Chapter Two

236 6 0
                                    

"Medina at De Salvo nagsusuntukan!"

Halos tumilapon ako nang may bumanga sa akin mula sa likuran upang unahan ako sa pagbaba ng hagdan. Maraming nagsisunuran sa mga nananakbong iyon. Hinayaan ko silang mauna pero sumunod rin ako yakap ang tatlong aklat para hindi malaglag ang mga iyon.

Ito ang unang araw namin sa eskwela at may suntukan agad na nagaganap sa baba. Pumalibot ang mga tulad kong Grade 9 sa sentro ng eksena, may mga mas matataas na antas rin ang nagkalat dahil si De Salvo na naman ang nag-init ang ulo at ngayon ay nakikipag basagan ng bungo. Nakipagsiksikan ako sa mga ito para mapunta sa pinakaunahan.

"Saint!" Nakisigaw ako, maraming sumisigaw ng pangalan niya kaya hindi ko sigurado kung maririnig niya pa ba ako. "De Salvo!"

Humiyaw ang lahat nang magpakawala ng malalakas na suntok si Saint, ang lahat ng iyon ay tumama sa mukha ni Levy Medina. Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan ng mga ito pero si Levy ay kilala rin na basagulero. Pareho silang varsity player ng basketball, baka nagkapikunan sa laro malamang.

"Saint! Kay Saint ako dyan!"

"Go, Saint!"

"Saint, lakasan mo pa! Mayabang 'yan, eh!"

"Saint! Saint! Go, Saint! Walang panama 'yan si Levy sa'yo!"

Lahat ng nasa paligid ay nag-ch-cheer, ni wala man lang umaawat sa mga ito. I sighed, lagot na naman ito sa mommy nila panigurado! Sa gitna ng pakikiusyoso ko ay may kumalabit sa akin, nilingon ko iyon at nakita si Regina na medyo humahangos pa, malamang ay narinig nito ang tungkol sa suntukan at alam na narito ako kaya agad na pumunta.

"Kakasimula pa lang ng school year magkakaron agad ng record si Saint," bulong nito sa aking tabi, ang mga mata ay tutok sa nangyayaring bakbakan.

Ibinigay ko rito ang mga librong hawak ko, inalis ang salamin at isinilid iyon sa aking messenger bag bago ako sumugod kanila. I wasn't sure if it was bravery or foolishness driving me, but I knew Saint wasn't listening to anyone—especially not to reason—right now.

"Drew!"

Sinubukan pa akong pigilan ni Regina pero wala na akong pakialam. Dumiretso ako kay Saint na galit na galit habang nagpapakawala ng mga suntok kay Levy. Hindi niya ako agad na napansin dahil ang kaniyang atensyon ay tutok sa away. I reached out and grabbed the back of his shirt, pulling him back with all the strength I could muster.

"Tama na 'yan, Saint!"

I shouted, trying to get through to him, but just as I pulled, someone—Levy, I realized—shoved him hard from the side. Sobrang lakas ng ginawa nitong pagtulak kay Saint kaya maging ako ay natabig. Hindi na niya nagawang ibalanse pa ang sarili sanhi ng pagbagsak ko sa lupa.

Napapikit ako habang iniinda ang sakit na gumuguhit sa aking tagiliran. Narinig kong agad ang malutong na mura ni Saint habang humihingal na nakalingon na sa akin.

"Damn it!" His voice was thick with frustration, but I could tell that his anger was no longer directed at the fight—it was at himself.

Kinuha ni Levy ang pagkakataong iyon upang makakawala at makaisa man lang sa kalaban. Agad na inundayan nito ng malakas na suntok ang mukha ni Saint. I winced at the sound of the blow, but Saint barely seemed to register it. His attention was now completely focused on me, concern flashing in his eyes as he quickly knelt down beside me.

Ni hindi siya nahilo sa malakas na sapak na iyon. Ni hindi ininda ang bahagyang pagdurugo ng sulok ng kaniyang mga labi dahil sa suntok na iyon.

Ako ang inuna niyang asikasuhin.

"Ayos ka lang?" Tanong niya habang sinusuri kung nagalusan ba ako o ano. His hands were rough but gentle as he lifted me off the ground. Maingat niya akong itinayo at ipinirmi.

End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon