Prologue

1.7K 23 0
                                    


"Oh, bakit malungkot ka?" Tanong ni Papa nang pagbuksan ako ng gate matapos niyang marinig ang pagtigil ng tricycle na aking sinakyan pauwi.

I sighed. I didn't even realize I was sad. Hindi lang kasi mawala sa isip ko ang nangyari sa kaklase kong si Regina kanina sa school. She was bullied. Some older kids were picking on her again. They took her lunch, called her names, and nobody did anything to stop them. Sinubukan ko, namin ni LA kaya lang ay pinagtawanan lamang kami ng mga ito. Paanong hindi? Eh, 'di hamak na mas malalaki sila sa amin.

Inakbayan ako ni Papa. "May umaway ba sa'yo sa eskwela?"

Humigpit ang kapit ko sa strap ng dala kong bag, inayos ang makapal na salamin atsaka umiling. Wala ng umaaway sa akin sa school simula nang maging kaibigan ko si LA. Kids were scared to mess with him because he was a De Salvo bukod pa sa siga ang kapatid nitong si Saint na madalas sa guidance office. Maraming pagkakataon na kasi itong nakipag suntukan sa mga tumutukso kay LA, kids were calling him weird dahil tahimik at palaging ako lang ang kasama. Kaya kahit paano ay naambunan ako ng proteksyon ni Saint.

"Eh, bakit malungkot ka? Para kang inaway sa ayos mong 'yan, eh."

"Si Regina po kasi, Papa..." Huminto ako sa hamba ng aming maliit na pinto upang maghubad ng sapatos bago pumasok sa loob. Si Papa na ang pumulot noon, inabot rin niya sa akin ang pares ng tsinelas kong nasa rack. I wore it as I put my bag down the couch. "Kaklase po namin ni LA. Kanina sa canteen ay tinukso at pinagtulungan na naman siya ng ibang mga estudyante. Matatanda pang halos ang iba sa amin, may mga babae at lalaki rin. Kinuha nila 'yung baon niya, pati kaunting barya sa bulsa ng palda niya ay hindi pinatawad. Hindi ko napigilan, nilapitan ko sila... I told them to give her lunch and money back. Kaya lang tinawanan lang nila ako. Hindi nila ako sineryoso dahil muntik na raw nila akong hindi makita, ang liit ko daw kasi, Papa."

Muntik na nga rin akong kuhaan ng baon, pero nakilala ako noong isa. Natakot dahil baka gulpihin sila ni Saint kaya inawat nito ang mga kasama at sinabi na huwag na akong palagan. But they didn't take me seriously, dahil bata bukod pa sa maliit.

Papa sighed, kinuha niya ako at inilapit sa kaniya. He kneeled in front of me so I was at his eye level. "I'm sorry that happened, Drew. Pero tama ang ginawa mo na lumaban ka para sa kaniya, lalo na't alam mong hindi niya kayang gawin iyon para sa sarili niya. It takes a lot of courage to do that, especially when others don't."

"But it didn't help! Bukas ay ganoon ulit ang mangyayari. Tutuksuhin lang rin ulit siya sa school. And the teachers... they didn't even see it. It's like they don't care. It's just not fair." I was so frustrated. Lalo na dahil alam kong wala akong magagawa unless tumanda at tumangkad na akong agad bukas rin. They wouldn't take me seriously. I was only a kid.

"Fairness isn't always easy to find," makahulugang sabi ni Papa. "But fairness and justice are about doing what's right, even when it's hard. It's about standing up for people who can't stand up for themselves. Katulad ng ginawa mong pagtulong sa kaklase mo ngayon, kahit pa alam mong puwede kang madamay at mapagbuntunan ng pangungutya."

Lito ko siyang pinagmasdan, muling bumagsak ang aking mga balikat. "Pero wala naman iyong naitulong, Papa. If anything, baka nga mas naipahamak ko pa siya. How do you make things fair?"

"Sometimes, making things fair isn't something that happens right away." Ngumiti si Papa at hinaplos ang aking pisngi. I could see the warmth in his eyes at para na agad akong niyayakap ng kaniyang mga bisig. "Proseso iyon, Andrea. Madalas na magsisimula sa maliit, kagaya na lang ng ginawa mong pagtulong. Siguro sa tingin mo ay hindi iyon sapat, pero para sa kaklase mo na sinubukan mong tulungan ay malaking bagay nang malaman na hindi lahat ng nakapaligid sa kaniya ay gustong saktan siya. May mga iba, kahit pa gaano kaliliit, handa siyang ipagtanggol at protektahan. Every time you stand up for someone, you're planting a seed. Sometimes, it takes time for those seeds to grow into something bigger, something that can really make a difference. Huwag kang mapagod gumawa ng kabutihan para sa ibang tao."

End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon