Skype i.d 4: Dead

244 16 0
                                    

Shit ano bang nagyayari?

Sobrang lakas ng kaba ko.

"Cuz..." hingal ni El, nahihirapan itong huminga.

"Oh god... relax lang El, hintayin mo ko dito." taranta ko.

Nadapa dapa pako para kunin ang inhaler niya.

"Please Daisuke San, pakibantayan muna siya" sigaw ko.

"France?!" sigaw nilang lahat nung makita ako, pero hindi ko muna sila pinansin, dumiretso muna ko sa IT room at nanduon ang bag ni pinsan ko.

Pagbukas ko ng kwarto ng IT room may batang babae biglang tumakbo palabas ng kawarto. Napaupo at napamura nanaman ako sa gulat.

Ang batang multo na usap-usapan sa office, ang batang si Dora, pinangalanang Dora dahil ang hilig mamasyal masyal sa mga pod. Pero this is the first time na makita ko siya ng malapitan at napakaclear niya sa paningin ko.

"uy France ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Mhavi.

Pumasok ako sa kwarto at nakuha ko ang bag ni El.

"O bakit? sinusumpong ba ng hika si tech Raphael?" tanong ni Rui ang mestisahing nurse namin.

"oo eh..." sagot ko.

"Are you ok France?" tanong nito. "bakit ang dumi mo?" sabay tingin ng lahat sakin.

Ilang beses ka ba namang madapa dapa sa basang damuhan.

"At teka? mantya ba yan ng dugo?" tanong niya.

"Listen... mamya na ko magpapaliwanag, we have to hury" sabi ko sabay takbo sa likuran.

Nung maiabot ko na agad ang inhaler, inassist ako ni Rui. At nagiging ok nadin ang pinsan ko.

"thanks Rui" ngiti ni El sa nurse.

Gusto ko sanang sabihin na "Ay welcome insan, naapreciate mo pala ang pagtakbo ko para kunin ang inhaler mo" Nakakaloka? anyway alam ko naman kasi na may gusto siya sa nurse namin kaya, sige support lang kita my dear cu'z.

"What is going on here?" sigaw na tanong ni Sir Moto.

Napalingon kaming lahat, halos lahat ng co-workers namin nakatingin samin.

"Let's just go inside first" alok ni Daisuke.

Habang pabalik na ang lahat sa loob.

"Thanks Daisuke San" bulong ko.

"Your welcome Eve, and please just call me Daichi ok?" ngiti nito.

"Ok." sagot ko.

Inalalayan ni Rui ang pinsan ko. Go!, chance mo na yan cu'z. Wink ko sa kanya. Pinipigilan nman nito ang tawa niya.

Nung malapit na kami sa lobby, napansin naming nakabukas ang pinto. Nagkatinginan kami nila Daichi at El.

"CLOSE THE DOOR" sigaw naming tatlo.

Nagulat ang lahat.

"Close the god damn door!!!" sigaw ni Daichi.

"Pero? nasa labas sila T.l Omar, Yosuke at Sabrina." sagot ni Jessa.

"Pati ang mga Power Puff girls lumabas" sabi ni Rose.

Powerpuff girls.

As in sila Blossom, Butter at Bubbles. Yun ang mga pangalan ng 3 mahilig pumorma at mga susyaling/ nagpapasusyal na coworkers namin.

Tinawag ni Daichi si T.L Omar, Yosuke at Sabrina na pumasok sa loob. Pero wala ang mga powerpuff girls.

"San sila nagpunta?" tanong ko.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon