"Nakipagsuntukan ka na naman!" Padabog kong inilapag ang messenger ko sa bench at galit na tinignan si Saint. May bangas ang gilid ng kaniyang labi, maliit lang iyon at hindi halos kita. Pero ang kamao niya? Puno ng dugo! Paniguradong napuruhan niya na naman kung sinuman ang kaaway niya.
"Gago, eh." Maaskad niyang sabi bago umiwas ng tingin.
"Gago ka rin, eh!" I shot back, frustration bubbling up inside me. Padabog kong inilabas ang first-aid kit mula sa aking bag, inayos ang aking salamin at muli siyang pinagmasdan para estimahin na naman ang mga panibago niyang sugat.
Saint huffed when he saw the kit, a frown creasing his forehead. Niyukong saglit ang duguan niyang kamao bago tuluyang mag-iwas ng tingin. "Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Pumasok ka na sa klase mo."
I shook my head, rolling my eyes at his predictable stubbornness. Alam ko nang iyon ang sasabihin niya kahit pa nga ba kabisado naman niya ang oras ng klase ko. "I don't have a class for another thirty minutes. Mabilis ko lang itong magagamot kung makikisama ka ang hindi na magmamatigas pa, Saint."
He didn't argue, but he didn't look happy about it either. He was sitting on the wooden table, knees bent, his feet planted on the bench in front of him. Maangas pa rin ang tingin, hindi lang sa akin kundi sa lahat. But I could tell he was tired. Maybe even a little guilty.
Hindi ko maintindihan kay Saint kung bakit habang tumatagal ay mas dumadami at napapadalas ang pakikipag-basag-ulo niya. Pang-ilan na ba ito ngayong taon? Noong Grade 9 kami ay muntik na rin siyang ma-expel dahil sa labis na pakikipag-away. I never asked for reasons for his brawls, basta ginagamot ko lang siya tuwing makikita ko o malalaman ko. There were fights that I didn't know about, kung malaman ko man ay nangyari na.
I stepped closer, grabbing the damp cloth from my kit and gently began wiping the blood off his knuckles. Saint flinched at first, but he let me continue. Pinapanuod niya na naman ako, sa parehong paraan na ginagawa niya sa tuwing lilinisin ko ang mga sugat niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa, kung tutuusin naman ay puwedeng hindi. But I owed the De Salvos all the opportunities I had at arm's reach. Sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa pamilya nila.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tahimik na tanong ni Saint makalipas ang ilang sandali.
I sighed, alam kong maiinis siya sa isasagot ko kahit hindi ko alam kung bakit. Kaya pinanatili ko na lamang ang aking tingin sa mga sugat niya na ginagamot ko. "Nang sabihin sa akin ni Regina na nakipag-away ka na naman ay tinext ko si Lord."
"Sinabi ko na sa'yong huwag mong i-text iyon, eh!" Pagalit niyang sabi, akmang babawiin sa akin ang kamay nang mas higpitan ko ang kapit doon.
Sa inis ko rin ay idiniin ko ang bulak na may alcohol sa sugat na ginagamit kong panglinis doon sa mismong sugat niya. Dumaing si Saint pero mas diniinan ko lang. "Hindi pa ako tapos linisin ang sugat mo! Huwag kang malikot!"
"Tinext mo si Lord!" Galit niya pa ring sabi pero hindi na muling binawi ang kamay. "Tinext mo! Sabi ko sa'yo burahin mo ang number nu'n, eh!"
I squinted my eyes at him, pakiramdam ko ay nadoble ang inis ko sa taong 'to! Itinigil ko ang paglilinis sa sugat niya at galit na sinalubong ang kaniyang mga mata. "Well, I wouldn't have had to text him if you'd just replied to me, Saint! Ilang ulit ba kitang tinext, huh? Ni isa ay wala akong nakuhang sagot mula sa'yo! Eh, 'di tinext ko na si Lord dahil baka alam niya kung nasan ka! Even LA didn't know where you were!"
Saint frowned, his brow furrowing as if he couldn't believe I was arguing back. Ano bang akala niya? Hahayaan ko lang siyang magalit sa akin kahit wala naman akong maling ginagawa? Aba!
BINABASA MO ANG
End Game
Romance3rd Generation: The Lineage Continues Saint Exodus Vladislav-De Salvo Teaser