Marriage.
Iyon ang kinalabasan ng mga pangalan namin ni Saint nang subukan kong i-FLAMES. Hindi ko maintindihan kung bakit mas lalong hindi ako pinatulog nito kagabi. Kaya tuloy ngayon ay panay ang hikab ko habang nag-aalmusal.
"Kulang ba ang tulog mo?" Si Papa nang mapansin na ang maliliit kong hikab. "Ayos ka lang ba, Drew?"
"Ayos lang ako, Pa!" Agad kong paniniyak dahil hindi ko gustong mag-alala ito. "Medyo marami lang po talagang ginagawa sa school."
Nakita kong ngumisi si Penny habang kumakagat sa kaniyang pandesal na isinawsaw sa maiinit na kape. Sinamaan ko siya ng tingin, lihim na nagbabanta sakaling may maisipan pa itong sabihin. Ganyan kasi si Penelope! Kung anu-ano na lang nasasabi makagawa lang ng gulo.
Tumango si Papa ngunit hindi pa rin inalis sa akin ang kaniyang tingin. "Basta, take it easy. It's good to see you working so hard in school, pero alagaan mo rin ang sarili mo. Mataas naman ang mga marka mo at ayos na ako doon. Hindi mo kailangan i-pressure ng husto ang sarili mo, Drew. Kung ano lang kaya mo, iyon lang."
I sighed. Medyo guilty rin dahil totoong nag-aalala si Papa pero hindi naman pag-aaral ang siyang nagpapuyat sa akin kagabi kundi si Saint. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit ko hinayaan ang aking sarili na mapuyat ng dahil sa kaniya. It wasn't worth it!
Out of the corner of my eye, I saw Penny smirking more. Kinabahan ako dahil kilalang-kilala ko talaga ang babaeng 'to! Hindi siya papayag na hindi ako mapapagalitan o mapagsasabihan!
"Alam mo, Pa," Penny began in a sing-song voice, completely ignoring my silent threats. "Mukhang hindi lang schoolwork ang dahilan kung bakit puyat si Drew."
Wala naman siyang alam! Pero kung tignan niya ako ay parang meron. Kung hindi ko lang talaga siya kabisado ay iisipin kong meron nga. Nakikiramdam lang 'yan. I know!
I nearly choked on my coffee, coughing to cover up my panic. "Kung anu-ano ka na lang, Penelope!"
Papa's eyebrows raised in interest, but he looked more amused than concerned now. Si Penny naman ang binalingan niya. "Ano pa ang dahilan kung ganoon?"
Penny's grin turned mischievous as she leaned in, para bang may mainit na sikreto siyang ibubunyag kay Papa. "Boyfriend siguro, Pa. Hindi ko alam, ah? Hindi ako sigurado. Pero alam mo naman... Nasa edad kami kung saan curious kami sa mga ganyan. Lalo na at ang mga kaklase namin ay nagsisimula nang magkaroon ng mga boyfriend at girlfriend..."
I glared at Penny, my stomach flipping as she continued. She was just fishing, trying to get a rise out of me, but the problem was... it was working. I could feel my face heating up with every word she said. Nakakainis dahil kilala niya rin ako sa kung paanong kilala ko siya kaya hindi ko na kailangan pang sabihin sa kaniya, alam niya na!
"Fifteen pa lang kayo, masyado pang bata para sa mga boyfriend-boyfriend na 'yan. Focus muna kayo sa pag-aaral," tumatawa man ay seryoso ang sinabing iyon ni Papa. "There's plenty of time for that later, pero ngayon, priority muna ang future ninyo."
"Eh, Pa, what if may boyfriend na nga si Drew? Ayos lang ba?" Lalo pa talaga akong inasar ni Penelope!
I clenched my fists under the table, trying to keep my cool.
"Wala, okay?" I snapped, glaring daggers at her. "No crush, no boyfriend, no nothing. It's just school, Penny. Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot 'yang mga sinasabi mo."
Lalo lamang siyang tumawa, parang masaya na pinatulan ko ang kalokohan niya. "Weh, Drew? Hindi nga?"
"Ano ba? Baka ikaw ang may boyfriend!"
BINABASA MO ANG
End Game
Romance3rd Generation: The Lineage Continues Saint Exodus Vladislav-De Salvo Teaser