Chapter 37: Connect

92 6 1
                                    

A/N

Hey readers,

Thank you sa pagsupport ng first ever sci-fi/mystery na novel ko. Mas Mahilig talaga akong magsulat ng mga horror stories kaya aminado ako na hirap ako sa kwentong to. Pero I'm trying my best ^_^

-------------

What the hell! Ano bang trip ng baliw na Shori na to?

"Daichi, can you check if Hayfril is still under my drugs? I need her to be fully controlled" utos ni Shori sa fake na Daichi.

"I think mas maganda kung may susunod sa fake na Daichi" suggest ni Kurt.

"I will go" sabi ni AJ.

"Sama ako" sabi din ni Euna.

"Be careful" paalala namin.

"Eve?" Tawag ni Shori.

Muntik na kong sumagot. Kausap pala nito ang fake na Eve.

"Yes Master?" Sagot naman ni FE
(Fake Eve)

Master? Ay wow? Ginawa pa yata kaming aso nito.

"Come here, help me ease my stress" utos ni Shori.

Lumapit naman ang FE at niyakap si Shori. Hinaplos nito ang balikat at leeg.

"The F! I don't think I can watch this" gigil ni Daichi.

"I will take care of you master" ngiti pa ng fake Eve. Sabay halik nito kay Shori.

Buset na Shori na ito!! waaaahhh!!! Heto na yata ang pinakanakakakilabot sa lahat ng nakita ko sa lugar na ito at sa lahat ng pinagdaanan namin

Ginawa pa kong pokpok na walangyang Japanese na ito!

"Oh my...huy Ces! Ganyan ka din ba ka-aggrresive?" Natatawang sabi ni Angel.

"Baliw ka! Hindi ako ganyan no? Hindi ko kayang gawin ang mga ganyang halik " taranta kong sagot.

"Even before I know that guy, is really intersted to you" selos alert pa si Daichi.

"Ah talaga? Eh wala naman akong gusto dyan" depensa ko agad. "Kaya mas mabuti pa gumawa na kaya tayo ng plano kesa naman sa panuorin natin ang live show na ito!" Naiiyak ako sa inis.

Sarap putulan ng ano... tong Shori na ito eh!!! Baliw na nga ang pervert pa!

"So what's the plan?" Tanong ni Kurt.

And then we heard an alarm.

Napatigil din sila Shori at Eve. Mabuti naman no! Dahil kulang nalang ay sabunutan, kaladkarin at pagsampasampalin ang fake na Eve!

Nung lumabas sila na sila sa room, "go check it out at kami na munang bahala kay Xyroun" suggest nila Angel.

"Let's go Eve, Lexus, stay here with them" utos ni Daichi.

Nung sinundan namin kung saan ang kaguluhan, as much as possible tahimik naming sinundan sila Shori. Sa isamg kwarto sila dumiretso at duon ay nakita naming nakahandusay ang fake na Daichi, may patalim itong nakabaon sa ulo.

"AJ did that?" Tanong ko.

Where is Hayfril?

"AJ! Sigaw yun ni Euna.

Napatakbo kami at duon nakita na sinasakal ni Hayfril si AJ. At halos hindi makatayo si Euna sa sahig.

"Help her" utos ni Daichi at sumugod naman ito para tulungan si AJ.

"Damn! She's so strong!" Sigaw pa ni Daichi nung hampasin lang siya nito.

"Well, well, well! What do we have here?" Si Shori kasama ang fake na Eve at pati narin ang fake na Daichi na nakabaon padin ang kutsilyo sa ulo. "Calm down Hayfril, you can let him go" utos nito.

Online:  Dead (GGE Chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon