Chapter 14: Time

146 10 0
                                    


Wala kaming halos imik. 

Hindi ko na ding maiwasang mapaiyak. 

My cousin El tried to comfort me. 

But I know Rui needs him too. 

"Sige na Cuz punatahan mo na si Rui, I'll be fine" sabi ko.

Nilapitan naman ako ni Daichi at si Lexus agad niyang inihiga ang ulo nya sa lap ko. 

Inihiga ko din ang ulo ko sa balikat ni Daichi. 

Somehow... I feel safe when he is beside me.

Oh my gosh? ano ba to? 

Am I falling for him? sa ganitong situation... 

"What are we going to do now?" tanong ko.

"We really need to know? whose behind this commotion, maybe it's the only way so that we can survive" sagot niya.

"But how?" tanong ko. 

He set up his computer. 

Nagpa-assist pa siya kay Sir Moto at El.

Anong balak nila? 

"nakakapagtaka... pagdating sa internet skype connection, ang bilis... pero pagdating sa iba, walang signal" sabi ni El.

"It means... they can control even the internet connection" sabi din ni Daichi. 

Mabilis na may tumawag sa skype  ni Daichi.

Pag on ng video. Si maskman nanaman, nakasuot ito ng white uniform yung parang sa mga scientist. May naalala ako sa suot niya. 

That strikes me... naalala ko nanaman ang nakaraan. Sa Abandon hospital, kung saan nakilala ko si Daichi bilang iyakin bata. 

Napakunot din ang noo ni Daichi hindi kaya pareho lang kami ng naaalala? 

Hindi nagsasalita ang taong nakamaskara. pero pakiramdam ko nakatitig siya sakin. 

Pagkatapos may ipinakita siyang video. 

Kami yun ah?

"he can see us through that" sabay turo ni El sa mga CCTV camera. 

Pagkatapos may ipinakita pa siyang ibang lugar sa Clark... at sa loob may mga buhay ding tao tulad namin.

Nagkatinginan kaming lahat. 

"Now let's begin other set of a game" sabi nung taong nakamaskara. 

Walang umiiimik sa amin. 

"Survival of the fittest among those who survived from the dead, let us see how you will fight until the end" sabi nito. 

"Damn! why are you doing this!" sigaw ni Sir Moto. 

Nakikipaglaro nga siya. At kami ang laruan niya. 

Sino ba to? sino sila...?

"now, who among you be the first to go to this building" sabay labas ng isang mapa at picture. 

Familiar samin yun. Maybe about 20 minutes ang layo nito kapag nilakad mo mula dito sa Puregold. Isa itong maliit na chapel na may malawak na garden. 

Biglang may isang babae ang nagpakita sa viseo at kumausap samin. Nakapang nurse ito. Mahaba ang buhok hanggang bewang. She has this angelic face. But when she smiled... it is so creepy. 

"Sa loob ng chapel" malambing nitong sabi.

Hala? filipino pala ito?

"may matatagpuan kayong bagay na makakapagpigil sa pagiging zombie kapag nakagat kayo" sabi nito. "Subalit hindi na ito makakatulong sa mga taong naging zombie na ng tuluyan dahil kumalat na ang virus sa utak nito" bigla siyang tumawa ng nakakapangilabot. 

" May rules ang larong ito! tatlo lang sa inyo ang pwedeng sumugod sa nasabing lugar" paliwanag nito. "Sa loob ng 45 minutes dapat ay nakuha nyo na ang bagay na kailangan niyo sa lugar na iyon, bukod pa sa gamot na inihanda namin, makikita din nyo ang clue kung papano makakatakas sa lugar na ito" dagdag nito. 

Habang ineexplain ni rose kay Sir Moto ang pinagsasabi ng bruhang to sa skype. 

Nagusap-usap na kami ng strategy.

"Oras, zombies at mga kapwa nyo ang magiging kalaban niyo sa pagkakataong ito" halakhak na parang baliw ng babae. 

Kaya kong tumapos ng zombie... pero hindi ko yata kakayanin manakit o pumatay ng kapwa ko tao. 

"the game will start at 6:00pm" sabi nung babae. "goodluck" sabay crrepy smile nanaman. 

"shit!" yun lang nasabi naming lahat. 

We still have 2 hours to prepare. 

"Sino-sino ang tatakbo?" tanong ni Rose. 

"Ako na" sabi ni El.

"No way El!" sagot ko. "konti nalang ang gamot mo, we can't take a risk!" pag-aalala ko sa pinsan ko.

"Frances is right" sabi naman ni Rui. 

"I will and I will take Lexus" sabi ni Daichi. 

"Counted ba ang aso sa tatlo?" tanong ni Xyroun.

"oo nga?" tanong ko din.

"maybe" sagot naman ni Daichi. 

"O sino pa yung isa?" tanong ni Vans." hindi din ako pwedeng tumakbo dahil mabagal ako" pauna na niya. 

"Ako nalang" sabi ko. 

Napatingin silang lahat sakin. 

"sure ka?" tanong ni Rose. 

"oo... kawawa naman tong si Daichi eh" sabi ko.

"uuyy...." asar pa nila. 

"nakakaloka kayo, nakuha nyo pang mangasar ha?"

Kahit papano nakakabawas ng tensyon... pero bakit ko nga ba naisipang magvolunteer? curiosity kills the cat sabi nga nila. Takot ako pero curious ako sa mga nangyayari. 

Pero napansin ko lang parang iba ang tingin ni Daichi ngayon sakin. 

"Problema mo?" tanong ko.

"Why do you have to volunteer?" tanong niya. 

"O bakit ayaw mo kong kasama?" tanong ko.

"It's not like that... maybe this time, I don't want you to go with me" sabi nito na nakayuko.

"Why?" taka ko.

"I don't want anything bad happen to you" sabi niya. 

I hold his face... 

"I know I'm safe because I'm with you" sabi ko.

Nagblush siya.

"beside... I can take care of myself, sa tingin ko din naman mas ok kung tayong dalawa ang magkasama, we can support each other" sabi ko. 

"like before?" tanong niya.

Napangiti ako. "yesm like before... pero please lang ha? hwag ka ng magpapabuhat, my gosh ang bigat mo kaya noh" sabi ko.

Natawa siya. 

"Are you ready?' tanong niya.

Napatango lang ako. 

"Lexus?" tanong ko.

Kumahol sya ng malakas. 

heto na ang simula ng panibagong laro. 


--------------------------

Sorry sa mga typos. ^-^










Online:  Dead (GGE Chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon