Flight of The Black Butterfly Chap.8

181 5 3
                                    

*****

Sleep....

Takes you temporarily away from reality and from your problems....

It should be relaxing right? Pero bakit ganito?

Chapter 8

*flash*

Sa isang madilim na bahay.

"Anak, 'wag kang matakot ha?"

Hinugot ng bata ang laylayan ng damit ng daddy niya habang nanginginig at umiiyak.

"Daddy, please don't leave me..."

"I'ts okay baby, don't cry na... I promise, hindi kita pababayaan." sagot ng daddy ng bata.

Tumakbo naman ito palapit sa Mommy niya at yumakap ng mahigpit habang humagulhol pa rin.

"Mommy, ipagluto mo ako mamaya ha?" sambit ng bata.

"Oo ba! I'll cook your favorite dish!" may luhang sambit ng mommy ng bata.

Niyakap ang bata ng Mommy at Daddy niya.

"Tandaan mo anak na mahal na mahal ka ni mommy at daddy ha?" sabi ng daddy.

"At be strong anak okay? No matter what happens, we'll protect you baby." dugtong ng mommy.

*Flash*

Another scene...

Naglakad ang bata sa isang mala-gubat na lugar na walang saplot sa paa habang umiiyak.

"Mommy! Daddy!...."

Napahinto ito nang makita niya sa di kalayuan ang Mommy at Daddy niya na nakaharap sa derection niya pero may kinakausap na taong nakatalikod sa bata na may dalang baril.

Naglakad ang bata palapit sa mommy at daddy niya at ilang kilometro pa ang layo ng bata sa lalaking nakatalikod sa kanya ay napansin ito ng mga magulang niya.

"Mommy! Daddy!" Umiiyak na tawag ng bata.

Lumingon ang lalaki sa bata at binigyan ito ng ngiting parang sa demonyo at itinutok ang baril sa bata.

"NOOOOOOOOO!!!"

*BANG!BANG!BANG!BANG!BANG!BANG!BANG!*

Sunod-sunod ang pagpapaputok ng baril ang umalingawngaw at maririnig ang matuis na sigaw ng bata.

Katahimikan....

Makikitang nakayakap ang mag-asawa sa anak nila na punung-puno ng duko. Sinangga nilang dalawa ang bala na sa bata sana tatama.

Nakatulala lang ang bata sa kinatatayuan niya habang nanlaki ang mga matang lumuluha sa nasaksihan.

Pinahid ng nakangiti niyang daddy ang luha niya gamit ang duguang mga daliri.

"S-Sorry A-Anak...." mahinang sambit nito at tuluyan nang bumagsak sa lupa katabi ang duguan niyang mommy.

Pinagmasdan lang sila ng lalaking bumaril ....

May ngiting demonyo sa mga labi...

Habang na aaliw sa panguayari..

>Aria's POV<

"No!!!!"

Napabalikwas ako sa kama at pumihingal na natutop ang noo ko. Pinapawisan ako ng malamig at tuyo ang lalamunan ko.

Napatingin ako sa bedside table kung saan nakapatong ang luminous kong relo.

3:00 AM

Akala ko hindi ko na mapapanaginipan ang pangyayaring iyon.

Flight of The Black Butterfly [by: blackamaiden] On going....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon