Chapter Two: Crosswalk

1 0 0
                                    

- KANG SEOL A-

Unang umagang gumising ako sa ibang lugar. It was a hard time sleeping in such a small bed. Masyado ko atang nasanay ang sarili ko sa bahay.

Nang makabangon, agad tumambad sa akin ang isa sa mga maleta kong umaapaw na sa sobrang dami nang nakapatong. Masyado nang late kagabi kaya tinulugan ko nalang ang pag ayos non. Bumuntong hininga ako bago tumayo at tinapos ang pag aayos.

Patapos na ako sa pagliligpit nang biglang tumunog ang cp ko. Kunot noo akong lumapit don at binuksan agad ang pinakaunang message na lumabas.

Si Haruto pala.

> U awake? breakfast?

Napatingin tuloy ako sa oras sa ibabaw nang screen. It's 8 AM.

Libre mo?<

> Tsk. Kinacareer mo na pagiging buraot ha.

I scoffed

Sama si Youngtae?<

> Wag mo nang isama yun malaki nayun.

Napaismid ako sa binasa.

Ah so sinasabi mong <
maliit ako?

> Ikaw may sabi nyan lol.

Napairap ako. Binaba ko na ang cp ko at sinara ang maleta. Hiniga ko yun at nilagay sa ibaba nang desk sa may paanan nang isang bed. Kinuha ko ang bulky jacket ko at tuluyang lumabas.

Nasa 3rd floor ang room ko kaya malayo layo rin ang lalakarin ko pababa.

"Seol!" Napalingon agad ako nang marinig ang pangalan.

Ayan na nga sya, si Taeyoung.

"San ka? Pupuntahan sana kita sa taas may dala akong coffee!" Sabi nya pa habang inaalog ang dalang plastik sa harap ko.

"Mag brebreakfast sana kami ni Ruto eh... Sama ka?"

Inabot nya sa akin ang isang maliit na cup na decaf at kinuha narin ang isa pa dun bago tinapon sa malapit na basurahan ang plastic.

"Haruto? Ikaw ha, unang araw mo palang dito nakikipagdate ka na" binangga nya ang braso ko.

"Ulol!" Tinampal ko sya sa noo para lumayo sya sa akin at natapon nang konti ang iniinom nyang kape.

"Aray! Parang ano naman biro lang" sabi nya pa bago uminom sa hawak na kape. Ngumiti pa ang baliw.

Pag labas namin nang main gate nakita agad nang mga mata ko ang tila modelong si Haruto na nakahawak sa cellphone nya. He was wearing a long black trench coat and a blue scarf. Malamig narin kasi dito sa Seoul. Pati ako nga ay nakabulky jacket.

"Ruto-ya!" Sigaw ko habang nakatayo lang kaming dalawa ni Taeyoung sa may pinto ng dorm.

Maingay na uminom si Taeyoung sa decaf nya habang naglalakad palapit si Haruto.

"Ba't ang aesthetic mo? May date kaba?"

Nakita ko ang mabilisang tingin ni Haruto kay Taeyoung at sa mga hawak naming kape.

"San mo gusto kumain?" Baling nito sakin.

"Aba malay ko. Kakadating ko lang din dito no wala akong alam na kainan."

"Edi magdiscover tayo" Sabi ni Taeyoung na umakbay sa aming dalawa ni Haruto. "Sinong gustong kumain nang Beondegi* for breakfast?"

(*Beondegi = Silkworm Larvae)

Sabay kami ni Rutong nagtapon nang disgusted look kay Taeyoung. Beondegi? Are you serious?!

Umiling iling lang ako habang nginingitian ako ni Taeyoung na parang tanga. Binalik balik nya rin ang tingin nya galing kay Haruto at sa akin.

Ending ay nakahanap kami nang Teok restaurant ilang blocks lang galing sa school. Nakaupo na kaming tatlo sa isang table. Dalawa kami ni Taeyoung sa isang side at si Haruto naman ay nasa harap ko.

"Anong oras ba time in mo Haruto? Di ka pa ba late?"

Songpa was 15 minutes away from Yongsan, dun nakatayo ang entertainment namin. It's a 3-hour walk on average, at alam kong tamarin din tong si Haruto. Anyways. Marami rami narin syang naipon galing sa entertainment namin. Di na big deal sa kanya gumasto.

"10 AM pa. Malapit lang naman yung ent. dito di nako mahihirapan mag commute."

"San ka pala nag rent?" Tanong narin ni Taeyoung.

"Dito lang rin. Kaya nga nag aya akong magbreakfast bago ako pumasok diba?" Maattitude ang tono ni Haruto na hindi man lang tiningnan si Taeyoung.

Hanggang ngayon ganito parin sila, simula nang magpakilala sa amin tung si Taeyoung parang may mainit na dugo na talaga si Haruto sa kanya. Hindi naman sa pagmamalaki pero sa akin lang nagpapakita nang kabaitan si Haruto.

Natawa ako at nailing nalang nang makitang kinutya ni Taeyoung ang linya ni Haruto habang hinihiwalay ang chopsticks.

Nang matapos kumain lumabas na kaming tatlo at hinintay makasakay si Haruto. Tinuro pa nito ang dalawang mata gamit ang dalawang dalit at binaling yun kay Taeyoung bago tuluyang pumasok sa taxi.

Nang makaalis na nga sya, sabay na kaming naglakad ni Taeyoung. Nilbot namin ang mga sidewalks habang pinapalipas ang oras. Maya maya ay sinagot nya ang tawag sa cp nya at nagpaalam na may pupuntahan. Kaya mag isa nalang tuloy akong uuwi.

Naghihintay ako nang go sign sa crosswalk habang bored na lumilinga linga sa paligid.

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko nang biglaan itong nag vibrate at tinignan ang unang message na lumabas. Si Haruto nanaman.

> Just arrived at the company. U home?

Panandalian akong tumingin sa signal light at naglakad nang makitang green na yun para sa mga tatawid.

Nakatingin lang ako sa cp habang sinasabayan ang mga tumatawid at nagrereply kay Haruto.

Pauwi na. Iniwan ako <
ni Taeyoung

> Mworago?! Pano kung masagasaan ka?

Bago pa ako maka send nang reply bigla akong napatigil sa lakad nang may kamay na humarang sa dadaanan ko.

Gulat akong napaatras nang may dumaang malaking sasakyan sa harapan ko. Muntik na kong masagasaan!

Napatingin ako sa lalaking katabi ko nang tanggalin nya ang kamay nya sa pagkakaharang nito papunta sa bulsa nya

He was not too tall, just average. Mas matangkad sya sa akin, maputi, gwapo at pang modelo ang mukha. Nakasuot sya nang itim na dress shirt at maong pants. Parang galing talaga sya sa pag momodelo. Nakaayos rin ang buhok nya at... Ang bango nya.

Nakahawak ang isang kamay nya sa cellphone at hindi man lang ako nilingon.

Mabilis ang tibok nang puso ko. Pano kung di nya ako pinigilan? Baka pancake na ko ngayon.

Magpapasalamat sana ako nang bigla syang naglakad paalis. Nag green na pala ang signal light.

Napalunok ako at nanatiling nakatayo dun. Nakatingin sa kanya. Sino ba yun?

Nagulat ako nang biglang nagvibrate ang cp ko.

> Ya, buhay ka pa ba?

> Seol sinasabi ko sayo pag di ka nag ingat.

Ok lang ako <
Tatawid muna ako wag <
ka magulo

Nang masend yun ay binaba ko na ang cp ko at tumawid. Hindi parin nakakamove on sa muntik nang nangyaring aksidente.

_𝔖𝔞𝔠𝔯𝔢𝔢𝔡♤







If I Could Fix You (Hanlim Series #1) (Republished)Where stories live. Discover now