil finafollow ko talaga ang 3-month rule. Mag dadalawang buwan palang. Mahal ko parin si Athena at maghihintay parin ako , baka kung pwede na, pwede pa.
"Itigil niyo na nga ang kakaasar sa akin sa bestfriend ko. Hindi yan magkakagusto sa akin si Amara no. Tsaka, si Athena parin talaga ang laman nito." Sabay turo ko pa sa puso ko.
Nagtawanan lang naman ang tropa ko. Pero parang naging malungkot si Amara. Lumapit din sa kanya sina Carol and Diane. May nasabi ba ako?
After our breakfast, inayos na namin ang mga gamit. Nag road trip kami at nawala narin naman ang pagtampo at ani Amara. Sobrang saya naman namin dahil nag sight-seeing din kami sa mga madaaanan at nag food trip sa daan.
I saw how happy my bestfriend. Sobrang ganda ni Amara kapag tumatawa siya.
-----
Third Person's POV
Several weeks and months passed and from time to time, Anon visited Amara in their mansion.
"Oh, Anon, si Amara ba hanap mo?" Sabi ng Ama ni Amara.
"Opo Tito Eric. May fiesta sa kabilang bayan. Yayain ko po sana, kung okay lang sa inyo. Kasama po ang tropa. Mga kababata po namin."
"Aba, napapadalas ang dalaw mo sa anak ko ah. Baka nahulog kana doon ah."
Panay asar naman ng Tito Eric niya sa kanya dahil alam naman nito na may gusto ang anak niya kay Anon. Hindi niya lang ito sinasabi dahil minsan niya na rin nakitang malungkot ang anak nung malaman na si Athena parin ang laman ng puso ng taong gusto niya.
"Anon, kung darating ang panahon na malay natin, magkagusto ka sa anak ko. Ang hiling ko lang, huwag mo lang saktan ang anak ko."
"Tito naman. Syempre po, hindi ko po iyon sasaktan. Pero bestfriends lang po ang turing ko kay Amara and I know hindi naman po magkakagusto sa akin ang anak niyo. Baka ang ideal type niya ay businessman din, galing sa prominent na pamilya, gwapo, matalino, mabait, at higit sa lahat, tunay na lalaki."
BINABASA MO ANG
Cool Off
RomanceAnon Kenjiro Santiago, a talented sketch artist, enters into a relationship with the heiress of a prominent family in the country. However, their relationship is deeply challenged by their individual dreams, new people who influence them, and revela...